#milk time😂 Fur babies❤️ Nanganak na yung alaga namin na aso, kaya lang mahina yung gatas nya kaya, naka FORMULA ang kanyang mga puppies nya 😍😍😍 dagdag sa gastos... 🤣
@JOYLATONERO in July 2021
#project share❤️ Busy maghapon kasi nag prepare kami ng mga ka Co teacher ko ng kunting regalo (food) para ipamahagi doon sa mga student namin na walang wala talaga since bawal yung mga bata lumabas yung parents nila ang kumuha.... Nakakapagod pero ang saya kasi yung Bawat ngiti nong magulang na naabotan namin ay nakakagaan ng puso..... Pero alam nyo guys, isa kayo sa mga tumulong kasi yung kinita ko dito kay noise Yun ang Ginamit ko, at hindi ko Yun ma e-earned Kung wala…
#BRIGADA PAGBASA VOLUNTEER❤️ Saturday house to house tutorial, since tapos na ang gawain sa school, I volunteered myself for this program,.... Marami kami na volunteer ang tinuturuan namin ay yung mga incoming grade 1 and 2, kasi para sa akin sila yung mas naapektuhan nitong pandemya, nagsisimula palang kasi silang mag aral, yung tinuturuan ko grade 2 na sya ngayon pasukan, hindi pa sya marunong humawak ng lapis kaya kailangan talagang ma turuan.
#Pencil decoration Plano ko bigyan guys ng lapis yung tatlong bata na tinuturuan ko magbasa (BRIGADA PAGBASA), parang reward narin sa kanila kapag nakuha nila yung goal namin sa bawat session, pero gusto sarili ko na design at dapat catchy sa mata ng bata 😊,
I'm Done! Sana magustuhan to ng pagbibigyan ko na bata, ngayon ko lang na pansin yung mga mata nila parang puyat😂, hindi rin sila masaya.... Dapat siguro yung mas malalaki na mata ang binili ko....
Goodafternoon❤️ Nakatanggap na sila ng kanilang reward 😊, mahirap pala mag turo sa grade 1 kasi wala pa talaga silang alam pero ang saya sa part ng nagtuturo kapag nakuha o naka pagbasa yung bata kahit isang letter lang...
Harvest tayo ng AMPALAYA Ang ganda pag may tanim sa bakuran, libre na ang pang ulam, pati yung kapitbahay namin kasama na dito😂.... Maganda maging hobby o libangan oras ang pagtatanim kaysa maki pag tsismisan😜
Mag GO-GOODBYE na ako sa mga damit ko.... Ang laki kasi ng na dagdag sa timbang ko simula nong nagkaroon ng pandemic from 45 ngayon I'm already 57 kilos 😅. Kain pa more, sabi ko ng mag diet na ako eh, pa laging hindi natutuloy.
Green is wealth.💚 Share ko lang po ito na picture. Yan po ang aming backyard, sari-sari ang tanim meron pang tatlong gansu na nakikitambay😁. Good afternoon guys.
Maulan na umaga! Nandito na ako sa school pero walang katao tao kahit yung caretaker namin wala din.... May pasok kaya kami? Pero ang alam ko meron eh,... Ang ulan pa naman at hindi ako nakapasok sa room ko kasi yung susi na doon sa caretaker namin eh.... Na wala ko kasi yung susi ko. 😅
Maulan at malamig na pag kahapon po. Yung baboy namin na gusto din maranasan sumakay sa duyan (hammock) 🤣,pasaway din. Hindi tuloy ako makapagpahinga ng maaayos kasi gusto nya umaakyat at nangangagat sya pag hindi pinansin..
#DIY flashcard Mag tu-tutor naman kasi ako bukas sa tatlo Kong pupils, parang kailangan Kong gumawa ng instructional materials na bago sa Paningin nila para ma's matuto sila ng maigi. Meron na akong ginagamit na chart then books, kaya lang parang memorize na nila ang laman non.. Halimbawa yung ba be bi bo bu, ang galing na nila e recite Yun pero Kung ituturo yung Bawat letra randomly hindi naman nila alam😁... Kaya busy busyhan muna ako ngayon..
Yung mga doggies ko nagpasa way na naman sinira nila ang handbag ko.... Mataas naman yung pinaglagyan ko hindi ko alam Kung bakit nila na abot..feeling ko ang tataas ng IQ nila ma's mataas pa sa IQ kaya hindi ko maisip tuloy na kaya nila gawin ang mga bagay na iyon. . Hay inuubos na ng mga alaga ko ang lahat Kong gamit, actually yung kutson/foam ng higaan ko sinira din nila, kaya lang hindi ko naman sila kayang saktan... Pinalaki ko naman sila ng puno ng payo at pag aaruga,…
Gabing gabi na pala, kakatapos ko lang manuod ng documentary sa YouTube gustong gusto ko ang mga content ni Kara David 😊Matutulog na ako guys, at tulog na rin yung mga alaga ko na super kulit.... Mababait sila pag tulog😂 Sweetdreams❤️
Huli ka 😂, first time ko makakita na nakaupo na pato(duck) at nakatayo pero naka fold yung isang Paa nya.... 🤔 Magsisimula na silang magpahinga dahil busog na sila at malapit na magtakip silim eh..... Hindi namin sila kinakatay, itlog lang ang kinukuha namin minsan nangingitlog sila mga sampu ang Bawat isa sa kanila then yung Lima kukunin namin at yung na tira papalimliman minsan gumagamit kami ng incubator kaya medyo marami kaming pato 😊
#Mushroom na may pagka hugis chandelier 😍 Nakita ko sya dito sa may ilalim ng lababo namin..medyo nag crack kasi yung Wall na connected doon sa lababo at my kunting tubig na tumatagas kaya siguro namuhay sya heheh.. Ang cute nya tingnan, Noong isang araw isang bukol o bud yung nakita ko sa kanya ngayon marami na sila...
#oregano Magandang gabi po, kumuha na ako ng oregano kasi ang daminG lamok dito sa amin malapit kasi ang bahay namin sa fish pond at marami ding kahoy... Nang pag post ko dito kay noise kagabi sabi ng isa Kong noisemate eh oregano daw ang panlaban sa lamok kaya e - try ko sya ngayon... Wala kasi ako kulambo at yung katol naman pag na aamoy ko atsing lang ako ng atsing.... 😊
#kamoteng kahoy (cassava) Bless morning ❤️ Nag harvest kami ngayon ng aming tanim na kamoteng kahoy kasi meron Bibili at meron kaming nakuha na kakaiba yung laki nya pag pinag sama yan na dalawa nasa mahigpit 5kilos ang timbang nila...isang puno lang yan ah, mataba lang siguro ang lupa Kung saan sya nakatanim..
Goodevening.. Share ko lang to guys na "kundor sugar fruit namin... Mas kilala ito dito sa amin sa tawag na tangkua ang texture nya pag nabalatan para lang syang" upo" ang pinagkaiba lang nila ni upo ay itong tangkua hindi sya sensitive na halaman, hindi kailangan mag spray ng mga pang pesticide para hindi magkaroon ng uod at madali syang tumubo at mamunga... Ginagawa din pala itong candy or minatamis... Check nyo nalang guys sa YouTube.. 😊
Cotton fruit❤️ Santol sa tagalog😄, yan guys ang niluto namin ngayon hindi ko na kinuhanan yung luto na mismo Iba kasi itsura baga tawan an nyo lang ako hahahah... Super asim nya habang kumakain ako parang ang ulam ko Suka😂... Pero may natikman ako na luto nito wala sya lasang maasim, hindi ko alam Kung ano ba ang sekreto nito para wala syang asim.... Pero naka tipid kami sa kanin at sa ulam din mamaya ng gabi Yun pa din ang ulam 🤣
Gabi/natong/apay Hindi ko po alam Kung ano ang tawag nito sainyo pero sa amin po "natong" o kaya "apay", yan po ang lulutuin ko ngayon para ulam mamaya na tanghali... Alam nyo ba na kilala ito dito sa bicol bilang pang ulam lalo na yung tinatawag na "PINANGAT", pero masasarap magluto ng PINANGAT ay ang mga taga Camalig Albay, pag galing sa kanila yung product pinag a agawan sa market...
BRIGADA PAG-BASA(volunteer) "Ang busog na isipan ay may masigla na kinabukasan" 😊 Huwag nating hayaan na ang Bawat bata ay maging biktima ng kamangmangan bagkus Sila'y ating tulungan na walang ibang hinihinging Kapalit kundi maging isang ma talinong mamamayan. #My Friday 😁
Meryenda time❤️ Kakatapos lang namin mag Meryenda, yung mga alaga naman namin yung pinapakain habang maliwanag pa kasi mamaya na mga 5 p. M nandoon na sila sa tulugan nila kaya dapt busog na busog na sila.... Para lang silang mga manok pag palubog na ang araw naakyat na sila sa puno para Matulog.. Yung tao madaling araw na Gising pa hahhaha... 😂
BUWAN NG WIKA❤️ Wikang Filipino ay iyong mahalin na mas higit pa sa jowa mong paliko liko ang tingin😂 Mawala man ang I. D mo, magsalita ka lang ng Wikang Filipino, tiyak ikaw ay mabibisto na isa kang Filipino 😂🤣 Tanong ko lang guys... Ano ang pinagkaiba ng Wikang Filipino sa Wikang tagalog? Ekomento mo na ang iyong sagot.