Kuya more bawang pa po please! Noon halos araw araw sa terminal bumibili ako ng ganito kasi gustong gusto ko ito kinakain habang bumabiyahe pauwi. Linyahan ko ito kay kuya na nag titinda na padagdag ng bawang hihi. Pero, Ngayong work from home na, ang ginagawa ko, kapag bumababa ng bayan ang kuya ko or pag nakakadaan si mister since ako eh madalang naman mamalengke nag papabili ako ng hilaw. Then kami na nag luluto. Medyo masama pa rin pakiramdam ng Inday kaya si mister nagluto nito, Ang dami! Nilahat niya na. At kulang sa bawang hehe, alam niyang gustong gusto namin ng mga anak niya na more more bawang, pero di ko na sinabi kasi nag effort siya nag luto. Buong araw siya ang OIC hehe. Saway dito saway doon, laro dito laro doon hehe at take note noisefam, gabi na po kasi dumating ang tubig namin kanina kaya si mister gabi na din nakapaglaba. Salamat talaga at naglaba si mister para pag okay okay na ako Hindi muna ako mabababad sa tubig ng husto. Magandang gabi po, sino po may gusto free lang per scoop hihi, kain po tayo.
5 comments
Sarap naman nyan sis favorite ko rin yan lalo na bawang haha pinag aawayan pa namin nyan ng nanay yang malutong na bawang hahaha
Ang sarap niyan ka noise Lalo na Yung bawang hay nakakamiss na kumain Niyan
Oo nga po eh, sa tuwing naaalala ko ito talagang nag papabili po ako tapos ako na sariling sikap na ng luto hehe at madalang na makatakas sa lungga. Pero now ito luto ni mister
Meron din niyan dito sis, bumili biyenan kong lalaki kaso luto na. Ang hirap ng ganitong panahon. Uso ang ubo at sipon.
Ayun sakto po sis hehe. Ay nako sis sinabi mo pa talagang ang hirap haay..