Good morning everyone ❤️ Umagang umaga napapangiti ako nitong pusa namin, natulog sya sa loob ng C. R at sa lalagyan pa ng sabon ang napili nyang higaan, ang cute nya..... Mahilig pala sya Kumain ng cockcroach, at Kung ano-ano pang insekto, hindi sya kumakain ng kanin ang gusto nya lang ay karne at isda.... Kailangan mag trabho para sa fur baby na ito. 😅
Pagod na raw syang tumayo kaya na upo muna sya 😂, ngayon lang ako nakakita ng manok na nakaupo katulad nyan na nasa picture, kasama pala sya sa inalagaan namin doon sa school.... Ang hirap din pala mag alaga ng manok kailangan maayos yung kanilang poultry house lalo na sa pag prepare ng pagkain nila para hindi sila magkasakit. Have a nice evening guys. 😊
Yung mga pamangkin ko na ma's matangkad at malaki pa sa akin 😅, nag simba pala kami kanina sa tiwi Church, taon taon talaga pumupunta kami sa tiwi para mag simba then parang reunion na rin ng buong pamilya..... Magandang hapon ❤️
Kakauwi ko lang guys ng bahay, galing ako sa school eh, nagpakain ako ng mga manok na inalagaan namin, nag enroll kasi ako sa tesda, poultry production NC II ang kinuha ko na course, short term lang then scholar naman ako at meron pang allowance na 160 per day, at meron pang 1000 para sa alcohol at face mask..... Utak lang ang puhunan 😂.
Maulan na pag kahapon. Suspended yung summer class namin ngayon na hapon, ang lakas kasi ng buhos ng ulan..... Ang lamig ng panahon, ang sarap Matulog.... Gusto ko din gumala kasi ngayon lang ako walang trabaho kaya lang wala din pera hayyyy buhay 😂.... Ngayon lang din ako naka pag post dito kay noise kasi busy sa life eh...
Good evening guys, Share ko lang itong bagong rescue namin na kitten isang linggo palang sya dito sa bahay namin pero addict na sa tiktok 😅, pag nanonood yung pamangkin ko panay nood nya rin... Ang cute nya at super bait, baby wanwan pala ang name nya. #animallover
Bagong kdrama series 😁 Dahil sa bakasyon na balik naman ako sa panonood ng kdrama, maganda ang story nyan na money heist kaya lang bitin eh, excited nako sa part 2.
Happy graduation Sino ba ang nakaranas nito? Maxx lang ang katapat hahhaha... okay lang kahit walang medal basta may candy..... Noong kapanahunan ko eh hindi yan mawawala kaya naalala ko talaga nang makita ko itong kinder pupils namin na ang ang daminG candy.......kahapon pa pala yan na graduation namin, at kahapon din ako nag guest speaker, nag share ako about sa life ko pero hindi nila ako pinaniwalaan na galing ako sa pobre na pamilya Hahaha nag mukha tuloy akong…
Stress ako ngayon, gumagawa kasi ako ng speech ko kinuha kasi akong guest speaker sa isang school, ngayon palang kinakabahan nako first time ko kasi itong na invite bilang isang speaker....... Hindi ko alam Kung saan ko ba sisimulan ang speech ko,.... Kailangan ko daw mag share about sa life ko sigurado ako iiyak ako nito... 😅😅😅
Share ko lang yung experience ko sa isa Kung studynte, Hay nag panic talaga ako muntik ko na dalhin sa ospital. Eh kasi naman nakatulog sya e Di hinayaan ko lang syang tulog, tapos nong gigisingin ko na sya, hindi sya ma Gising inalog- alog ko na ang katawan nya , binuhat ko na pero hindi parin sya magising , hanggang sa dumating yung nanay nya, sabi sa akin ganun talaga daw yung anak nya mahirap daw Gisingin, minsan nga raw inaabot silang isang oras sa pag Gising lang sa…
Goodmorning guys. Busy kami ngayon kasi next week moving up / graduation na nitong mga kinder namin kaya puspusan na ang pag practice. May umiiyak, may ayaw tumayo hahhaha sinasabihan ko Me: pag nag join ka sa practice bibigyan kita ng chocolate. Pupil: tobleron ba ma'am? Me: butas ang bulsa ni teacher 😂
Excited ang lahat sa darating na graduation, nagtulungan yung mga parents at mga brgy. Officials sa pag gawa ng bakod, dyan kasi mauupo yung mga ga graduate na mga bata,... Kahit ako excited sa recognition and graduation, ilang taon din kasing virtual program ang ginagawa namin...
Ashfall from mt. Bulusan Umaalburoto yung bulkan Bulusan dito sa probinsya namin, napakalayo namin pero nakarating parin dito yung abo kaya yan hindi kami ma kapag luto ng mga leafy vegetables dahil sa abo, hindi rin kami lumalabas kasi yung abo ay parang ulan na bumabagsak, ang kati pa sa balat, laking perwesyo talaga.....sana safe ang lahat ng tao na naninirahan sa may paanan ng bulkan Bulusan
My rest day 😊 Nanonood ako ngayon ng Thailand drama series entitled" bad genius ", ang astig nya mag cheat, panoorin nyo... Ang panonood ng mga drama series / movie tlaga ang libangan ko, ng dahil dito naka katipid ako kasi hindi ako naglalakwatsa. Internet lang ang katapat 😅
Goodmorning everyone Thursday na naman, magtuturo ako mamaya na hapon sa mga tutee ko pero sa ngayon Magtatanim muna kami ng niyog, marami na kasing nalagas na puno ng niyog doon sa lupa namin dahil sa mga nag daan na bagyo kaya pa palitan namin..
Magandang Umaga 😊 Maglalaba ako ngayon, ito ang ayaw ko sa weekend, hindi naman rest day laba day 😅. By the way guys, meron akong nababasa na conversation sa comment section.... Hay porket hindi na kagaya dati itong platform eh magpapasaway na, huwag nyo nalang pansin in ang mga ganyan na tao ma e-stress lang kayo...
My fur babies😍 Pinagkasya talaga ang buhay nila dyan sa upuan 😅,... 29kilos ang timbang nyan na itim 16 kilos naman yan na brown, sa balconahe lang sila nakatira hindi namin pinapapasok sa loob ng bahay yung balahibo kasi nila dumidikit sa damit, pinagawan din namin sila ng bahay kaya lang ayaw nila doon tumiramas gusto nila dyan sa may mga dumadaan na tao 🤣
Rock formation 😊 Good evening! Share ko lang ito na Rock formation dito sa amin, pag summer lang yan nakikita kasi kunti lang yung tubig, pag tag ulan natatakpan yan ng tubig... Dissapointed lang ako sa mga namamasyal dito kasi yung mga basura nila eh iniiwan lang nila dito sa naggagandahn na bato😔
Magandang tanghali, kakatapos ko lang mag lunch at Heto kaKain nmn ako ng mangga, ng ki - crave ako ngayon ng maasim na prutas , buntis ata ako eh o nabubuntis buntisan lang 😅, ang gusto ko nga kainin yung prutas na "merba" maliliit lang sya na kulay yellow kaya lang wala nabili non yung asawa ko.......
Luto ng tamad😂 Yan ang aming dinner namin ngayon hotdog at okra, pinatong ko nalang sa sinaing ko na kanin para less sa trabaho, actually wala akong nabili na mantika kaya sinama ko na si hotdog kay okra, hindi ma trabaho na katipid pa hahhaha Kain po tayo! ☺️
Sila lang ang present ngayon, dapat 12 sila lahat 5 lang ang pumasok, pero ma's gusto ko nga ang kunti lang na studynte para ma's na tuturuan ng maayos at nababantayan din, pag Friday session nahihirapan ako kasi nandito ang mga iyakin at karamihan sa kanila hindi pa talaga marunong mag sulat pero matatalino sila pag dating sa recitation .... Mahirap mag turo sa kinder kasi wala pa talaga silang alam lalo na ngayong limited face to face ang classes , pero ang laking…
Lutong alachamba Hindi pa yan napangalanan na recipe ko basta ang main ingredients nya ay kalabasa. hahaha napapakamot nalang sa ulo ang asawa ko sa mga niluluto ko sa kanya ngayon lang daw kasi sya nakakain ng Kung ano-ano na luto 😂. Mahilig talaga ako mag imbento ng recipe pag hindi nagustohan ng mga pinapakain ko, inuubos ko kinakain, sila ang lugi 😂 Tara kainan na! 😋
Itsura mo! 😂 Puyat na puyat ang aming baby, love love namin yan kahit ang kulit kulit. Mabuti nalang at hindi sya sa sofa natulog..... Ang mga alaga namin na aso eh parti na sila ng pamilya namin pag oras na ng pagkain na wala sila hinahanap namin talaga sila, linulutuan din pagkain......yung lahat namin na aso ay inampon lang namin, yung mga pa lakad - lakad sa kalye na walang masisilungan Yun ang mga inalagaan namin...... Share ko lang ah, ang pangarap ko nga sa buhay eh…
Back to school 🏫 Goodmorning guys, tapos na ang bakasyon namin balik eskwela na, volunteer kinder teacher ako dito sa amin wala naman kasi akong ginagawa sa bahay eh at pandagdag na sa teaching experience ko, hay sana naman magi na Kong permanent deped teacher ngayon na taon 😔,
Magandang hapon.. Pumunta kami sa resort malapit lang dito sa amin, kasama ko yung magulang at mga kapatid ng husband ko, first time ko pumunta dito, akala ko maganda hindi pala, hindi rin ako nag swimming kasi ang dumi ng tubig ng pool,...... Hindi ko talaga gusto ang mga swimming pool ma's gusto ko sa beach/island o kaya naman sa mga flowing ang tubig para hindi madumi, at ayoko din sa maraming tao hindi ko kasi na e-enjoy eh... Hahahha marati lang talaga siguro ako 😁
Goodafternoon, ang init dito sa amin guys ang sarap mag baba sa tubig.. Share ko lang...... Give away from bonna milk 😋 Nag attend yung sister- in- law ko ng pa seminar ni bonna milk, Heto yung nakuha nya na give away, ang ganda ng packaging nakakaakit Kumain 🤣
Good noon guys, Hay, sa wakas napa tulog ko din ang aking pamangkin, ganyan takga sya pag natutulog parang naka split hahha 😂, About election guys, ma ingay pa din dito sa amin, meron naman nag away away sa social media dahil sa hindi nanalo ang manok nila.... Hay Naku, respeto at pag galang ang kailangan para sa ika uunlad ng ating bansa
KAMUSTA ang vote buying dyan sainyo ka noise? Dito sa amin ang mga tao pa laging nasa labas naghihintay ng kanilang pera Hay, meron naman na nagwawala kasi hindi sya nabigyan, meron namn na binulsa na yung lahat ng pera 😂, naka kaloka naman ang mga tao dito sa amin, naka salalay na talaga ang boto sa Kung ilang pera ang na ibigay sa kanila........ Kinukuha sana ako mag assist bukas para sa election, tinanggihan ko kasi parang ang gulo eh, tapos baka masabit pa ang pangalan…
Omurice for breakfast 😋 Ang hilig kasi ng asawa Kong manood ng mga anime, parati nyang nakikita na ang kinakain ay Omurice, e try ko daw na magluto non, yan ang kinalabasan hahahah sabi ng asawa ko para lang daw syang Kumain ng itlog na may palaman na kanin sa loob, akala nya daw nong una ay empanada Iba daw kasi yung pagka plating ko 😂,
Magandang hapon, share ko lang ito na giant banana😂, first time Kong makakita nito eh, yung customer namin sa bigas ang may-ari nito, nakita ko lang na nakasabit sa tricycle nya kaya kinuhanan ko ng larawan........ Hindi man lang ako binigyan 😂