At may humabol pa! Hehe Hindi man nakalabas ng bahay ang aking chikiting nitong pasko pero meron pa din silang blessings. Dala ito ni mister ko kagabi pag uwi niya. Nakakatuwa naman at ito daw ay galing sa manager niya at sa isa din nilang Admin. Si Mj lang ang hindi nakakita nito kagabi at tulog na siya hehe. Pero ngayon siya ang aking early bird kaya dali dali kong sinabi na may dala si papa niya kagabi. Ang sabi niya "wow ma" bili natin ng color, lapis at papel sa shoppee. Lols. Shoppee pa talaga diba haha.. kasi alam nila doon ko inoorder mga gift sa kanila at di naman ako nakakalabas haha.. sabi ko bakit yun gusto niya, Kasi mag i school na daw sila ulit. Ang mga bata talaga simple lang ang kanilang kaligayahan at hiling. Kasi hindi din sila sanay na may pera silang hawak, nung December 31. Nag pa agaw ng barya yung kapatid ko, nakikuha naman itong big three ko pero sabay takbo sakin. Ma o sayo na lang po hindi ko po alam ano gagawin dito eh, ang tawa ko at Ang tawa din ng kapatid ko. Haay mukhang kailangan ko na sila turuan humawak ng pera yung alam na nila bumili sa tindahan hehe. Soon yann!! At yung panganay ko 10 years old na haha.
No comments yet