read.cash Log in
J@JOYLATONERO more from that month

Sino dito ang gumagawa ng ganitong handicraft? Ay tawag nyan dito sa amin guys ay "salapid" ang Bawat bundle nyan ay 10 pesos mahirap yan guys gawin, sa mga magagaling at maliliksi gumawa inaabot ng dalawang oras. Ginawa ito ng native bags, native slippers, mga native na pang decorate sa bahay at Kung ano ano pa. Malaki ang ginampanan nito sa buhay ko kasi nong nasa elementary palang ako sideline ito ng pamilya ko, dahil dyan sa handicraft na yan nakaka Bili kami ng "tinapay",sa isang buwan ma swerte na ang isang beses kami makatikim ng tinapay, para makabili kami non gumagawa kami ng salapid (handicraft) then pag market day na e deliver na namin Yun sa contractor at yung kabayaran e Bibili ni mama ng toyo, sibuyas bawang at yung tinapay na hinihintay namin, ang Iba sa kinita namin sa pag handicraft tinatabi ni mama para pamasahe ng mga kapatid ko papuntang school. pag naaalala ko Yun napapaluha talaga ako, kaya hanga ko doon sa mga gumagawa ng handicraft kahit super mura super tagal, super hirap gawin may tiyaga talaga sila para lang may mapag kunan ng pera.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.