Magandang morning noisefamily! Kamote for breakfast! Nag prito ako ng kamote, ginawa kong matatabang hiwa na paranv giant fries ang kamote hehe para hindi tumigas hanggang loob. Wala din po itong sawsawan, binubudbudan ko lang ito ng kaunting kaunting asin para lang may alat at tamis na malasahan, kasi natural naman ang pagkamatamis nitong kamote. Kamusta po ang inyong umaga? Dito sa amin maaraw na ulit. Pero ramdam pa din ang medyo malamig lamig na klima dahil sa pag ulan kagabi. Ayan, lumamig naman na ngayon hehe hindi na mainit ang panahon. Sabayan niyo na din ako mag kape!
2 comments
Same po, umulan man kagabi ngayon e maaraw na ulit pero hindi pa super init, dala siguro ng ulan.
Saraap! perfect for coffee