Kalamay and suman, Treats from their Lola (grandma) Preparing dinner already but here are my kids eating again some snack. Basta kalamay or malalagkit na kagaya nito hindi uurungan ng mga bata. Isa yan sa namana nila sa papa nila. Kahit na anong oras ihain ito lalo na yung bagong luto. Tuwing may okasyon minsan nakapapaghain or nakakapagluto ng ganito ang biyenan ko. Pati na yung ibus na suman kung tawagin ang sarap nun, isawsaw sa asukal type na type nila. Kayo po ba mahilig din sa ganito?
4 comments
Sapin sapin sis at biko ang trip ko pero suman madalang hihi. Sarap for snacks yan
Biko is really the winner sis tapos easy pa ang recipe hehe ang procedure lang ang mahirap 😅
Sa true sis haha paghalo pa lang pagod ka na haha
Kasarap naman niyan sis😋