read.cash Log in
@Jah19

Anong hiwaga

Ano ang hiwaga nitong nadarama Lagi ng masaya tuwing ika'y nakikita Ngunit sa kabilang dako, ako'y nalulungkot Pagkat nalaman kong ika'y may iniirog. Nais kong magtapat ngunit di dapat, Pagka't ako'y isang babaeng desente at tapat Kahit gustong-gusto ko na iyong malaman Pag-ibig sa puso ko, tunay na ikaw lamang. Dahil sa iyong ugali ako'y napaibig Dahil sa iyong dating lumalakas ang pagtingin Ikaw ang tipo ko at inaasam-asam, Paglilingkuran kita kahit hanggang hantungan. Kaya't sana naman bigyan ng pagtingin Kahit kauti lang mahalaga na rin sa akin Kahit ngiti mo ako'y kuntento na Kaunting sulyap mo,buong mundo'y lumigaya.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.