Shots at our yard! Sobrang init ngayon na nakakapaso ang lupa sa labas. Pag lumabas ka ng ganitong oras kahit wala kapang ginagawa eh pawis na kaagad. Nakakailang ligo kayo sa maghapon Noisefamily? Sa ganitong klima natin? Isa? Dalawa? Tatlo? Pero alam ba ninyo, na pagkatapos nitong init na ito, panigurado na babawi nanaman ang ulan. Uulanin nanaman tayo nito at papalapit na yung season na yun, kung ngayon hinihiling natin na umulan, sa susunod ang hihilingin nanaman natin ay araw. Just want to remind you everyone na stay safe palagi at drink plenty of water po para marehydrate po tayo at sobrang init po ngayon.
3 comments
True bukas makalawa super ulan nyan. Kaso sobra naman ang init talaga kay mas mabuting laging nainom ng water
Grabe ang init friend..kaya 2 pm talagang asa kwarto lang.. hindi kaya walang aircon sa init... 2 ligo ako, umaga at gabi..ikaw, nakaka ilan ka?
Umaga at hapon sis hehe tapos sa gabi half bath na lang hehe. Wala eh sobrang init talaga sis. Kami naman sis dito sa amin walang aircon pag mainit ng husto dito kami sa labas hehe sa may puno