read.cash Log in
@JasmineC

Bakit kaya ganun?

Bakit ganun? Kung sino ang mayaman ay s'yang yayaman ng lubusan At ang mahirap ay lubos ang kamusmusan Bakit kaya ganun? Kung ano ang bawal ay s'yang gagawin At ang nararapat ay babaliwalain Bakit kaya ganun? Kung sinong nagmahal ng lubusan Ay s'yang iiwan ng walang dahilan Bakit kaya ganun? Kung sinong may-awa s'yang kinakawawa At kung sinong may puso ay s'yang inagawan ng pag-asa Bakit kaya ganun? Kahit anong bigay mo ay kulang pa rin At ang pangarap ay kay hirap abutin Bakit kaya ganun? Kung kailan ka natutong magmahal Ay s'ya ring araw ng pagkahangal Ang dami kong tanong na walang sagot noon at ngayon Mga katanungan kung "bakit kaya ganun"

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.