Huwag ma ingay, may natutulog😂 Hi, goodevening guys. Heto na naman ang aming alaga 🐶🐶, ang cute nya Matulog, pag puyat na sya kailangan wala ng uupo sa sofa kasi dyan sya natutulog, pag meron ta tabi sya at e- occupied nya malaking space para kusa aalis ang nakaupo hahhaha Certified dog lover ❤️
@JOYLATONERO in March 2022
Fried isda😁 Heto muna ang aming uulamin ngayon na hapunan, maliliit na isda pero okay na yan basta may maipasok sa tiyan, ang mahal kasi nong malalaki hindi kaya ng budget..... Tipid tipid muna kasi mahina ang pasok ng pera eh.
Pitche2x Bumili lang kami nito guys 150 ang isang box, gawa yan sa kamoteng kahoy o cassava. Nakakatuwa lang kasi yung pinag order an namin neto ay sa amin bumili ng kamoteng kahoy tas ginawa nyang pitche - pitche na binili din namin sa kanya😂... Tara guys breakfast tayo.
Stressful Sunday 😡 Ang hirap talaga pag may kapitbahay, gusto ko lang naman na mamuhay na mapayapa, yung pag uwi ko dito sa bahay galing sa trabaho eh makakapagpahinga ako ng maayos pero hindi eh... Inis ako dito sa kapitbahay ko kasi yung bubong namin ginawa nyang tapunan ng diaper ng anak nya tapos yung mga bagay 2x na hindi na nila ginagamit sa amin din tinatapon, sinugod ko talaga tungkol doon sa diaper nagkakaila na hindi daw sa kanila Yun eh sya lang naman ang katabi…
Throwback picture Miss ko na gumala, yan na picture kuha yan nong wala pang pandemya, first date namin ng asawa ko nong mag gf/bf plang kami sa zoo kami pumunta😂, hinanap namin yung mga kamukha namin doon.... Hay pero nakaka awa sila tingnan kasi nakakulong at hindi na bibigyan ng maayos na pagka linga, at pinagkakakitaan....
Sino pa kaya ang gumagawa nito ngayon? 🤔 Pasyon/passion/pabasa Hindi ko alam Kung ginagawa ba ito ng ibang roman Catholic, pero kami taon-taon ay ginagawa namin ang "Pasyon", ang pasyon pala ay yan yung story of the life and death of jesus christ na Kung saan sinasalaysay na pa awit. Kinaugalian na namin yan at ngayon nga ay sinasagawa namin ang pasyon, Nagpapakain din kami sa mga kapit bahay o bisita at nagpapadala ng mga pagkain sa kanila parang pasasalamat narin namin sa…
Ang sweet nya na kapatid 😂, nanganak na naman pala itong aso namin, Hay nakakulong na yan sa loob ng bahay pero nasasalisihan parin kami kaya yan nanganak na namn sya. Yan na kulay brown na aso ay anak nya din yan pag wala yung nanay nya sya ang magbabantay sa mga kapatid nya 😂
Good morning 😊 Nakita ito ni mama doon sa Lugar Kung saan nangingitlog yung pato namin, sad to say Iniwan sya ng nanay nya na hindi pa sya napipisa pero meron ng kunting crack yung egg shell nya, kaya pinagpatuloy ko nalang yung pag alis ng shell sa katawan nya, ilalagay ko sya sa incubator para mainitan sya, nag iisip na kami ng pwede ng pangalan nya🤣
Before and after 😊 Meet our new pet, wala pa syang name. Since Iniwan sya ng kanyang nanay n hindi pa sya totally na pipisa, after ko syang tanggalin doon sa egg shell nilagay ko sya sa incubator halos 24hours din sya sa loob ng incubator. Ngayon hindi namin alam Kung paano ba sya tuturuan Kumain 🤔.
Pag katapos ng malakas na buhos ng ulan na may kasamang pag kulog at pagkidlat, Heto ang sumalubong sa akin sa likod bahay namin maraming mushroom ang tumubo, ang ganda nila tingnan. Alam mo, pag na in love ako gusto ko sayo Bakit? MushroomAntic ka kasi eh😂
Ang pag ibig mo ay parang Uod sa petchay? Bakit? Eh, kasi bigla ka lang magpaparamdam, ako naman pala iyong sasaktan🤣.... No laughing please 😂 Pa hugot-hugot na umaga... Maghaharvest ako ngayon ng petchay para pang ulam namin mamayang tanghali. 😊
Kain tayo po😊, sardines ang ulam namin ngayon, nakakatamad kasi magluto dalawa lang naman kami ang kakain kaya sapat na ito.... May kwento ako sainyo guys, nong bata ako pag ang ulam namin sardines feeling ko ang yaman namin 😂, yung may pera lang kasi ang nakakabili ng sardines at nong Iba pang mga instant food, napagtanto ko na ma swerte pala kami kasi pa laging sariwa na isda at gulay yung pinapakain sa amin ng magulang ko.....
Magandang tanghali 😊 Naghahanap ako ngayon ng bagong pa panoorin na movie, ang gusto ko pala na "genre" action, mystery, horror, comedy. Try ko itong cargo about sya sa zombie, paborito ko pala ang mga zombie movie, ma's gusto ko ito na horror kaysa yung mga spirit na horror natatakot ako doon😂.... Ganito lang ang buhay ng tambay na katulad ko🤣 panood nood ng mga movies o kdrama, katatapos ko lang panoorin ang penthouse season 1 to season 3... Mga ilang taon pa baka itakwil…
Parang ang ganda gumawa ng unan, kaya lang hindi yan sa amin na cotton tree sa kapitbahay namin yan eh, sayang hindi nila kinukuha nahuhulog lang at yung Iba nililipad ng hangin, nakakahiya naman hingiin 🤣 ..... Ang lambot ng unan na gawa dyan
Ang init ng panahon dito sa amin guys, kaya heto nagbibilad kami ng palay, yan pala ang naisip namin na negosyo ng asawa ko, madali lang at hindi kailangan ng mga business permit pero Kung malakihan na yung meron sariling warehouse at milyones na ang puhunan I think kailangan na ng permit... Malaki ang kinikita namin dyan minsan ang nilabas namin na puhunan 10k tapos babalik sa amin mga 17k na, meron kaming kita na 7k, sa isang araw lang yan pero pag malas naman Lalo na Kung…
Hello! Ang cute nitong pamangkin ko, enjoy na enjoy sya dumapa, good mood sya ngayon, pero pag umiiyak sya sus bulabog ang buong bahay, by the way nandito pala kami ng husband ko sa magulang nya, medyo Matagal na kasi kaming hindi pumupunta dito kaya bumisita kami...... Yaya ako ngayon 🤣.
Happy sunday😊 May bago akong pinagkakaabalahan ngayon, gagawa ako ng togue o bean sprouted, nanood lang ako sa YouTube Kung ano ba yung process nya, nasa 2nd step nako, bali binabad muna yung monggo for 24 hours sa tubig, after nyan e ilalagay na sya sa lalagyan na may mga butas na meron tela at every 5 hours ay kailangan syang basain para mabilis tumubo,dapat pala sya ilagay sa Lugar na hindi nasisinagan ng araw, in short sa madilim dapat sya ilagay😅
2nd day of my bean sprouted / togue 😊 Yan na guys ang itsura nya ngayon, excited nako Kumain ng togue, I think bukas pwede na sya e harvest... Kunti lang yang monggo pero ngayon parang ang dami na. Maganda siguro ito pang negosyo na gulay.
Hello guys... Gumagawa ako ngayon ng dough ng kalabasa chips/ kalabasa chicharon, sana naman hindi eto failed 😅, nanood lang ako sa YouTube ng recipe nito, nahihirapan ako mag masa o knead kasi yung dough ay dumidikit sa kamay ko, naka 1 kilo nako ng cornstarch pero ganon parin parang may mali🤔. Hay bahala na Kung ano kalabasan nito
Nanonood ako ngayon ng mukbang, grabe ang lakas nila Kumain, parang ang laki ng storage nila 😁, first time ko ito manood ng ganitong content ,at Syempre na amaze ako sa kanila na kaya nilang umubos ng sobrang daminG pagkain.. Na try ko na din yung sobrang busog talaga Kumain kami non sa mang inasal paramihan kami ng maubos na kanin at Yun naka apat akong scoop at tinawan ng kalikasan habang naglilibot sa mall 🤣......health is wealth parin, ano naman ang gagawin sa pera Kung…