Prito at nilaga masarap at magkatugma! (Haha) naka rhyme ako ngayon noisefamily. Sorry na agad at pag bigyan niyo na po. Nananghali na po ba kayo? Siyempre po kung hindi pa aba eh, tara na po at mananghali na tayo. Kaya ko po nasabing ang prito at ang mga nilaga ay magkatugma lalo na po ang prito na isda at nilagang mga gulay. Kaya nitong bok choy masarap po ito iterno sa kamatis, hindi mawawala ang prito nating fish, hindi yan papahuli, at itong luncheon meat po ay para lang kung sakaling gusto ng chikitings kasi matinik itong aking bangus hehe. Kapag ganito naman talaga ang nakahain eh, parang bawal ang mag kwentuhan at galit galit muna hehe, tara na po kain na!
No comments yet