read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Late lunchiees! Daing na bangus, plus kamatis at yung pritong patatas ang aming lunch today noisefamily. Kayo po? Nag lunch na din po ba kayo? Medyo nalate kami kasi busog pa sila kanina at kumain ng toasted bread at nag gatas. Pero mukhang gutom na sila ngayon, at nirequest yung patatas na kagaya kagabi. Isasawsaw daw nila sa ketchup at mayo. Haay buti na lang talaga magana ang mga anak ko kumain. Kasi silang lahat hindi ko na pinapag take ng vitamins. Lalo na nung nagtanong ako dati sa doctor kung anong pwede ko ipainum na vitamins. Tinanong ako kung magana daw ba kumain ang anak ko, at normal naman ang pagkain niya hindi yung malamya. Kapag ganun daw wala naman problema kaya hindi ko na kailangan pang painumin ng vitamins sa ngayon lalo na yung sa pang pagana kumain. Baka lalo lang daw kasi humina kumain pag ganun. Kaya ayan, hehe tara na kakain natayo mga chikitings. Luto na ang patatas na huling salang hihi.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.