#ANONG PAMAGAT ANG BABAGAY DITO ๐ COMMENT DOWN Puso ko'y umaalulong Nasa mga bisig Mo'y nakakulong Araw gabi sumisigaw ng tulong Pagmumukha ko ay para ng lantang talong Noong araw buhay ko'y prensesa Sa puder ng aking amat ina Palasyong pinangako mo sa ating dalawa Na ikaw ang magiging hari at ako namn ang reyna Ako naman itong tanga, at sayo'y sumama Akala ko sa malapalasyo ang punta Yun pala'y sa empyerno mo ko dinala Nakapapasong kamay sa pisngi ko tumatama Pangarap na makapaglakad sa red carpet Nauwi sa kalsadang kinurakot ang badyet Buhay ko'y maganda na sana Kung wala lng ang satanas Kong asawa Ang bilin ko sa mga dalaga pa Kilatisin, usisain at wag basta2x maniniwala Sa mga mabulaklak na salita kalakip ay disgrasya Sa nakabubulag na pangako kapalit ay luha Doon naman sa may mga asawa na Pagiging martir ay di na uso Wag mong hahayaan na ikaw ay inaabuso Kung hindi mo kaya ipa-tulfo mo! ๐ #MgaTula
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet