Di nanaman mapakali ang Smigol namin Kanina pa yan paiba iba ang posisyon, kada talikod ko sa kanya ganyan, dahil ang upuan na yan na ginawa na din niyang higaan eh nasa likod aking working table. Hindi din siya mapakali dahil siguro sa panahon. Kanina kasi malamig, ngayon uminit nanaman ng kaunti parang ma alinsangan kasi si Ela tulog na pero pinag papawisan pa din. Ang cute niya lang kuhanan ng picture, akala mo nag popose talaga. Nakapikit po siya diyan, umiidilip pero di magawang maka tulog ng maayos. Haay mamaya ito mang gigising nanaman, dibale gising din naman kami ni hubby mamaya kakain siya at iinom ng gamot. Goodnight noisefamily sa mga patulog na, ako maya maya pa.
4 comments
Maya maya pa rin ako sis still watching pa nagpapa antok haha. Kainggit naman ang positions ni Smigol haha
Ako naman sis nung nakaraan after work, hindi makatulog nag try ako mag play ng movie pero cartoon movie siya, Treasure planet hehe nakatulugan ko
Ang cute ngang matulog sis.😂
Hehe kulit niyan sis, pero kahit makulit love love namin super