Pizza🍕 Meryenda time. Pizza kayo dyan noisemates, ito yong pizza na affordable na mabibili sa kanto sa halagang 130 pesos may dalawang flavor na sarap din, nag request kasi mga kids na pizza meryenda kaya yan cravings satisfied sarap paresan ng malamig na softdrinks..kain po.
@Jhen28 in July 2022
My kind of snacks. Santol sarap isawsaw sa asin matamis Wala pang paramdam si haring antok kaya ikain ko na lang muna, chitchirya sana kaso ubos na kaya no choice ito lang ang meron dito santol baka sakali antukin na ko nito hehe. Good evening sa mga gising pa.. Musta sunday night nyo guy's?
Hello.. Happy tuesday mga kaingay. Lamig sa mata ng market ngayon lahat ay naka green lipad na hanggang buwan panigurado masaya ang mga may naka hold sainyo kinikilig ba kayo? Hahaha si bch na lang ba nagpapakilig? sana tuluyan ng tumaas at hindi paasa lang.. Good morning po at ingat ang mga naglalakbay sainyo..
Hello mga kaingay.. biglang buhos ng malakas na ulan dito sa amin na parang may bagyo kaya napabangon ako para tingnan kong may tagas na ng tubig sa kusina buti konti lang yon ang problema sa amin pag maulan may tumatagas na tubig galing sa likod, depende sa direksyon ng ulan, sana humina ang ulan pag mahina kasi di natagas.. Tulogan na kayo noisemates? Goodnight sainyong lahat.. Tulog ng mahimbing..malamig ang gabi..
Yay! Kong kahapon ay naka green ang market ngayon naman ay naka red sila hays sumabay sa red days ko haha parang panahon paiba iba lang..kakatamad ang araw na ito sarap lang maghilata pero di pwede daming gawain halos kakatapos ko lang magsampay ng mga nilabhan ko tapos ngayon parang babagsak na ang ulan, ang init kasi kaninang umaga gang tanghali tapos ngayon hapon sobrang dilim na ng kalangitan pero buti tapos na magsampay umulan man e nakasampay na sa loob, relax na ako…
Rambutan at santol bigay ng tita ni hubby. Yong tipong nag iisip ka ng makakain tapos biglang may dumating na blessings..happy si ako.. Nag harvest daw ng rambutan at santol ang sister in law ni tita e andaming bigay sa kanya kaya binahagian kami fresh na fresh..salamat tita naalala mo lagi kaming bahagian. Gandang hapon noisemates, meryenda time na.
Yong tipong nag set ako ng limit na 108.4 tapos pag check ko ngayong umag e umabot pa pala ng 118.3 ang itinaas ni bch nahinayangan ako dun laki sana ng profit kong alam ko lang, hahah..parang bigla ang pagtaas ni bch tapos biglang baba din ngayong umaga nasa 111.4 na lang..sana ay tuluyang ng tumaas at bumalik sa dati yong unang nakilala ko si bch nasa 38k nakakamis yong dating price nya. Anyway, Good Morning to all. Kumusta gising natin mga ka Noise?
POPCORN Snacks daw kami ng popcorn sabi ng mga bagets kaya ito nagluto ako, yong 10 pesos ganyan kadami ang naluto sulit laking tipid kesa pag bumili ng naluto na, yong isa gusto may cheese flavor at yong isa naman asin lang ang gusto kaya ito magka bukod, popcorn habang nanunood ng KMJS..snacks kayo dyan ng popcorn.😋😅
Time check 11:20pm, gising padin at walang madama na antok kaya naisip kong buksan ang binance app ko, yay biglang dumped nya kanina lang ay nasa 110 ngayaon 106 na, hanggang Ilan kaya ang iba baba nito? best time na ba para bumili? O may iba baba pa? Buhay trader's, hirap manghula kong may iba baba pa.😅 anyway, goodnight to all..see u @ dreamland.
Pancakes for kids breakfast. Bago matulog kagabi ay nag request ang mga kids na pancake ang kanilang breakfast kaya maaga akong gumising at nagluto para paggising nila ay naka handa na sa mesa, siguradong happy ang mga kids paggising, honey bee ang pampasarap at masustansya din. Bumili na din ako ng tasty bread para sa amin ni hubby..kape na lang ang kulang at gatas sa mga kids..😁 Anyway, good morning to all..happy monday..
Tilapya steak for Lunch. Ito niluto ko request ulit ng mga kids, maganda sundin ang kanilang gustong ulam para masaya sa oras ng kain, makikita ko na naman mga ngiti nila habang kumakain, medyo madaming sabaw sinadya ko talaga na madami mahilig mag sabaw mga bata, gustong gusto ko dyan yong sibuyas at sabaw solve na ako nyan..kain na tayo mga kaingay..oras na ulit para tayo ay kumain ng Lunch..Happy Lunchtime.😁
Magandang hapon noisemates, kumusta na kayo? Kakauwi ko lang, Kanina ay pumunta ako sa school ng anak ko para kumuha ng gate pass para sa gaganapin na moving up bukas ng umaga Kindergarten, yong gate pass ay para lang sa dalawang tao, para sa isang parent lang at sa completer kaloka wala manlang magpipicture pag rumampa sa stage, haha maganda sana kong may taga picture para may souvenier, so sabi ni hubby sya daw ang sasama sa anak namin, gusto ko sana sumama para manood…
Done Cooking. Lols.😂 Flex ko lang new toy ni anak.. Good afternoon noisemates Kumusta kayo? Now lang nakapag update dito, halos kakauwi lang galing bahay ni mother in law. Kanina nong Moving up ng anak ko nandito lang ako sa bahay ng mother in law ko dito kasi nag aaral anak ko malapit kasi school dito bawal kasi sumama kaya dito lang ako, so yon nga natapos ay 12:30 na ng tanghali , then pagkagaling sa school ng anak at mister ko dumiretso na kami sa Mcdo dun kami nag…
Meryenda time noisemates, kakauwi lang ng aking hubby may pasalubong na tinapay, wala sa plano ko ang mag meryenda pero dahil may pasalubong si hubby mag memeryenda ako kami ng mga bata, anu ba ang tawag sa tinapay na ito masarap naman may hotdog sa gitna..meryenda po tayo mga ka Noise tubig na malamig ang panulak solb na..
Ice Cream.🍦 Kahit malamig ang panahon ay Go parin sa Ice Cream..haha. Nakakalungkot yong panahon dito kaingay buong araw ng makulimlim hindi nasilay si haring araw. Feeling ko tuloy ang lungkot, tulog na anakis ko kaya ramdam ko yong katahimikan ng bahay. Kaya ito idaan na lang sa kain ng Ice cream para sumaya ang buhay.😋😂 Kumusta po kayo?
Snacks.. Magandang gabi mga ka noise. Musta naman thursday night nyo? Kami ito snacks muna habang hindi pa antok ang alaga, nakikisalo pa sa snacks huli ng cam ang kamay sa pagdukot ng snacks hahaha. Nagustuhan ang snacks na clover, pagbigyan minsan lang. Tamang nood din ng Pdrama habang hindi p antok.. Kayo dyan noisemates tulugan na? Tara snacks muna..CLOVER.😋
Yong tipong nagising lang ako tapos napasilip sa binance para icheck ang Value ni bch and napansin ko na nagpa pump, then na pindot ko si buy and after ilang minutes naka $2 profit na..yey..nadagdagan ang barya.😂 konting kembot na lang makaka 1bch na.😁
Green day!! Nakakatuwang makitang naka green ang market, lamig sa mata swerte ng mga nakapag hold ng tokens dahil lahat ngayon ay pataas ang price si bch umangat na sa 116, ako nga ay nanghihinayang at lahat ng tokens ko na naka hold dati naka convert lahat sa USDT sa binance malay ko ba na tataas pala ngayon, hays kong alam ko lang..hahaha. ganun talaga parang life di alam mangyayari.. Anyway kumusta kayo mga ka noise? Gandang hapon.
Grabe makakalimutin na talaga ko nakalimutan ko palang i order recieved yong na diliver na parcel kahapon from shopee buti nag open ako ngayon ng shopee app ko at nakita ko tinuloy ko narin i rate syempre 5star kasi ambilis ng dilivery at may quality din yong poster at mga balloons, lapit na birtday ng bunso ko at dahil lagi syang nanunuod ng cocomelon yon ang theme ngayon birthday nya, for sure happy anak ko..hehe. Anyway, time to sleep, halos midnight na.. Goodnight to all.
Maulan ang umaga ngayon, sumilip ako sa bintana at malakas ang bagsak ng tubig galing sa sirang alulod nabutas pala dahil kinalawang kaya ayan lakas ng tubig buti sa labas ang bagsak. Masaya ang mga halaman nadiligan ng husto. Good morning.
Natapos din sa mga gawain, ginhawa sa pakiramdam na natapos na sa gawaing bahay at pwede ng magpahinga, ang tanging gagawin na laang ay magsaing, maya maya ako magsasaing para mainit pag inihain, hindi muna magluluto ng ulam, kailangan ubusin muna yong mga natirang ulam na nasa ref para maubos, na iichipwera kasi pag may bagong luto kaya sabi ko yon na lang muna mamaya na lang gabi magluluto, payag naman anak ko..relax na yarn..hehe.
Good Morning! Kumusta umaga ninyo mga kaingay? Dito ay maganda ang panahon ngayon same kahapon. Kakatapos ko lang mag dilig ng mga halaman mainit ngayon kaya maaga ako nagdilig kahit nadiligan sila kagabi. Nakapag agahan na din ako ng sinangag ulam ay sunny side up egg at left over adobong manok plus coffee busolve na ang agahan. Maaga ako nagising kanina panay ang bahing ko malamang ay sisiponin, dahilan talaga to ng pabago bagong panahon pero sana hindi at hirap din kahit…
Good Evening! Musta sunday night nyo mga ka noise? Kami dito katatapos lang mag dinner, tapos na din mag hugas ng pinggan..reheat ang aming pinagsaluhan yong sobra kaninang lunch kaya maaga nakapag hapunan, sana kayo din ay tapos na ng maaga makapag pahinga..kain muna kong hindi pa. Abanger's ako ng kmjs, maaga pa kaya tambang tambay muna dito dotdot ng Cp.😁
Hello mga kaingay, happy monday sa atin, busy busyhan lang ang peg, pasilip silip ako kanina pa..hehe di agad makapag update. Ito Kakatapos lang nagpaligo na ko ng mga bagets, done na din kami mag breakfast. Ito na ganap namin ng mga makukulit sumasabay sa pagsayaw, cocomelon time sila ngayon para akoy makakilos gawin ang mga gawain. Dahil hindi smart tv ang aming tv kinulit ko si hubby mag download sa usb ng video ng cocomelon buti sinipag, favorite panoorin sa youtube ng…
Madilim na hapon ka ingay, mukhang uulan na ang panahon dito, parang alas sais na ng gabi eh. Kanina lang ay tirik ang sikat ng araw biglang dilim ngayong hapon. Kumusta sa Lugar mo kaingay? Meryenda po tayo dumalaw ang biyanan ko may pasalubong na tinapay, KALAHI daw name nyan tinapay, bihira lang ako makatikim ng tinapay na to bagay pares nito ay kape medyo matigas. Tara Lets meryenda na. Gandang hapon sa Lahat.
Hello mga kaingay, Sobrang init ngayon, on the way kami ngayon ng mga anak po papuntang bayan, magbabayad ako ng mga bills isabay ko na rin mag grocery para isang lakaran na, punta din kami sa biyanan ko makadalaw sa mga in law, dun muna mga anak ko pag nagbayad ako ng mga bills at mag grocery hindi ko isasama at kong anu ano ang mga dadamputin nyan hahaha, saka sobrang init kaya dun lang sila makipag bonding sa mga pinsan. Kumusta panahon sainyo sobrang init din ba?
Hi noisemates, magandang gabi. Mag Snacks muna habang hindi pa antok. Nakatulog pala ako kanina pag uwi namin galing sa bayan, dahil sa init nakakapagod kanina ng lumabas ako, nakakapang lambot ang init, kaya ito hindi pa antok nakatulog kanina, maya maya antukin na din siguro ako, tamang nood muna ng Pdrama habang nag i-snacks. Snacks: Whoopie.😋 Advance Good Night na po.! Bukas ulit.. ♡jhen28
Hello mga kaingay. Happy wednesday! Kumusta Lindol sainyo? Sa totoo lang hindi ko naramdaman ang Lindol, at tulog ako ng oras na maganap, 8:45 am ako nagising,nagulat na lang ako daming update about sa lindol eh. Buti na lang hindi nagiba yong kubo namin, hahaha. Maiba ako, sinong nanunuod ng apoy sa langit? Hahaha, nahuli na ang magkalaguyo. Wala talagang sikreto na di mabubunyag.. Sa una masaya sa huli masalimoot..hays. Yang picture na Vita Cubes Candy sa ibaba High in…
Blessed Morning kaingay, sarap gumising ng maaga ramdam ko yong lamig at fresh ng hangin sarap sa pakiramdam mamaya nito mainit na naman. Happy birthday sa bunso ko today july 28, pero sa july 31 pa maghahanda dahil may pasok si hubby hindi nakapag leave dahil kaka leave lang nya last week. Napaka bilis lang ng panahon naka 2 years old na bunso ko..wish ko lang na lagi syang malusog at lumaking may takot sa panginoon at mapagmahal sa pamilya. Napa isip ako bigla meaning naka…
11:30 pm. Gising pa pero nakahiga na. Time to sleep noisemates, ngayon lang nakadama ng antok kahit kanina pa nakahiga, yong tipong gusto kong matulog ng maaga pero yong mata ko ayaw makisama hays ang hirap humanap ng antok kaya tamang libang na lang muna gang antukin, ngayon ramdam ko na ang antok ko, kaya ipipikit ko na baka mawala pa..hehe..bukas ulit. K. Goodnight to all. ♡ Jhen28
Good morning guys! Happy weekend! Gloomy pa din ang weather dito sa amin tulad kahapon buti nakalaba na ako kahapon kaya magrerelax na lang ngayon. Sarap buhay lang charr. 7:25 am na, Tulog pa aking mag aama, kay himbing pa ng tulog, bumabawi ng tulog si mister pagka weekend at pagka weekdays maaga sya lagi gumising, its okay kahit abutin pa ng tanghali sa higaan, haha. Mga mate kape na tayo. Kumusta gising?
Hello noise mates. Parang ang tahimik, natutulog siguro mga people at maulan ang panahon. Dito kakatila lang ng ulan, medyo malakas yong ulan kanina buti tila na pwede ng lumabas. At maglakad lakad, kakainip yong ganitong panahon..tulog baby ko walang makulit..hehe. wait ko magising pasyal kami sa labas. Nakalibre na sa pagdidilig happy na mga alaga kong halaman.😁Gandang hapon..ingat kayo.
Goodnight noisemates, inabot na naman ng hatinggabi na akoy gising pa, hindi parin ako inaantok, halos kakatapos lang maglinis ng sala, naglinis na ako ngayon at ng bukas paggising ay maaliwalas ang paligid kahit medyo tanghaliin ang gising ay okie lang, marami din gawain bukas bawas na to sa gagawin ko bukas kaya malaking bagay na nakapaglinis bago matulog, sayang yong oras hindi naman makatulog pag humiga..bukas ulit pilitin ko ng matulog, goodnight po.