read.cash Log in
@Irisha

Hello mga kanoise, tara samahan nyo akong pumasyal dito sa tinatawag naming lamesahan seashore kong saan makikita ang mga malalaking tipak ng semento. Oo, malalaking ng semento dahil dati itong sementado at aspaltong daan. Noong panahon ng hapon ay nagsisilbi itong shortcut ng mga tao dito sa lugar. Pero sa mga taong nagdaan at dahil sa pabago-bago panahon ay nilamon ng tubig dagat ang naturang daanan ng mga tao. Ang malaking umbok ng lugar na nakikita nyo ay napapalibutan ng mga punong-kahoy at ayun sa mga sabi-sabi, may nakalagay na flag dyan sa ibabaw na yan at kinuha ng mga sundalong hapones at dyan sila nagkukuta pansamantala. Talagang nakakamangha at puno ng historya ang lugar na ito kaya pinangalagaan ito ng lokal na pamahalaan para mapanatili ang kagandahan ng lugar.

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.