read.cash Log in
J@JOYLATONERO

@JOYLATONERO in April 2022

J@JOYLATONERO

Magandang hapon Sinamahan ko magparebond ng buhok ang aking pamangkin, malapit na kasi sila magkaroon ng face to face class nahihiya sya ng buhok nya kasi ang kapal tapos kinky yung pagka kulot, palagi lang syng naka ponytail pag nakalugay kasi hindi na kita yung mukha nya... Mura lang yung bayad nasa 1200.

J@JOYLATONERO

Homemade coconut oil Since ang mahal na ngayon ng mantika (cooking oil) gumawa na lang ako, sa mama ko ito natutunan kasi nong bata ako tinutulungan ko si mama gumawa ng mantika gamit ang niyog, ang layo kasi ng tindahan sa bahay namin non kaya gumagawa na lang. Process : Isang buong niyog (kinayod) 4 cups of water ihalo sa niyog (pigain na lumabas ang gata) Pakuluin, habang kumukulo haluin ito huwag titigil sa paghahalo hanggang sa lumabas ang mantika o oil.

J@JOYLATONERO

Makulimlim na umaga ๐Ÿ˜˜ Ang sarap ng tulog ng aming pusa, walang iniisip na work๐Ÿ˜…. Nakakatamad bumangon kasi ang lamig ng panahon dito sa amin, ilang araw na din kasi na hindi nagpapakita si haring araw, pag gabi super lakas ng ulan at pag umaga naman makulimlim lamang, pero kailangan bumangon at mag trabho... Sana naging pusa nalang ako ๐Ÿ˜‚

J@JOYLATONERO

Breakfast tayo po๐Ÿ˜Š Noodles linagyan ko ng petchay at egg para masustansya naman. Ang lakas ng buhos ng ulan dito sa amin kaya bagay ito ngayon na malamig ang klima, kailan kaya si sikat ang araw, ayoko ng umuulan kasi tumutulo na ang bubong ng bahay namin, hindi na kaya e vulca seal kailangan ng palitan ang yero, Wala kami pera kaya tumitiis nalang muna ๐Ÿ˜‚

J@JOYLATONERO

Kumain ng kalabasa Ito'y pampalinaw ng mata, Paningin ay hindi sasablay, sa sustansya nitong dala Isang buwan mong pagkain nito, Siguradong hubot-hubad na ang tingin mo sa tao At kahit nasa malayo pa ang syota mo At Kung sya'y nagloloko siguradong kitang kita mo ๐Ÿคฃ

J@JOYLATONERO

Nakakalungkot naman ang nangyari dito sa palay namin, nong low pressure palang ang nga nagdaang bagyo ay nagpapa harvest kami non ng aming palay, at Yun nga inabot ito ng ulan, at hindi nabilad kaagad kaya para na silang sprouted na monggo,.... Nasa 200 na sakong palay namin ay lahat ganyan yung Iba namn hindi na kayang pakinabangan ng tao binigay na lang sa mga manok at pato.....mga tatlong oras lang ang sikat ng araw at uulan na naman.

J@JOYLATONERO

Nagrereview ako para sa exam ko bukas, mag ta-take ako ng English proficiency test, yan guys ang pinagdadaanan ng mga teacher applicant sa deped, 4years nako na pasok sa Registry of qualified applicant pero hindi ako nabigyan ng permanent position kaya heto taon taon ako nyan na ta-take, nakakatakot kasi pag nakakuha ako ng 60 below na points Hay bagsak nako , ngayon ma's nababahala ako kasi kahapon ko lang nalaman na may exam ako bukas, kaya puspusan ang pag review koโ€ฆ

J@JOYLATONERO

Kakatapos ko lang guys mag take ng English profiency test, dapt kahapon ang schedule ko kaya lang nagkaroon ng problema, Mayroon kasi akong ka pangalan, kaya rejected yung remarks sa akin, kaya inayos ko muna doon sa division office, kaloka talaga, ang tagal2x ko na nga naghihintay para maging permanent teacher tapos parati pa nagkakaroon ng aberya, pag ngayon talagang taon hindi pa ako naging deped teacher, change career na siguro ako....

J@JOYLATONERO

Kainan na๐Ÿ˜Š Birthday ngayon ng mama ko, naisip namin na boodle fight naman ang tema at mga simple na ulam ang handa, kagaya ng gulay, egg, tortang talong, dried fish, smoke fish, at Syempre fried chicken at hotdog.... Imbetado pala ang mga kapitkabahay namin....hindi pa kami naka kapag simula Kumain kasi hinihintay pa yung Iba at hinahanda pa yung ibang mesa....... Excited nako kumamay๐Ÿ˜‚

J@JOYLATONERO

Gumagawa kami ngayon ng "ibos" yan ang tawag dito sa amin pero ang Iba ang tawag dyan ay suman, dito kasi sa amin ang suman ay ginagamitan ng rice flour yan na ibos eh yung malagkit na bigas linalagyan lang ng mga pampalasa at binabalot na sa dahon ng niyog, yung suman binabalot sya sa dahon ng saging

J@JOYLATONERO

Popcorn with cheese So yummy ๐Ÿ˜‹๐Ÿฟ๐Ÿฟ๐Ÿฟ Nagluto ako ngayon nito na popcorn kasi nag ki-crave ako eh, isang kilo na corn sa halagang 60 pesos, sulit na sulit kasi ang dami nya,parang pang isang buwan n namin itong kakainin na mag asawa, ang dami pala ng kinikita ng nagtitinda ng popcorn.

J@JOYLATONERO

Kakauwi ko lang galing sa school, nag volunteer kasi ako as kinder teacher,.. Haggard masyado ako, paki ramdam ko para akong nadaganan ng pader sa sobrang sakit ng katawan ko๐Ÿ˜…... First time ko mag turo sa kinder kailangan talaga mahaba ang pasensya kasi masyado silang ma kukulit, at ang Iba namn kailangan one on one ang pagtuturo.....

J@JOYLATONERO

Hubadera ๐Ÿคฃ Swerte namin kasi tatlo lang kami dito sa Island na ito,parang nag renentahan lang namin ang buong Lugar hahahaha ๐Ÿ˜‚kunti palang kasi ang nakakaalam nitong White sand beach dito sa amin yung Iba naman takot pumunta dito dahil sa maraming nalunod at namatay , nag rent kami ng bangka pero pinaalis muna namin para may privacy kami at babalikan nya kami mamaya na 4:00.