Dami ko nang pinaglalaban sa buhay, dumagdag pa tong clan ng mga pusa ko sa shop.lol! Kumakain ang asawa ko ng breakfast kanina at sumaktong dumating ang delivery for our restocking kaya tumayo sya naiwan ang pagkain sa mesa. Pagbalik nya, saktong tinangay ng pusa ang ulam nya kaya galit na galit sya. Lumabas ang lighting at thunder sa bibig nya. Hindi ko sya maawat sa sitwasyong ayokong kami ang mag away kasi nakikitanv nabadtrip talaga sya.hinayaan ko syang kumain at ako na nag asikaso ng delivery. Lunch time na ulit at nagbabadya na naman ang mga alaga na lumapit pero nagtake time ako para pagsabihan sya. sabi ko : " kung ikaw ba ang pusa, hindi ka b lalapit kung my pagkain kang nakikita? sya: "pinapakain naman sila eh." ako: "sagutin mo ang tanong ko." Tumahimik sya kaya eto na ang chance ko at sabi ko, blah! Blah! Blaahhh! Blaaaahh!!! (Imaginin nyo nalang.lol!)
No comments yet