Glad to receive this advance birthday gift from one of my mentee. Grabe, nakakataba lang ng puso. Hindi ko iniexpect na makakatanggap ako ng gift na galing sa kanya, kaya sobrang grateful ako. Tapos ung binigay pa niya ay ung mga bagay na talagang gusto ko.
Minsan, napakarami nating tanong sa buhay. Hindi natin maintindihan ang mga nangyayari, bakit pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang mga bagay bagay.
Ngunit isa lang ang sigurado. Hindi man natin maunawaan ang mga bagay bagay, mas piliin paring maniwala at manampalataya sa Diyos dahil alam Niya ang ginagawa Niya at ito'y para sa ating ikabubuti.
Naku po! Ang hirap talagang maningil ng pautang. Ung laging nangangako pero laging napapako. Mahirap talagang singilin ang taong ayaw magbayad, o walang pambayad. Di nauubusan ng dahilan. Sabi nong kaibigan ko huwag ko na daw asahang magbabayad pa un, bigay ko nalang daw. Naku po, hirap kitain ng pera tas ipapamigay ko nalang.
Saklap naman nong, pinahiram mo pero nong ikaw na ang nangailangan e nganga. Sana hindi nalang siya nangako na ibibigay nya para di ako umasa. Ako tuloy nagkaproblema. Nakailang pangako na e, laging napapako.
Nuod muna ng live ng grand finals ng "anda got talent". Habang di pa inaantok. Sarap magpuyat pag ganitong friday dahil walang pasok kinabukasan.
Early dinner kanoise! Busog pa ko pero kumain na ako dahil may pupuntahan pa ako.
Meatballs lang ulam ko, tatlong piraso. Hehe
Tatlo lang kasi isang serving e.
Good morning! Kaygandang simulan ng umaga sa pagbabasa at pagbubulay bulay ng Salita ng Panginoon. Truly, His words are powerful and it brings life to anyone who reads it. Sarap lumakad sa buhay na guided ng Salita ng Diyos. Sabi nga sa Psalms, na ang word ng Lord ay lamp unto our feet and light unto our path.
Yong antok ka na, pero hindi ka pa pwedeng matulog kasi nghihintay pa sayo ung hugasin at labahan mo. Pero nakakatamad pang bumangon sa pagkakahiga. Hila hilata lang muna at kain ng chocolate. Sakto, may nagbigay nito. Tagal ko na din hindi nakakain nito e
Good morning! Kain po tayong almusal. Almusal ang panakaimportanteng meal na hindi dapat natin mapalampas. Mahalaga ito para may lakas sa buong araw.
Buffalo wings for dinner! Hindi ko favorite ang chicken pero sa twing may buffalo wings, yan talaga binibili ko.
Naku, derechong chicken na inuulam ko mula kahapon, nong lunch adobong chicken, dinner pritong chicken, tapos kaninang lunch tinola naman, tas ngayon buffalo wings. Sana hindi ako magka chicken skin nito. Dati kasi nagkakachicken skin ako pag laging chicken ang ulam.
Good Evening Noisemates!
Ilang araw din akong walang paramdam. Pahinga muna. Kain po tayong ice cream, pampalamig sa mainit na panahon. Favorite ko na din talaga tong aice ice cream!
Halo halo sa mainit na hapon! Dalawang magkaibang halo halo yan. Yong isa kagabi, pagkadating ko sa bahay galing naligo sa falls may tinirabg ganyan sila mama. Kaya kahit busog ako pinilit kong kainin, sayang naman. Yong isa naman ay ngayon, kinain ko pagkatapos bumoto. Grabe, mahigit 3 hours akong pumila para lang makaboto. Kaya deserve kong kumain ng malamig para maibsan ang init.
Sarap nito! Ito talaga paborito kong kainin pag bumabyahe. Sulit na sulit ang 20 pesos. Masarap talaga ang street foods, huwag lang araw arawin dahil nakasasama sa kalusugan.
Masarap kumain ng kung ano ano pero kelangang paring ingatan ang kalusugan, dahil hindi lahat ng masarap ay nakabubuti lalo na kung sobra. Dahil lahat ng sobra ay bawal, ika nga nila.
Sana matapos na agad ang election. Nakakalungkot at nakababahala na kasi mga nangyayari dahil sa election na paparating. Madami nang relasyon, pagkakaibigan at pamilya ang nasira dahil sa pagkakaiba iba ng presidential bet. Nong nakaraan may nagtakwil ng ina, ngayon naman may nagpakamatay dahil sa pambubully dahil lang sa magkaiba sila ng sinusuportahan. Sana naman mangibabaw parin ang respeto at pagmamahalan ng bawat isa, huwag gawing dahilan ang politika para masira ang relasyon. Baka masyado na nating ina idolized ang mga kandidato natin to the point na willing nang masira ang relasyon sa isat isa. We can always agree to disagree sana, hindi ung porket iba ang gusto nila ay aawayin na natin na parang tayo ang tama at wala na silang karapatang magdesisyon sa sarili nila.
Sadly, kung sino pa ang nagsasabing ayaw nila ng dictitorship it turns out na parang sila mismo ang naginging dictator (not all).
Respect parin sana ang maghari.
Praying for a safe and peaceful election, lahat naman tayo naghahangad ng pagbabago at pag unlad sa bansa natin.
Pero huwag kalimutan na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula din sa atin.
Sana ang loyalty natin ay hindi sa kandidato pero sa bansa natin at higit sa lahat sa Diyos.
Because only God is the real hope of our nation.
Good morning. Tinatamad pa sana akong gumising pero kelangan dahil babyahe pa ako pauwi samin, mga 4hours na byahe pa. Kape at curly spaghetti nalang muna agahan ko (medyo hindi lang maganda pagkakaluto ko sa noodles nya, naovercook) , sa bus nalang ako kakain pag ginutom ulit, madami namang mapagbibilhan sa labas.
Keep safe po sa bawat isa! May God's favor and protection be upon us.
Enjoyed watching "Anda Got Talent". Kahit hindi ako nakauwi, nakapanood parin dahil may pa live sila. Nakakatuwa makita ang mga kababayan mo na nagpapamalas ng kanya kanya nilang mga talento.
Nakaka proud, sadyang talentado talaga ang mga pinoy. Isa sa dapat natin ikarangal at ikaproud bilang mga Pilipino.
Bangus for dinner. Bangus steak ata tawag sa ganyang luto. Sakto din at marami siyang sibuyas. Gusto ko talaga ulamin ang sibuyas e, maski hilaw pa yan. Nakakasawa na din kasi puro karne kaya pag may hindi karne sa menu yun nalang pinipili kong orderin. Kaya mas masaya pag nasa bahay laging may gulay at isda.
Gusto ko sanang magkape ngayon kasabay ng hapunan ko, lalo nat calamares at kamatis lang ulam ko. Kaso naisip ko, baka hirap nanaman akong makatulog mamaya kaya gatas nalang pala muna. Saka na ko magkakape pag pwede nang magpuyat ulit. Hirap kasing mapuyat lalo na pag may pasok kinabukasan. Ang pangit sa pakiramdam kapag nagtatrabaho ka tapos hirap kang pigilan ang antok.
Late dinner po noisemates! Tokwa't baboy at sinabayan ko na din ng knorr soup. Nakakatamad magluto kaya bumili nalang ako sa labas. Sa panahon ngayon parang mas nakakatimid na din ako pag bumibili sa labas kaysa magluto. Bukod sa mahal ang gasol, di ko na kailangang mag isip ng pwedeng ulamin tuwing mamamalengke.. Marami namang pagpipilian na lutong ulam sa labas kaya okay ba okay na ang ganto.
Binigay to kanina sa office. Kuha lang ng kuha sa mga binibigay ng mga kandidato, di naman ibig sabihin na tinanggap mo ay iboboto mo na sila. Sayang din naman kung hindi ko gagamitin.
Sa election, choose wisely pa rin. Piliin ang nararapat hindi lang basta sikat at matunog ang pangalan. Magresearch, huwag puro fakenews ang pinaniniwalaan.
Breakfast! Itlog na maalat at kamatis muna almusal ko dahil nakakatamad magluto. Mag isa lang din naman ako kaya di na masyadong problema kung anong uulamin, kahit ano pwede na.
Ang tagal ko ding sinanay ang sarili ko na hindi kumain ng kanin pag umaga, pero nong nagsolo ako, ibinalik ko ung dati kong nakasanayan, di pwedeng hindi mag almusal, kahit malate na ako basta makakain ako bago pumasok. Dati, hindi kami pwedeng pumasok sa school ng hindi nag aalmusal dahil tiyak papagalitan kami ni mama.
Maaga ako nagdinner dahil maaga nakapag out from work, kaya naman bigla akong ngcrave sa lugaw. Kahit tinatamad na sana akong lumabas, ayon lumabas parin para mapagbigyan ang cravings ko. Mamaya ko pa dapat to kakainin pag ginutom na ako. Kaso hindi na masarap pag hindi mainit kaya kinain ko nalang din. Sana hindi ako gutumin mamaya. Magkakape nalang siguro ako pag ginutom. Haha.
Parang ang dami ko tuloy kinain ngayon. Kumain na nga ng kanin, naglugaw pa. Haha
Isang maganda at maaliwalas na umaga sa bawat isa!
Madami nanamang prutas sa likod bahay, ito ang kagandahan sa probinsya. Marunong ka lang magtanim ng ibat ibang puno sa bakuran, hindi mo na kailangang bumili ng pagkamahal mahal na mga prutas sa palengke.
Pagkagising mo, pwede ka na agad pumitas nang walang bayad.
Tunay nga na kapag may itinanim laging may aanihin!
Salamat sa Diyos na Siyang nagpapatubo at nagpapabunga ng mga puno.
Malapit na mamulaklak tong cactus ni mama. Ganda pagmasdan, pero siguradong mas maganda to kapag bumuka na. Sabi nila masarap daw igulay ang bulaklak ng cactus, di ko pa natikman at parang hindi ko kayang kainin. Hehe
Lunch po tayo ka noise. Sinigang na baboy ang ulam. Mahilig talaga ako sa maaasim na pagkain, kaso ang problema itong ngipin ko hindi pwede sa masyadong maaasim na pagkain, dahil napakabilis niyang magngilo. Kaya minsan kahit gusto kong kumain ng mangga, isang slice lang hinto na dahil nagngingilo na agad.
Sa bawat dilim na paparating ay may bagong umaga na papaabang! Sarap lang pagmasdan ng mga ulap, habang papauwi ako.
Isang paalala sa atin na, hindi man laging maliwanag ang araw natin pero tiyak na hindi din magtatagal ang dilim, dahil mayroong umagang darating.
Good morning thursday! Ito muna almusal ko after ng mahabang prayer and fasting para hindi mabigla ang tiyan ko..
Ang sarap lang sa feeling na iseek ng Lord trhu prayer. Nakakabalik ng lakas at sigla sa paglilingkod sa Diyos.
Salamat sa Panginoon sa patuloy sa pagsustain sakin at sa kalakasan kahit tubig lang ang naging laman ng tiyan ko.
Aice ice cream muna tayo bago maglaba, kelangan ko ng pampasipag. Medyo tinatamad na akong maglaba e, kaso kelangang maglaba ng uniform.
Kinulang kasi ng isa ung uniform ko, kaya kelangang labhan ulit pagkatapos hubarin.
Ganda ng tulog. Mapapa-sana all nalang din ako. Nakakatuwa yong posisyon niyang matulog. Hehe
Kaso ako ito, hirap kunin ang antok. Kaya noise noise nalang muna, hanggang sa antokin na ulit.
Saklap naman, nasira pa ung bus na sinasakyan ko. Kung kelan pa nagmamadali at may kelangang habulin. Hirap maghintay ng ibang bus, sobrang init.
Namiss ko kumain nito! Sakto kaninang pauwi ako, nakita ko si kuyang nagbebenta kaya di ko na pinalampas. Madalang ko na kasi siyang matyempuhan e.. Medyo tumaas na rin pala ang presyo ng fishball at kekiam.. Pero the best parin talaga