Welcome to Patar Beach
Ang mga Pilipino at iba pang turista ay mahilig sa beach. Kasi pwede sila mag-enjoy sa kalikasan kasama ang mga mahal nila sa buhay. MAganda ang simoy ng hangin kasabay nito ang sarap ng sinag ng araw. Isa sa mga magandang Beach sa Pangasinan ay ang PATAR BEACH sa Bolinao. White Sand dito at blueish ang tubig kaya naman madami talaga ang pumupunta dito. Malawak din dito at perfect sa kung anu anong activities ang meron kayong pamilya. Walang Entrance fee dito pero may bayad ang camping fee at ang cottages na nagre-range mula 100-700 depende sa laki ng cottage nakukunin niyo May bayad din ang parking fee na 80 pesos at environmental fee na 40 pesos para makatulong na mapanatiling malinis at maganda ang lugar. At kung gusto mo lumibot sa mga kalapit nitong tourist spot, pwede ka mag arkila ng tricyle kung wala kayong private na sasakyan. Makakarating ka sa Bolinao sa pamamagitan ng mga major bus company sa Pilipinas tulad ng Victory liner, Five Star Bus at Dagupan Bus. At pagdating mo sa terminal ng bus pwede ka na mag tricycle papunta sa Patar beach o sa hotel kung saan ka tutuloy. Mga 30-40 minutes away siya sa bus terminal. Madaming Hotels at Restaurants na malapit sa beach kaya hindi mo kailangan mataranta kung abutan ka ng gabi o kung nagutom ka. Ang Patar beach ay itinuturing na untouch na beach sa Bolinao. Kaya naman talaga namang napakaganda ng lugar. Kung mapadpad kayo sa Pangasinan, wag niyo kalimutan na bumisita din sa Patar.
No comments yet