read.cash Log in
J@JOYLATONERO more from that month

# ANO BA YUNG MGA BAGAY NA PINAGSISIHAN NYO NGAYON DAHIL SA NONG MGA PANAHON NA MERON KAYONG PAGKAKATAON NA GAWIN AY HINDI NINYO GINAWA? Ako guys, ang pinag sisisihin ko ay nong nag aaral pa ako, hindi ko ginawa yung best ko para maging cum laude o ma's higit pa na alam ko sa sarili ko na kaya ko naman, suportado ako ng parents ko lahat ng kailangan ko sa school binibigay nila, alam nyo ba lahat ng books na references ng professor ko meron ako, pero hindi ko ginawa yung Best ko. Pero mataas naman yung General average ko kahit papaano nasa 1.7 or 94 na din sya.. Tapos nong nag take ako ng licensure examination for teacher, 77.80 ang baba noh 🤣... Shonga talaga kasi ako... Ang iniisip ko kasi non mag ta take ako ng bar exam ko kahit hindi ako nag aral at pag bumagsak ako saka ako mag aaral hindi ko naman alam na makakapasa ako e, at kailangan ko pala ng mataas na rating sa Let para mag apply ng work, hiyang hiya ako non pag tinatanong all Kung ilan rating ko sa bar exam 😅...... Heto yung pinaka masakit, kinukumpara ako ng papa ko yung taga dito sa amin bakit daw Yun naging cum laude at ako hindi.... Yun daw working student pa ako hindi naman daw..... Kaya kahit nagsisisi ako wala na ko ma gagawa, ngayon talaga natuto nako na habang may pagkakataon gawin ang mga bagay na Yun gawin mo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.