read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Goodmorning noisefamily! Sinend ng aking mother earth ito kagabi pero ngayon ko lang nakita. I share ko sana ang aming breakfast pero dahil nakita ko ito, naisipan kong ito na lang ang ishare sa inyo. Itong araw na ito, ay noong nakiusap si mother earth kung pwede bang samahan siya ng mga bata doon. Kasi sila lang ng bunso kong kapatid. First time na hindi sila umiyak sa gabi, silang dalawang ate ang natulog doon ng sabay. Dati kasi dahil nagigiliw si mother earth, kahit kami ay ayaw namin una dahil nga baka umiyak sa gabi tapos hindi din sila makatulog pareho. Naranasan ko na yun, nanundo kami ni hubby ng gabi mag 12 na ng hatinggabi kasi hindi talaga siya daw makatulog namimiss na kami. Sa hapon kasi pag yung sasama palang gustong gusto kasi na eexcite pag gabi na ayan na hehe kaya itong picture na ito talagang natuwa din si mama ko pati ako kasi hindi na sila umiyak. Hindi na naghanap sa gabi hehe. Kahit malalaki na kasi sila talagang malapit sa amin kaya ganun na lang kung maghanap sila sa gabi. Gusto kasi ng aking mother earth minsan na may kasama siyang bata para nalilibang. Hindi man araw araw pero kahit minsan mapagbigyan ko din kasi si mama minsan sa kaka isip na i stress hindi kagaya pag lagi siyang may kausap hehe. Madaldal pa man din itong dalawang ate. Si Mj naman ang nag iisa kong lalaki na anak, ang talagang naku, hindi pa maawat kung baga. Hindi niya pa kaya pero sinasanay ko na din. Pero palagi niyang sinasabi na, sasama siya pero sama din daw ako. Gusto daw niya tabi kami matulog. Aruy end up hindi siya makakasama hehe. Sorry po nahabaan ko na ng sobra pero kung umabot ka po dito. Isang malakas na Apirr po. At salamat sa pagbabasa noisemate. Goodmorning!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.