Champorado kahit mainit Tagal na daw na hindi nakakain ng champorado ang aking mga chikitings kaya ito ang meryenda nila ngayon. Kahit mainit go na go sila. At ito nga ang pruweba, ito yung mangkok ni Mj hehe. Hindi halatang gustong gusto ang powdered na gatas kaysa sa evap. May evap pero si Mj, mas gusto ang bear brand. Kaya naman nakisubo na din ang dalawang ate at sumandok pa, nag powder na din na gatas hehe.
2 comments
Powder ang trip nila sa champorado ah, kasarap ng pagkain e kitang kita hahaha enjoy po!
Oo sis, paano nung nag linis ako kanina sa kusina nakita nila yung garapon ng cocoa hehe