read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Hello po sa inyong lahat😊 magandang hapon. Sobrang ganda ng aming hapon ngayon. Bukod sa blessings may "nagbalik". Halos mag iisang buwan na siyang nawawala. Tatlo silang nanakaw sa kulungan ni Mr. Ko mga batcher na. Kaya impossible na nawala dahil sa paglipad Itong si Wendy🕊️ isa siya sa nawala. Ang nanay at tatay niya ay nandito pa din sa amin. Pinutulan siya ng pakpak at tinanggal ang isang clip ring niya. Paglabas ni mr. Ko kanina lumapit si Wendy sa kanya🥰 pagkakita niya alam niyang si wendy kaagad yun. Kakatubo palang ng buntot at pakpak niya ang liliit pa. Siguro nakawala siya sa nanguha sa kanya kaya bumalik sa amin. May dalawa pa. Sana naman hindi nila ginagawa ang mga pag kuha kasi sa amin alaga lang talaga namin sila ng mga anak ko at hindi namin kinakarera hanggang free fly lang sila para lang kahit gusto rumonda or lumipad alam nilang umuwi. Sa kumuha sa kanya, nagkamali po kayo akala ninyo hindi na makakauwi si Wendy sa amin hehe nakauwi po siya papatubuin namin ng husto ang pakpak niya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.