Ate Missy ChingChing Sinama ko siya paakyat sa tindahan at sa school kanina pero sa may gate lang siya. Sabi ko nga mainit wag na sumama pero okay lang daw para daw may kasama akong mag lalakad. Na touch naman ako sa aking ate chingching. Ramdam ko na kaunting panahon na lang mas matangkad na sa akin itong anak kong to. Parang kailan lang hawak lang kita sa braso ko, hindi ka marunong tumayo o umupo mag isa ngayon malapit na kita maging kasing tangkad hehe. Grade four student na po siya 9 years old. Ang bilis ng panahon
4 comments
Parang ang bilis na nga po lumaki ng mga bata ngayon ano po. Ang thoughtful naman ng bebe chingching mo sis. By the way ganda talaga ng hair huhu sana all haha
Hehe oo nga sis kahit mahaba hindi nag lalagas at numinipis
Oo nga laki na pala ng anak mo sis.
Oo sis sya ang panganay ko sis, sumunod ay grade 2 and grade 1 tapos si baby Ela na hehe