Ang big three ko, may bago nanamang pakulo! Habang nag wowork, ito pagtalikod ko sa aking working table, sila eh may pinag kaka abalahan. Gumagawa ng mga palobo gamit ang plastic ng yelo at plastic ng ice candy. Mga gamit namin ito nung gumawa ako ng ice candy na melon kasi parang ang sarap niya eh wala nag titinda dito kaya gumawa na lang ako ng pangkain namin. Ang mga plastic naman ng yelo, may butas sa bandang lagpas sa kalahati kaya hindi ko na nagamit noon sa yelo. Ayan nakita nila sa gilid ng ref naisip nilang gumawa daw ng marami para paglaruan ni Ela. Hehe pero wag ka siyempre silang apat ang mag lalaro niyan hehe. Magandang gabi! Nakaluto na po ba kayo? Free from cooking ako ngayon kasi may adobo na binigay si mama, bukod doon ang dami pa ng pancit kaya di na ako mag luluto ng ulam hehe.
1 comment
Wow parang mag data lang din noon kung ano makita sige palobo. Ga yan din mga bagets ko. At ganyan din ako noon.😅😅 kapag may nakitang palstic sige ang palabo.