Magandang umaga Pilipinas! Malamig na malamig ang simoy ng hangin. Ang lamig pa rin kahit nag daan na ang pasko. Pero yung ganitong panahon ang masarap sa pakiramdam lalo na at kasama mo ang iyong pamilya sa ganitong lugar. Simple lang pero ang mahalaga ay masaya at magkakasama. Kakatapos lang ng aking morning work. At gising na si aling maliit. Yehey! Ang aking big three ay sleeping beauties pa rin sobrang na eenjoy nila ang ganitong klima talaga. Bumabawi ng tulog at pahinga. Tara na po at magkape na!
3 comments
Napakaganda ng lugar ninyo, kaingay! Ang sarap tumira sa ganiyang lugar! Sariwa ang hangin at hindi polluted gaya sa mga city! Saan iyan, ka-noise?
Salamat po, totoo po yang sinabi ninyo ka noise at mula din po nung nalipat ako ng lugar eh gustong gusto ko na bumalik sa ganito kasi mas mapayapa po. Dito po sa zambales ka noise.
Ah.. kaya pala kahit di pa ako nakarating diyan hanggang olongapo lang at Bataan ang napuntahan ko pero dahil magkakarugtong iyan, parang nakikinikinita ko kung gaano rin kaganda diyan dahil bulubunduking lugar din iyan. 😍