Sobrang nakakasama ng loob ung may umutang sayo, nangako siya na ibabalik nya sa takdang araw. Pero nong dumating ung araw na yun di tinupad. Ang masaklap dun ung ipinautang mo ay ipambabayad mo din ng boarding house mo. Ako tuloy nagkaproblema kung saan ako kukuha ng ipambabayad. Gipit din ako pero pinautang ko siya, pero ngayon halos ayaw basahin ang chat ko. Nakakasira ng tiwala. Napa share pa tuloy ako dito. Pasensya na po
@Grace07 in April 2022
Puyat mode muna. After ilang months naisipan ko ulit magsulat ng article sa readcash. Napakahirap mag isip ng isusulat. Naalala ko nong bata ako mahilig akong sumulat ng mga kathang isip na storya, ewan ko ba ngayon, hindi na masyado gumagana utak ko. Kakapuyat ko na ata ito.
Woman of Worth Every woman has been created for a purpose, but the sad truth is that many woman has a little value for themselves. Sometimes, it is because of their bad experiences in the past - maybe they are being molested by a stranger or maybe by someone from their family, or maybe because they came from a broken family - that it made them feel unloved and unwanted by their own parents. It may also because of their past unhealthy relationship, maybe a guy they loved…
Napakagandang pagmasdan ng puting ulap at asul na langit! Nakakapawi ng pagod at nakakalagay ng ngiti sa labi. Sarap ng ganitong tanawin pag nasa probinsya, idagdag pa ang maraming puno na nakapagbibigay ng sariwang hangin, kaya hindi masyadong ramdam ang init ng panahon! Napakagaling ng Lumikha ng lahat ng ito.
Nakakamiss mag ulam ng ganto. Lutong bahay lang. Gulay na papaya at malunggay, kaya hahanap hanapin talaga ang luto sa bahay e, kaysa ung ulam na binibili lang.
One thing I ask from the Lord , this only do I seek: that I may dwell in the house of the Lord all the days of my life, to gaze on the beauty of the Lord and to seek Him in His temple. Psalms 27:4 NIV Gaya ng hiling ni David sa Diyos, nawa ay ito din ang naisin natin, ang manahan sa presensya ng Panginoon, ang pagmasdan ang kagandahan ng Diyos. May we seek the Lord all the days of our lives. Dahil sa Diyos lang may totoong buhay, buhay na may purpose at kahulugan.. Always…
Nkapagdinner na po ba ang lahat? Kain po tayo. Yan muna ulam ko ngayon na may kasaang alamang. Natripan ko lang bumili ng alamang kanina tapos ginisa ko na para mas masarap at hindi masira kaagad..
Feeling Kulang Naramdaman mo na ba yong feeling na parang may kulang sayo? Yong kahit pakiramdam mo ay ginawa mo na ang lahat, binigay mo na ang lahat pero kulang parin. Yong nasayo na lahat pero hindi parin pala sapat. Akala natin kapag nagkaroon tayo ng masaganang buhay, kapag marami na tayong pera ay mapupunan na itong missing piece sa buhay natin. O kaya naman, kapag nahanap mo na ung the one or the better half o ung love of your life (o kung ano mang tawag natin dyan)…
https://read.cash/@Grace07/feeling-kulang-5860c45a Good evening noisemates! Share ko lang po bagong article na nasulat ko sa readcash. Nasa mavisit at mabasa nyo po. Salamat po. Thank you
Breakfast na po tayo noisemate. Tagal ko na ding hindi nakapag ulam ng itlog maalat, namiss ko kaya ito nalang inalmusal ko. Habang ini-slice ko ung kamatis kanina, naalala ko ung kilala ko, sabi niya dapat sabubin munan ung kamatis dahil hindi natin alam kung gumulong ito sa kanal habang nasa palengke. Hehe. May point naman siya dun, kaso sobrang linis naman na to the point na kelangan pang sabunin. Hehe
Good evening noisemates! Flex ko lang ung pusa dito sa boarding house. Pumasok siya dito sa kwarto ko at nangungulit. Natuwa ako sa kanya kasi kakaiba ung kulay niya. Kacute. Kung pwede lang iuuwi ko na to e
Who is Jesus? Napakahalaga na magtaroon tayo ng tamang perspective at pagkaunawa kung sino si Jesus, dahil kung mali ang pagkakakilala natin sa Kanya, maaaring maglead ito sa maling pamumuhay natin.. 1. Jesus is True God, He is fully God! Jesus is the Anointed One, Messiah.. Siya ang tagapagligtas natin mula sa kasalanan at kamatayan. Imagine, isang totoong Diyos mismo ang bumaba at umabot sa atin para magkaroon tayo ng kaligtasan.. What would be our response to this,…
Good afternoon po! Selfie muna bago pumasok.. Ngingiti kahit antok at puyat. Kelangang magsumikap para mabuhay. Hehe Keep safe po sa bawat isa.
Kay gandang pagmasdan ng ulap! Sa kabila ng maingay at magulong kalsada, ay may naghihintay na magandang bukas sa mga ulap. Hindi lahat ng wakas ay malungkot dahil sa bawat wakas ay laging may bagong simula.
Dinig na dinig dito sa boarding house ko ung fireworks kanina sa leni-kiko rally. Mukha g maraming tao ang dumalo. Still undecided pa rin ako kung sino iboboto ko, pero parang wala sa option ko anh pink. May napanuod pa akong video kanina tungkol sa isang ginang na nagalit sa lalaking nagjojogging, gawa ng nakared at nakafacemask ito ng bbm-sara. Galit na galit si ate kay kuya porket marcos ang iboboto. Tsk tsk
Happy Lunch po! Tinamad na akong magluto kasi medyo antok pa ko, kaya bumili nalang akong tokwa't baboy sa labas. Sulit na sulit naman na. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kape. Sabi ko hnd na ako magkakape pag gabi e, kaso hindi ko nanaman napigilan. Bangag tuloy ako ngayon. Kelangan kong kumain ng marami dahil maya maya ay maglalaba naman ako.
Ginutom ako pagkatapos maglaba. Dami kong nilabhan ngayon, tinamad kasi akong maglaba nong isang araw.. Napaluto tuloy ako ng yakisoba. Solve na rin ako,. Busog na ulit. Gusto ko sanang matulog kaso basa pa buhok ko. Dapat pala dinala ko dito sa boadring house ung blower. Hays.
Glad na kahit hindi ako nakauwi samin, may church parin akong naattendan. Sobrang nakakabless lang. Tumatak sakin ung sinabi nong ng exhort kanina na kung pakiramdam mo mag isa ka nalang, pakiramdam mo walang nakakakita ng pinagdadaanan mo, mali ka dahil nakikita ng Diyos lahat ng iyak mo, naririnig Niya ang panalangin mo. Sarap umiyak at magsumbong sa Diyos..
Meryenda time. Galing sa birthday. Bakit kaya ganun, kapag nasa ibang bahay ka ang bilis mong mabusog. Pero pag nasa sarili mong bahay ka kumain, kayang kaya mo naman kumain ng marami.. Ako lang ba ang ganyan o nakarelate din po kayo?
Bakit kaya ganito lagi nakalagay sa youtube app ko? Hindi ko tuloy magamit. Okay naman siya dati. Tinatry ko ding iupdate pero hindi ko na mahanap ung app.. Ito ata isa sa problema pag huawei. Hnd kasi nya supported ang google services.
Ayon, natapos ko din gawin.. Sa sobrang traffic, nakapaglay out ako. Sobrang dami atang umuuwi ngayon kaya ang traffic. Ang init pa naman pag hindi umaandar ang sasakyan. Ingat po tayo lalo na sa mga uuwi sa probinsya.
It's good friday! Natanong niyo na din ba kung bakit good Friday ang tawag sa byernes santo? Bakit siya good e samantalang pinahirapan at ipinako sa krus ang Diyos? But it is really good dahil kung walang Friday walang Sunday na darating,. Namatay ang Panginoong Hesus, but the good news is hindi Siya nanatiling patay! He rose again! My Savior is alive! Share ko na din po ulam namin kanina. Kaya masarap umuwi sa bahay e, lasang lasa ang probinsya!
Good morning! Nakakatuwa matulog itong pusa ko. Ang himbing, nakailag kalabit na ko pero ayaw matinag.
It's a happy day with our kambing.. Sarap lang pagmasdan ng mga alagang hayop.
Yay! Namiss ko to. Ripe mangoe with alamang. Sakto yong ginisa kong alamang sa pinabaon ni mama na mangga, kahit hinog.. Sarap ng pinagsamang tamis at alat, sayang nga lang hindi maanghang.
Good night po sa ating lahat! And before we sleep, huwag kalimutang basahin ang pinaka importanteng libro. The only book that can transform one's life. Pinakalumang libro, pero kailanman ay hindi naluma at maluluma..
Ito muna habang nagpapahinga, kahit hindi pa masyadong gumagaling ubo ko. Pampatanggal lang ng pagod at stress after work. Ewan ko ba bigla akong na stress at napagod kanina habang pauwi..
Aww! At nag brown out pa habang kumakain ako. Hirap walang makita. Sana magka ilaw na agad, napaka init pa naman.. Kumukulog pa pala, sana hindi lumakas ang ulan. Kinakabahan ako baka bumaha dito sa kwarto ko.
Namiss ko kumain nito! Sakto kaninang pauwi ako, nakita ko si kuyang nagbebenta kaya di ko na pinalampas. Madalang ko na kasi siyang matyempuhan e.. Medyo tumaas na rin pala ang presyo ng fishball at kekiam.. Pero the best parin talaga
Saklap naman, nasira pa ung bus na sinasakyan ko. Kung kelan pa nagmamadali at may kelangang habulin. Hirap maghintay ng ibang bus, sobrang init.
Ganda ng tulog. Mapapa-sana all nalang din ako. Nakakatuwa yong posisyon niyang matulog. Hehe Kaso ako ito, hirap kunin ang antok. Kaya noise noise nalang muna, hanggang sa antokin na ulit.
Aice ice cream muna tayo bago maglaba, kelangan ko ng pampasipag. Medyo tinatamad na akong maglaba e, kaso kelangang maglaba ng uniform. Kinulang kasi ng isa ung uniform ko, kaya kelangang labhan ulit pagkatapos hubarin.
Good morning thursday! Ito muna almusal ko after ng mahabang prayer and fasting para hindi mabigla ang tiyan ko.. Ang sarap lang sa feeling na iseek ng Lord trhu prayer. Nakakabalik ng lakas at sigla sa paglilingkod sa Diyos. Salamat sa Panginoon sa patuloy sa pagsustain sakin at sa kalakasan kahit tubig lang ang naging laman ng tiyan ko.
Sa bawat dilim na paparating ay may bagong umaga na papaabang! Sarap lang pagmasdan ng mga ulap, habang papauwi ako. Isang paalala sa atin na, hindi man laging maliwanag ang araw natin pero tiyak na hindi din magtatagal ang dilim, dahil mayroong umagang darating.
Lunch po tayo ka noise. Sinigang na baboy ang ulam. Mahilig talaga ako sa maaasim na pagkain, kaso ang problema itong ngipin ko hindi pwede sa masyadong maaasim na pagkain, dahil napakabilis niyang magngilo. Kaya minsan kahit gusto kong kumain ng mangga, isang slice lang hinto na dahil nagngingilo na agad.