Selos
Mula ng makilala ka Halos maraming nag iba Noo'y laging nag-iisa Ngunit ngayo'y kasama ka Binigyan mo ako ng saya Na di ko pa nadarama Sana ito'y lumawig pa Nang wala kang pangamba Buhay ko'y naging parte ka Sa pangarap na darama Sa panaginip naroon ka Doon ay tayong dalawa Loob mo'y nahulog na, gayundin naman ako Na di natin alam kung paano Kung alam natin ito, Tumagal kaya tayo? Isang araw nakita kita May kasama kang iba Ang mundo ko'y nagunaw na Sa selos na nadama, aking sinta
1 comment
Wow ahh...Ganda basahin hehe