Gusto ko ng bumitaw Pero sayang Ang Dollar.. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag manakit. Grabe na kasi ang alaga kong lalaki di ko na siya kayang kontrolin di na sya sumusunod sakin.Nanakit na siya akala ko paglumaki na siya magiging hayahay na ang buhay ko, pero habang nagkakaisip siya hindi na siya nakikinig sakin..Sinabi ko na ang problemang ito sa amo ko. Pero paulit-ulit na nyang ginagawa ang magwala ,lahat ng mahawakan nya itatapon nya, binabato sakin ang mga laruan.. Di ko alam kung hanggang saan pa ang pasensiya ko, na hindi siya patulan..6years old pa lang siya pero grabe na ang ugali nya.. Nagsosorry naman siya at nangangako na di nya na uulitin pero after that uulit na naman kahapon..Pinaluhod talaga siya ng amo ko habang nakahawak sa tenga..At pinagsosorry sakin.. Pero etp inulit na naman nya. Gusto ko ng sumuko pero.Kelangan ko pang mag-ipon .
8 comments
May something sa behavior niya sis?? why naman ganyan..Grabe more patience sissy.. Subrang hirap niyan kapag laging ganyan ang attitude niya..
Naisip ko na din yan...Parang Autistic eh.. iba magalit di talaga nakikinig..
Ganyan din daw isang alaga ng ate ko sis, may something daw sa pag iisip kaya pigil na pigil din ate ko.
Mostly mga bata dito, my something... Madaming sumusuko dahil sa ganitong behaviour.. at ako na ata ang susunod.
Nako ang hirap naman sissylabs kaya pabanhays fighting
Naku... Kakayanin sis para sa pangarap...
Baka need na nya mapatingin sa DevEd para malaman kung my behavioral problem sya
Haist ,kung pwede ko lang sabihin yan sa magulang nya...pero alam ko napapansin naman nila yan .