read.cash Log in
@Jeaneth more from that month

Pa rant lang once

May mga kaibigan o kilala din ba kayo na ang bait bait kung kailangan sila sayo? Usapang pera in specific. Pero pag siningil niyo na, ang daming rason. Kwento ko lang iton karanasan ko tungkol sa utang-utang na yan. May kaibigan akong nanghiram ng pera sa halagang 1600 pesos ($32.01). Kasamahan ko kase sya sa review. Nag review kami para sa licensure exam last year. Eh may kailangan na kaming bayaran para maka take kami ng mock board exam sa review namin. Nagkataon nman na may extra, so pinahiram ko sya kase kawawa naman. Hangga't may maitutulong ako na kaya ko, tumutulong din naman ako. So, yun. naka take kami ng mock board exam. Eh kaso ngkasakit ako so hindi ako nakatuloy sa pag take ng exam last year March 24. Nasayang lahat ng binayaran ko pati pagod ko. Siya naman ay nakatuloy. Nung dumating ng araw ng resulta, pumasa sya kaya sobrang masaya din ako para sa kanya. Dumaan ang mga buwan, hindi na ako nakarinig sa kanya tungkol sa utang niya. Nahihiya din kase ako maningil sakanya kase parang ate ko na sya. 8 years yata agwat namin. Nag cha chat naman ako sa kanya, ne reremind ko sya tungkol sa utang niya pero wala pa daw syang pera kaya inintindi ko narin. Ngayon, kailangan ko na talaga ng pera eh wala na akong extra, yung utang lang niya ang tanging naiisip ko na pagkuhanan ng panggastos. Ayaw ko naman sya dini distorbo araw araw kase baka makulitan sya sakin. Pa minsan minsan lang. Kaso, 1 year na mahigit eh. 1600 lng naman yon. Ayoko sya awayin kase ni rerespeto ko bilang ate. Pasensya na't dito ako naglabas ng sama ng loob. Di ko kase masabi kina mama. Ako pa pagagalitan nila. Hay nako. Ano kaya gawin ko? Isawalang bahala ko nalng ba yon? Isipin ko na lang ba di nonate ko yon?

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.