read.cash Log in
@Jdine more from that month

Nakakalito

Nalilito na ako sa pointing system. Dati may points ka kada post, comment, halos lahat ng galaw mo may points. tapos nag update sila walang points sa comments sa mg articles lang sa featured community. Tapos ngayon iba nanaman may bago nanamang update. Parang randomly na yata magbibigay ng points sa mga galaw mo. Ibig sabihin ba nito, kung maswerte ka may points ka at kung hindi nganga ka. Tsaka ibig sabihin ba nito kasama na din sa random reward ang comments? Isa sa dahilan kung bakit madaming nagjo-join dito sa website na ito ay dahil sa crypto-blogging hindi lang basta blogging kasi kung blogging lang ang gusto nila madami silang pwedeng salihan. Paiba-iba na ng updates sa reward points, medyo mahirap na magkeep up sa mga ito. Sana magpost sila ng article kung saan ipinapaliwanag ng maayos at mas simple ang reward point. At sana maging maayos na ang system nito, kung saan hindi every week or two weeks may bago nanamang update kung paano makakalap ng points. Ikaw ba? Hindi ka ba nalilito sa pointing system?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.