One of the hardest thing to do is to wait! Sino ba namang matinong tao ang gustong maghintay ng matagal? Lalo na sa panahon natin ngayon na gusto natin lahat ay instant.. Kaya nga nauso ang instant noodles, instant coffee pati nga instant relationship.. Pero, hindi natin alam, na madalas kapag nagmamadali tayo doon tayo mas nagkakamali.. Kapag nagmamadali tayo namimiss natin ung magandang bagay na dapat sana ay mararanasan natin. Kaya naman kung nasa season of waiting ka man ngayon, husayan mo diyan, husayan mong maghintay. Pero sana huwag ka lang maghintay ng nakatunganga, gumawa ka ng mabubuti at makabuluhang bagay habang naghihintay. Magugulat ka nalang isang araw dumating na ang pinakahihintay mo at masasabi mo nalang na "buti nalang nag hintay ako". Photo not mine
No comments yet