December 01,2022 Say hello to you😘December... Ang Nobyembre ko ay malungkot puno ng problema sa pamilya. Sana naman makabawi ngayong Disyembre maibsan naman ang lungkot na aming nadarama. Unang bungad ng Disyembre kanina ay ang pagbuhos ng ulan, sana naman mga biyaya naman bubuhos sa susunod. Wish me luck and I'll wish you luck too.. GodBless to us.
@IsabelleVillar in December 2022
December 02,2022 Thanks G it's Friday🙏 At dahil Disyembre na busy busyhan kami kagabi sa paggawa netong project ng pamangkin ko. Any kind of Christmas display para daw sa classroom nila sabi ni teacher. Humanap kami dito sa bahay ng mga hindi na namin ginagamit as decoration. At swerte namang naitago ito ni byenan kaya wala talagang gastos si pamangkin sa project nya. Ang mga baby Angel ay mga give aways yan sa binyag na nakadisplay dito samin at pinahiram kona muna sa kanya…
Our lunch right now,the leftover one last night. Nilagang karne po yan with patatas, saging, repolyo. Init init lang tayo guys para makatipid naman sa budget ng ulam kahit papano. Hindi kona pala binalatan ang saging kagabi dahil super hinog na talaga sya. Pero ok naman ang lasa ng sabaw hindi naman naapektuhan sa balat ng saging sabi daw kasi nila baka mag iba na ang lasa. Tara kainan na sa hindi pa nakakain jan.
Snack Time... Peanut butter and bread everyone, have some? Ngayon lang ako nakaupdate naubusan ng load kaya bago ako magpost nakikibasa muna sa bali balita dito sa noise.app. Hindi na yata ako sana'y na walang load hindi ako mapakali ehh nagutom ako sa kaiisip kung ano ano ng nangyayari sa World na eto,ahahha. Naka recev na rin ako ng email ni noise regarding sa import pero hindi kopa nagagawa. Meryenda muna kami bago ang lahat lahat, sana kayo rin.
Snack Time... Let's eat Knick Knacks, double choco flavor. Kung pwede sa bata pwede rin sa matanda, a hehehe. Wala lang talaga makain ang ina, ayaw patalo kakain rin ng snacks ng mga anak.ahhaha Gandang Hapon po sa lahat Kumusta po ang Sunday natin?
Coffee Everyone... Grabe umagang umaga palang kanina ang sakit sakit na ng ulo ko. Halos hindi ako makagawa ng gawaing bahay. Dalawang beses na akong na kainum ng gamot buti nalang ngayong hapon medyo umokie na ng konti makakatingin na ako sa cp ko ng matagal.Shakkklappp ng umaga ko ngayong Monday buti nalang napalitan ng saya sa mga biyayang dumating kung sino kaman po gift mona to sakin o samin sa Pasko. GodBless po.
5php ensaymada bread+coffee=Breakfast Good Morning friends... Medyo nalate na ang breakfast dami na kasing ganap ngayong umaga. Bawi sa ganap kahapon na halos wala akong nagawa sa bahay due to headache. Tara breakfast na sa mga hindi pa nakapag breakfast jan.
Fiesta ni Immaculada Conception kaya naman holiday sa aming lugar. At walang pasok ang mga estudyante. Ang plano naming magsimba at igala ang mga bata sa plaza ay naudlot dahil nagkaroon ng foot and mouth disease ang aking panganay. Napatsek up kona kahapon sa doctor kaya hindi ako masyadong active kahapon. Rinesetahan ng doctor at hindi palabasin sa bahay para hindi makahawa sa ibang bata sabi ng doctor. After 7-10 days mawawala din daw ito sabi ng doctor hopefully gagaling…
Wazzz up everyone! Today is Saturday happy weekend sa lahat. Mas happy siguro pag pahiga higa lang ano, hahha Daming gawa ngayong Saturday ehh kaya inagahan kona at late na ang aking breakfast. One piece of Spanish bread cost 5php not bad naman dahil malaman sa loob, and a cup of coffee.. Enjoy this weekend guys.
Gandang gabi... Hindi ako makapag upload ng photo My signal naman ako, network error pa rin lumalabas. Gusto ko sana eshare ang ka busyhan ko kaninang umaga. Nakikain ako sa birthday ng pamangkin ko. 4th birthday nya ngayong araw nato. Happy tita here dahil yung pangalan nya ehh ako ang nag bigay o yung sinaggest ko na name ay yun talaga ang sinunod ng ate ko ng ipinanganak sya at ipinangalan sa kanya. "Yassy" yun mga kaingay, lodi ko kasi si Yassy Pressman that's why,…
Kumusta mga kaingay's? Share ko lang itong valenciana na gawa ng aking ina. Ang daming sahog like atay ng manok, hotdog, shrimp, atbp. Basta luto ni inay masarap talaga at hinahanap hanap ko. Kaya last Sunday andami kong take out neto, ang dami talaga haha isang malaking lalagyan ng ice cream. Dahil alam ni inay na paborito ko eto. Nilagay ko talaga sa freezer para hindi mapanis kaagad at mag aice, tapos binabad ko sa tubig para lumambot at kunting init agad. Ohhh diba…
Magandang morning sa lahat... Feeling ko naman kanina paggising ko gutom na gutom ako. Yung natutulog ka lang pero pagkain ang nasa isipan mo kaya gigising na nga para magsaing. Kaya etong nalang saging muna ang naluto ko for our breakfast. Tatlo ang kinuha ko kasi nga feeling ko talaga madami makakain ko neto. Pero sa ikalawang pag balat ko ng saging ayon ayaw ko ng kumain. Nakakabusog talaga itong saging ano napawi na gutom na nararamdaman ko kanina, hahhha gutom talaga…
Magandang hapon sa lahat... Pagkatapos namin maggrocery ni panganay tambay tambay muna kami dito sa loob ng mall. Ng makita si jolibee nanghingi ng spaghetti, ahhhaaa wala ng pera si mamy! Sabi ko next time nalang muna anak bibili pa tayo ng milk ehh. Buti naman hindi sya umiyak at napapayag ko netong kumain na lang ng pillows at uminom ng tubig,ahhahayyyy. Mainit pa sa labas kaya palamig na muna kami dito sandali sa loob ng mall.
Sotanghon+Happy Happy Kaarawan Yesterday we celebrated the 40th birthday of my lalabs. Kaya na busy ang amiga nyo kahapon. Luto dito, prepare doon. But still na lessen ng kaunti ang gawa ko dahil may naglibre ng pancit kay hubby. Walang iba kundi ang kanyang butihing sister. Pancit na sotanghon or sotanghon lang, hahah. 535php isang bilao grabehh nakatipid ako kahapon buti nalang may pa libre si sister in law at napaka sharrappo.
Merry Christmas Everyone! Sending love from our family to yours💞 Enjoy lang po tayo bawal ang bad vibes kong walang matatanggap na regalo. God Bless....