Pilipinas! Magandang Umaga! Pagkatapos ng ulan palaging may naghihintay na liwanag. Madalas ko itong marinig noon, pero nabago ito nung nagkaroon ako ng sariling pag iisip. Naisip ko na habang umuulan, minsan may liwanag pa rin. Hindi po ba may kantang "umaaraw umuulan" Siguro may ibig sabihin din ito, na hindi sa lahat ng pag ulan kailangan nating hintayin matapos bago tayo makakita ng liwanag. Minsan kasabay ng mga suliranin, hindi lang natin nakikita ang mga solusyon sa paligid. Yung mga ipinapahiwatig ng ating nagiisang Diyos. Inspired na inspired ang utak ko today mag work. Kaya maaga akong nakatapos, at ito hehe makakapag balik na ng modules ng pangalawa ko, makulimlim sa kabilang banda pero maaliwalas sa kabilang banda. Nasa atin na talaga kung saan tayo titingin.. :) Kape kape na!
1 comment
Ganda naman ng words na yun sis. Super motivational and inspired ang pagkakagawa. Tama naman.