read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Ganito din ba ang mga miming ninyo? Tuwing gabi hilig na niya maglaro sa tabi ni Kira, pero ngayon iba ang ginawa niya, yung mga nakapatong na papel at notebook sa lamesa nilaglag niya at tsaka niya nilaro sa sahig haha. Buti na lang nasa bag lahat ng modules ng anak ko kundi kasama yun sa nalaro niya. Habang nag wowork ako nakatalikod ako sa part na yan kung nasan siya, narinig ko yung paglaglag ng mga bagay doon sa lamesa, sa sahig. Pag lingon ko ayan ganyan na po siya hehe. Sinusubukan kong kunin pero ayaw niya, nilalaro niya ako at maya maya kakagatin niya na ko haha. Kaya antayin ko na lang muna siya matapos maglaro bago ko ligpitin. Kaloka ang Smigol ko, samantalang inayos na yan kanina nung anak ko after mag module..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.