All souls day Hello noisers!!!! Super late upload, ito pala handa namin noong araw ng mga mahal natin sa buhay na nasa langit na.. Hay naku ngayon lang talaga nakapag update dito.., Daming ganap namin noong araw ng mga patay umuwi kasi kami sa amin malayo kasi kami sa birth place namin nasa syudad na kasi ako nanirahan kaya pag umuwi kami medyo mahaba ang byahe..bumisita pa kami kina @Soledad at mahaba haba na naman ang kwentohan at saka na kami nagpamisa ng aming mga mahal sa buhay at pumunta ng sementeryo para dumalaw sa kanilang mga puntod at magtirik ng kandila.. Gabi na nga kami nakauwi pagdating ko nakahanda na ang altar may kandila na nakatirik sa loob at labas ng bahay..
10 comments
Dami pala handa sis, kami di na nag handa e 😅
Ang daming handa. God bless.
Thank you kaingay🥰
Andami niyo pala ng undas sis ansasarap pa naman lalo na yung salad natakam ako hihi.
Ang dami pa ngang plano ni bayanan na lulutoin sis kaso di natuloy ang iba hehehe
Buti pa kayo maraming handa noon samantalang kami binigyan lang ng kapitbahay kaya nakakain ng biko 😅
Ito na talaga nakasanatan namin sis di lang noong bata pa ako na akala ko mama ko lang magganito pati rin pala nh byanan ko ito din nakasanayan nila
Di bale nang wala sis ang importante napagdasal natin sila at di nakalimotan.
Ang dami niyo pala handa noong all souls day sissy ko.
Andami nyo pong handa.