Magandang hapon sa ating lahat mga kanoise. Ibabahagi ko sa inyong lahat itong napakagandang bulaklak na nakita noong nakaraang araw? Sa mga taong nakatira sa probinsya lalo na dito sa Mindanao, marahil kilala nyo kong anong uri ng halaman ito. Ito ang tinatawag na Bajang, isang uri ng halaman na napakakati kapag sa balat. Kadalasang makikita ito sa mga liblib na lugar gaya ng kagubatan, bundok o di kaya ay sa tabi ng ilog. Kahit makati ito, masarap din itong gawing ulam lalo na ang bunga nito. Niluluto ito sa gata na may siling maanghang, kaya isa ito sa tinaguriang exotic food dito sa aming lugar.
4 comments
Hindi ko alam ang halaman na'to sis laking probinsya din ako pero hindi ko kilala 'to hehe
Alocasia plant po Yan o bajang. ☺️
Ano itsura ng bunga sis?
Ang itsura niya sis parang ube.