read.cash Log in
@Jabs edited more from that month

ULAN

Nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang ulan, Ulan... Sa bawat patak tila musikang umaalingaw. Tila ba ako'y dinuduyan sa gitna ng paraisong akala'y hindi kailanman matatanaw, Bawat patak mo sa mga halama'y nagbibigay ng kulay at buhay. Ulan... Sa bawat patak mo'y alaala ng kahapon ay muling nanumbalik, Saya ng kahapon na puno ng pananabik. Ngunit sa iyong pagtila, tila ang pananabik ay napalitan ng lungkot at pait, Dahil sa alaalang hindi na muling babalik.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.