Yong inaantok ka na pero di ka pwedeng matulog dahil baka mailampas ka sa bababaan mo.
@Grace07 in May 2021
Good morning! Maagang byahe ulit.. π
Apart from Jesus we are nothing! Kung gusto mong maging makabuluhan ang buhay mo, huwag kang lalayo sa nagbibigay ng totoong buhay! ππ
Patuloy na ipaglalaban pag ibig na kasinlawak ng kalawakan! π Gaano man kalaki ang kasalanan natin, minamahal parin tayo ng Diyos na kasinlawak ng kalawakan! π
Napakainit ng panahon ngayon! Kasing init ng pagmamahal ng Diyos para sayo! πβΊ
If you expect the world to be fair with you because you are fair, you're fooling yourself. That's like expecting the lion not to eat you because you didn't eat him.
Huwag mong kayaning mag isa, andyan naman ang Diyos para samahan ka! βΊπ
Sobrang init na afternoon po sa ating lahat.. Inom po tayo ng maraming tubig..
May mga tao na "mahalaga" pero hindi "mahal". Pero si Christ, mahal ka Niya at inalay Niya ang buhay Niya dahil mahalaga ka sa Kanya.
Even warriors can get wounded in the fight. But thanks be to God, He will not let us be in pain forever. For He will always be with us as we conquer our battles. ππ»
God allows us experience difficult people in our lives to teach us how to exercise love.. π
The best preparation for TOMMOROW is doing your best TODAY. Hindi pwedeng gusto mong magtagumpay pero wala kang ginagawa ngayon. Hardwork. Perseverance. Faith. Patience. Sacrifice. Kailangan natin ang mga yan. Wag tayo mainip. Wag tayo magsawa. Magbubunga din lahat ng tinatanim mo ngayon. β€οΈ
Wag mamuhay sa puro "BAKA"! Baka hindi nila magustuhan. Baka hindi manalo. Baka hindi lumago. Baka hindi ako matanggap. Walang mangyayari kung hindi mo susubukan! βΊ
My homemade ice cream! Cookies and cream.. First try, pwede na para sa beginner.. βΊ
Good afternoon! Anlamig sa office pero mamaya paglabas sobrang init naman.. Keep safe everyone. Inom tayo ng maraming tubig..
Alam mo kung ano yung nakakalungkot? Yung andun ka na, nag give up ka pa. Nakuha mo na, sumuko ka bigla. Tell yourself today, I will never quit.
Trust God even when it doesnβt make sense. Heβs always working behind the scenes.. Magtitiwala parin sa Diyos kahit hindi ko na naiintindihan ang nangyayari, dahil alam kong mas makakabuti ang paraan Niya.
Galingan nating mabuhay! Dahil hiram lang ito at balang araw ay ibabalik natin sa Lumikha! π
Napansin ko lang po, kahit nakareceive ka na ng maraming tip galing sa β€ $0.00 parin nakalagay.
Yong ang laki na nya pero nakikipag agawan pa sa mas maliit. Haha
Walang sayang sa panalangin! Huwag kang mapagod manalangin, hindi porket hindi mo pa nakikita ang resulta ngayon ay wala ng ginagawa ang Diyos. May ginagawa at gagawin Siya na magpapamangha sayo! ππ
Yong ang sakit na ng mata mo sa antok pero ayaw mo parin matulog.. Hayyy
Maraming wala pero mas marami pa ring pagpapala.. Huwag kalimutang pasalamatan ang Diyos maski sa mga simple bagay na meron tayo.. Mapalad ka kung nagising ka pa ngayong umaga, iyan ay napakalaking pagpapala na mula sa Diyos.. Magandang umaga! πβ€
Yong pumunta kang grocery store, tapos pagpasok mo nakalimutan mo kung anong bibilhin mo! Hayyys Ayaw ko nang magpuyat! π π
Piliing nating maging masaya kahit sobrang lungkot ng paligid.. Huwag hayaan ang mga pangyayari sa paligid natin ang siyang magdikta kung paano tayo dapat kumilos.. π
Good morning Noisers! Ilang araw din akong hindi nakapag open dahil sa sobrang bagal ng connection sa kasuluksulukang barangay namin.. ππ
Good morning! Mother's day appreciation! Salute sa lahat ng nanay sa mundo.. Mga ina na handang magsakripisyo para sa mga anak! π
Hi po! Tanong ko lang, nakaQR code na po ba ako? Hindi na kasi ako nakakareceive ng tips kahit may nagha-heart sa post ko, wala na ding epekto ung heart ko. π’
I am not afraid of imperfection because my God's strength is made perfect in my weakness. . Ngiti lang, kahit ayaw na sakin ni noise.. π’
Salamat po sa lahat ng nakapalitan ko ng kuro kuro sa account na ito.. Sa 1218 na subscribers ko, maraming salamat po! Nakakalungkot man, pero magpapaalam na po ako sa account na ito dahil sa inayawan na ako ni noise! Nawa ay makadaupang palad ko muli kayo.. π₯β€
Yong ginalingan mo naman para makapag create ng magandang content sa platform na ito pero isang araw pag open mo nakaQR code ka na.. Why oh why? Mapapakanta ka nalang ng "i did my best but i guess my best wasn't good enough" "kulang na kulang ba? Hindi parin sapat? " Hahaaa But anyway, thankful ako sa platform na ito dahil ang laki ng naitulong sakin sa mga nakalipas na buwan! πβ€
Sobrang init talaga sa labas.. Kailangan may baon laging payong pag lalabas ng bahay..
Mangga with alamang! Nakakalaway kaso mabilis magngilo abg ngipin ko kaya tikim tikim lang.
Good morning! Hello daw po sabi ng mga pusang ito.. π Hi po sa mga mahilig sa pusa dyan.
Madaming pagsubok ngunit kailanman ay hindi magiging sagot ang pagsuko! Madaming problema pero hindi sagot ang pagtakbo dito Maraming kalungkutan at alalahanin ngunit hindi ito dahilan para tapusin ang buhay! May pag asa May liwanag na naghihintay May ngiting muling masisilayan Magpatuloy ka! May Diyos na sasamahan ka.
Let go and let God! Minsan, kaya tayo nag istruggle ay dahil pinipilit nating gawin at sundin yong mga bagay na gusto lang natin, without considering the will of God.. Akala natin alam natin ang makakabuti para satin, perp minsan, yong akala nating makakabuti yon pa pala ang magpapahamak sa atin! Magtiwala sa Diyos, hindi sa sarili dahil mas higit na alam Niya kung ano ang mas makakabuti sa atin..
Kwek kwek! Isa sa paborito kong street foods.. Pasok na pasok sa panlasang pinoy..
Failure is not about falling down It is about not getting up! Lahat tayo nagkakamali at nahuhulog, pero hindi iyon nangangahulugan ng pagkatalo.. Ang totoong pagkatalo ay pagkatapos nating magkamali ay hindi na tayo gumawa ng paraan para muling bumangon! π
One of the hardest thing to do is to wait! Sino ba namang matinong tao ang gustong maghintay ng matagal? Lalo na sa panahon natin ngayon na gusto natin lahat ay instant.. Kaya nga nauso ang instant noodles, instant coffee pati nga instant relationship.. Pero, hindi natin alam, na madalas kapag nagmamadali tayo doon tayo mas nagkakamali.. Kapag nagmamadali tayo namimiss natin ung magandang bagay na dapat sana ay mararanasan natin. Kaya naman kung nasa season of waiting ka manβ¦
Happy Birthday to me! β€ Sana isa sa matanggap kong birthday gift ngayon ang maging okay na ulit sa dati tong account ko.. πβ€
Bagong umaga! Kasabay nang pagsilip ng haring araw ay ang pagsibol ng bagong pag asa.. Sa likod ng kahapong madilim ay may naghihintay na bagong ngiti at kislap sa mga labi.. Good morning fellow noisers! Simulan natin ang umagang ito na puno ng ngiti...πβ€
Today's Realization: Hindi lahat ng tinulungan mo ay tutulungan ka din pabalik! At minsan, ang mas nakakalungkot pa, sila pa mismo ang hihila sayo pababa.. Pero hindi dahil hindi ka nila tinulungan ay titigil ka na din sa pagtulong..
Legit yong saya nong nakita kong nakabalik na ako.. Buti nalang di ako bumitiw dito. Salamat po sa lahat ng nang encourage sakin na magpatuloy, lalo na sa mga di ipinagdamot ang kanilang mga puso, naappreciate ko kayo. .
Jesus said, βFather, forgive them, for they do not know what they are doing.β Luke 23:34 NIV Ang forgiveness ng Panginoon ay hindi lang para sa "they do not know what they are doing", pero para rin ito sa mga "they know what they are doing." Matoto lamang tayong lumapit, humingi ng tawad at magsisi, tiyak na patatawarin tayo ng Diyos! β€ #GraceSpeaks #VoiceofHope
π https://noise.cash/c/grace-speaks-kx1p4g51 Yay! Done creating my own channel! If you want to be encouraged, inspired and refresh through the Word of God this channel is created for you. May this channel be a channel of hope to everyone as it is created to be a voice of hope especially for those who feel discouraged, depressed and helpless! You are also free to share your thoughts and be a voice of hope too.
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 1 Corinthians 13:4β-β¬5 Ang totoong pag ibig ay marunong maghintay, hindi ka basta basta susukuan at hindi ka basta basta iiwan sa ere! Hindi ka nito tuturuang gumawa ng mali at pipiliting gumawa ng di ayon sa iyong kalooban! Hindi nito sisirain ang buhay at kinabukasan mo, sa halip ayβ¦
Meet my beautiful mother and daughter cats! Just by seeing them and capturing some photos of them makes me smile and feel so comforted and stress free. . Cat lovers would understand what i am saying! β€ This photo was taken 2years ago, but still on my gallery.
Real love will never say, "i'm busy!", instead it will always makes time! So, if a person tells you that he loves you and yet he has no time talking and communicating with you, maybe you should think again if that person really loves you! π
Today's realization: Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo! Lalo na kung tutunganga ka lang at awalang gagawin para makuha ito. Pero, please lang, kung alam mong pag aari na yan ng iba huwag mo nang kunin at angkinin! π Magandang umaga Po!
Good morning with my beautiful angel! I remember capturing this photo when i saw him climbed that post because of fear for our dog.. It's just so sad to think that he's all part of my memories cause he already pass away a few months ago.. And i really miss playing with him..β€
Our tongue is so powerful! It can encouraged, but it can also discouraged, it can speak truth and even lies, it can build up and tear down.. So we must guard everything that comes out of our mouth because it has the power to speak life or death! Choose your words wisely! Speak life not death, blessing not curse.. Be an encourager today! This photo is created through YouVersion Bible.. #VoiceofHope #SpeakGrace
Sharing this picture captured inside the bus! Natawa lang ako kasi may sumakay kanina habang nasa terminal pa kami, Sabi nong babae "asan yong araw?" Sabi naman nong guy na kasama niya, "andun, sa taas! " hahaa.. Laughtrip, tama naman siya dun..
For I know the plans I have for you,β declares the Lord , βplans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Jeremiah 29:11 One of the most popular and memorized bible verse in the old testament. What an amazing promise from the Lord, sino ba namang tao ang may ayaw sa pangakong yan? Oo, totoo mayroong magandang plano ang Diyos sa bawat isa na nagtitiwala sa Kanya, pero hindi iyon nangangahulugan na hindi na tayo makakaranas at dadaan sa mgaβ¦
May mga pintong magsasara, pero hindi iyon nangangahulugan ng katapusan. Dahil sa bawat pintong nagsara ay may bagong pintong magbubukas! β€ Be strong enough to wait for the right door to open for you and be confident entering into it..
Ito muna bago mag dinner, para sa mainit na panahon! Ibang iba na talaga panahon ngayon, dati hindi naman ganito kainit.. Bakit ngayon parang nanlalamig na yong pakikitungo nya sayo? Hahaa
May mga taong nang iiwan sa ere, pero huwag kang mag alala dahil may Diyos na hindi ka kailanman iiwan, at pinatunayan Niya yan nong tinapos Niya ang nasimulan Niya nong namatay Siya sa cross para iligtas tayo.
Our kambing na mukhang mabait at malambing sa camera, pero yong totoo nanunuwag yan!
God's grace is always available and sufficient for all of us, kahit gaano man tayo magkamali at bumagsak! Kailangan lang nating patuloy na lumapit at magpasakop sa kalooban ng Panginoon! Mayaman ang grasya Niya para patawarin at patuloy tayong baguhin..
Mahirap magpatawad, lalo na kung hindi naman sila humihingi ng tawad sayo! Pero dahil tayo din naman ay nagkasala at pinatawad ng Diyos, nararapat lang din na ibigay natin yong kapatawaran sa iba.. Para na rin makalaya at magkaroon tayo ng kapayapaan sa sarili natin!
It's not about the mistakes, it's about the lesson! Kung sa pagkakamali tayo titingin, tiyak lalo labg tayong lulubog, Tingin sa lesson na maaari mong matutunan mula sa pagkakamali at tiyak nakakausad kang muli, makakabangon ka mula sa lusak ng pagkakamali.. Move forward, and make changes for the better..
Pag mahal mo huwag mong bitawan at sukuan Pero kapag ikaw na ang sinukuan kahit mahal mo, palayain mo nalang.. Mahirap namang ipilit ang sarili sa taong ayaw na sa atin.. Hehe
Kay gandang pagmasdan nilikha ng Diyos na dakila Sa iba't ibang kulay, mata'y nahahalina Mga labi'y mapapasambit na lamang ng papuri sa Kanya Panginoon, kamangha mangha ang lahat Mong nilikha!
Siopao for meryenda! Namiss ko kumain nito..
Halos nakakatamad na lalo kapag nakikita ko value ng mga puso.. Pero di bale, kahit papano may value parin.. Buti nalang alam ko totoong value ko, at hindi ito nakabase sa sinasabi ng iba! β€π
Hindi porket pagod ka na, hihinto ka na! Walang nagtagumpay na huminto.. Huwag kang hihinto hanggat di mo pa nakikita ang tagumpay na ninanais mo.. Good night noisers, matutulog lang, pero babangon ulit bukas!
Mukhang may bagong update.. Medyo nakakalungkot kasi dun nalang ako umaasa since wala din masyado value ang puso na natatanggap ko.. Ikain nalang muna natin yan.. π
Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own. Matthew 6:34 NIV Bakit mag-aalala kung pwede namang magtiwala sa Diyos na may hawak ng lahat ng bagay?
Yong inaantok ka na pero tinatamad ka pang matulog. . Tapos bukas tatamarin naman gumising ng maaga..
Saw this photo on facebook, and it made me laugh for a while but also made me realized something! It is true that sometimes, we keep on blaming others on why we can not move forward, but actually it is ourself that makes us stagnant..
Magandang umaga! Nag alarm ako para magising ng maaga, pero nagtataka ako bat hindi ako nagising, hindi ba nag alarm o hindi ko lang namalayan?hahaa