Ela's meal and ours, magkaiba hehe. Ito na po yung ginataang langka namin kanina, kakatapos lang namin kumain at sobrang solb dahil malinamnam ang gata ng niyog. Mahirap ang proseso talaga, or hindi ganoon kadali dahil sa pag sungkit palang, hanggang sa pagbabalat pareho ng niyog at langka, paghimay ng langka, at pagkudkod ng niyog, at finally mailuluto na. Pero it's all worth it kapag nasa hapag kainan na yung pinaghirapang gataan, iba talaga eh. Nakakamiss sa probinsiya, lalo na sa probinsiya ng aking mama sa Bicol. Doon talagang hindi kana bibili ng niyog, pipitas na lang. Ang mga lulutuin pipitas na lang din hindi na kailangan pang bumili, ang madalas na kailangan na lang bilhin ay yung mga maliliit na sangkap. Maliban doon ay lahat pwede na lang kumuha sa paligid. Ganoon din ba sa inyo noisefam? Nakakamiss po ano?
3 comments
Samin din sis ang kaibahan lang sa inyo e pinipitas amin kuha lang talaga kasi nasa tinda lang ni nanay hahaah
Ay haha same na same pala tayo sis may source ano haha.
Wow this recipe maybe very delicious.I think food is healthy and nutritious. You enjoy delicious food. Good night