read.cash Log in

@Ghie4945

Joined 9 September 2022 · 2612 posts

Small but terrible

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Ghie4945

Naku po,kanina ang t*nga ko ko talaga ehπŸ˜…. Umalis ba naman ako ng bahay di ko pala dala atm ko,pano tuloy ako magwiwidraw,nandun pa naman sa sling bag ko yun atm, ending ayun bumalik ulit ako sa bahay,napansin ko na lang nandun na ko sa Atm MachineπŸ˜…πŸ˜†,haiz naku limot limot, 2nd time na nangyari to sakinπŸ˜…. Bibili pa naman ako ng itlog dalawang tray so dala ko lang naman dalawang eco bag at mga ilang bubble wrap na galing sa mga parcel ko before,di ko tinatapon para magamit ko sa pagbili ko ng itlog,para di mabasag sa basket ng bisikleta ko,tapos yun isang ecobag naman para sa pagbili ko naman tinapay. Mabuti na lang di na umulan kanina,may dala din naman ako jacket at sumbrero.

@Ghie4945

Lalabas ako umulan naman, kapag maaraw naman di rin makalabas sobrang init naman haha, anyway buhay bisikleta ganyan talaga hehe, mahirap kasi sumakay super mahal na ng pamasahe samin, kaya kung sasakay lang din naman dapat sulitin na kung ano mga kailangan bilhin dahil sa mahal ng pamasahe. Nag order kami ng isang sakong bigas Angelica salcedo rice mahal na 1030 pesos na,budget lang namin talaga sa bigas 1k lang pero wala na daw 1k nagtaas nanaman daw kasi. Pangkain at pantinda na rin sa tindahan namin.

@Ghie4945

Grabe no, di pa ko pinanganak nito, my ginawa na palang first movie ng Noli Me Tangere year 1961,black and white pa talaga ang kulay, at mayron parin nakapagtago ng mga ganitong movie, galing.

@Ghie4945

Sarap ng kain namin kanina ng Dinner, sisig na tokwa kaya lang kinulang si mader sa paglalagay ng siling haba, di ko ramdam yung anghang, pero nasarapan din yun friend namin, sya kasi bumili ng tokwa sa amin naman ang pagluluto. Anyway gabi nanaman, naku paubos nanaman Data ko, parang mas malakas ata ko ngayon sa data, dalawa kasing gadgets gumagana,loptop at cp, next time gawin ko ng alternate para di rin ako masyado malito sa mga gawain ko. Bukas pa labas ko ng bahay ulit, tinamad nanaman lumabas kanina.

@Ghie4945

Pamusic muna saglit maya maya kakain na kami.

@Ghie4945

Yes, umuulan na, kaso lang may dis advantage need ko lumabas para pumunta ng palengke sana. Di ko pa lam kung ano ulam namin ngayon ni mader. Baka magdelata na lang kami ngayon, kapag sunday talaga mga tinatamad magluto sa bahay.

@Ghie4945

Gandang morning guys,Blessed Sunday sa lahat, di nanaman nakasimba, hay naku sabi ng Maynilad, may water interruption nanaman sa place namin 10 am to 11pm. Kaya naman nag ipon nanaman ako ng tubig kagabi, sinisipon pa naman ako ngayon. Nag iisip nanaman ng mauulam ngayon tanghalian, di pa naman ako nakabili ng itlog sa palengke namin, puro delata lang nas tindahan namin at noodles.

@Ghie4945

Sa ibang lugar pala umuulan na, yun iba gusto umaraw, ako naman gusto ko umulan haiz...yun kaibigan namin sumakit ang ulo kanina sa sobrang init, ako naman eto nag bukas nanaman ng aircon, mga 2hrs. ulit para lang malamigan yun nastock na init kanina sa kwarto... Gusto naman umulan...sumasakit ulo ko sa init, pati bulsa na dinπŸ˜…

@Ghie4945

Dami ko hugasin, this time halos maghapon walang tulo samin,dami ko pang gagawin sa bahay, di ko magawa onti na lang yun stock namin tubig, mag iipon nanaman ako maamaya sa gripo. Hopefully hanggang ngayon na lang tong water interruption ng Maynilad .at bukas tuloy tuloy na tubig. Wish ko din umulan para makapagipon din Maynilad sa mga Dam ng tubig, balita kasi mababaw ang tubig sa mga Dam ngayon.

@Ghie4945

Ayos may magagamit na ko patungan ng loptop ko, mayron pala pamangkin ko di nya naman ginagamit, pinahiram ako, may exaust fan na rin sa ilalim kaso mahina, sira na isang blade, kaya gamit ko yun dati ko pa rin na bigay naman ng pinsan ko. Kaya naman di muna ko bibili hehe,ganda din nito adjustable yun paa nya,sana may makita ko nito sa online shop, padala lang kasi to ng ate ko sa anak nya kaya di ko lam mayron nito dito satin sa pinas.

@Ghie4945

Super init ng panahon, sinigang na bangus. Tena kain na tayo ng lunch.😊😊😊

@Ghie4945

Morning kain tayo guys, gardenian bread palaman mayonaise with Eden cheese at Terno ang mainit na Kape na may Choco.😊😊😊

@Ghie4945

Kain tayo guys, bango ng piniprito ni mader, wala ko masyado nagawa kanina kasi nanood lang naman kami ng Net flix gamit ang loptop ko, pagkatapos namin mananghalian kanina. Pinanood namin "Doll House" ang bida si Baron Geisler, maiiyak ka sa story, kapag pinanood mo. Bukas Malaan kung manonood ulit kami. Sa friend nya daw yun account sa net flix, may bayad kasi hehe kung sa akin lang, nainstall ko tuloy ulit kanina.

@Ghie4945

Morning guys, napatingin ako sa weather sa cp ko, pag open ko ng cp ko yan na agad nag aappear ang weather, so mainit pa naman ngayon, pero pabago bago minsan makulimlim, nagsampay pa naman kuya ko ng mga damit nya na niwashing at sinampay sa may bubungan. Friday nanaman,kayod kayod muna ngayon umaga. Maya kapag sinipag linis ulit isa o dalawang electricfan.

@Ghie4945

Naglinis lang ako ng isang electricfan pinagpawisan na ko ng husto haha. Pati kaloob loban kasi nilinis ko gamit ang screw driver kinalas ko. Yun ilalim nya may parang lupa lupa na sa sobrang dumi haha. Tatlo pa yun need ko linisin, medyo madali na yun iba dahil bukod sa di gaanong luma, madalas din nalilinis, lalo na yun stand fan. Kung papalinis ko loob babayad pa ko kaya ako na naglinis. Need ko bumili next time ng soldering iron, para ako na lang magrerepair ng simpleng sirang appliances sa bahay. Charge ko muna si loptop at maligo muna ko.

@Ghie4945

Kain tayo guys, sotanghon na may halong manok. Tanghalian this lunch, nauna na sila kumain, ako ngayon pa lang kakain, ngayon lang kasi ginutom. Mamaya maglilinis ulit ako ng ilang electricfan, nalinis ko na yun isa kahapon na de screw type, Standard Electricfan, bata pa ko electricfan pa yun, sobrang tibay ng motor nya.

@Ghie4945

Haiz, kung pwede lang umulan ka na hehe, super init kasi hehe. Sarap magbabad na lang tubig, kahit sa batya lang, parang buhay mayaman haha, walang gagawin buong mag hapon parang nag swiswimming lang sa pool at tatawagin lang ang yaya kapag gusto na kumain, sarap kahit managinip ng ganun hehe. O kaya nasa bathtub with drinking something, tapos pa aircon aircon langπŸ˜‚

@Ghie4945

Kahapon nga pala nag install ako sa loptop ko ng netflix, inustall ko din agad kasi mayron pala monthly plan kapag sa loptop at bukod pa pala yun data ko hehe. Kaya ending tiis na lang ako sa youtube para tipid tipid, makakapag enjoy pa rin naman.hehe Anyway, ang init nanaman sa kwarto ko kahit bukas ang electricfan, malamang mabubuksan ko saglit nanaman aircon para lumamig man lang ang kwarto kahit mga 2 hrs timer.

@Ghie4945

Wala nanaman tulo gripo, maya nanaman ako makahugas ng mga hugasin nito, nood sana ko Maria Clara at Ibarra sa tv pero sa yt na lang pati Darna, busy kasi whole day. Pero yun Abot Kamay ang Pangarap napanood ko naman kanina na. Yan lang pinapanood ko sa tv then mga other movies na sa yt kapag may time pa manood. Ulam namin kanina tanghalian ginisang corn beef namay beans yun parang sitaw nakalimutan ko tawag tapos dinner naman ginisang itlog na may ampalaya. Ang hirap kumain kapag may singaw ang bibig kaya naman mamaya makapag mumog ng maligamgam na tubig na may asin. Sana umulan ulit tonight,kagabi umulan kaya nman lumamig lamig kahit papaano kagabi.

@Ghie4945

Everyday routine magcharge sa solar kapag ganitong tag init. Bali tatlo yan solar panel, yun isa di mapicturan nasa kataas taasan. Nakalaba na si mader ng kanyang damit. As of now nagluluto na sya ng pananghalian namin.

@Ghie4945

Buti talaga nakatulog ako kanina around 3:30pm to 5:30pm kahit medyo mainit panahon kanina,tutok sakin electricfan pero likod ko naman nainitan sa kama kaya pabaling baling din ako,while yun mga gadgets ko naman kanina is nakacharge lahat, loptop at cp ko,cp ko naman nakacharge sa solar kanina kaya kahit di gaano mafull charge ok lang pagdating ng hapon wala ng init.

@Ghie4945

Ulam namin ngayon gabi,nahirapan ako iupload sya dito kanina kaya ngayon lang naipost. Walang tulo gripo samin ngayon kaya maaring bukas na ko makakapaghugas ng mga hugasin na pinagkainan.

@Ghie4945

Wala na nanaman tulo gripo,di tuloy ako nakahugas ng pinggan ngayon,bukas na lang ng umaga kung hanggang mamaya wala pa rin tulo. Water Interruption kasi sa lugar namin Maynilad kaya expected na rin talaga na hanggang Oct. 15 may time talaga na walang tulo ang gripo.

@Ghie4945

Sino na nakasubok nito. Newbie shopee order. Ayoko subukan baka mamaya mahack account ko, yun pag open kasi nyan dyan mismo sa apps na yan.

@Ghie4945

Tena kain na tayo ng dinner, ulam namin,Pritong Daing sawsaw sa suka bawang,sayang di nakabili ng sili.

@Ghie4945

Pampagising, sa nakakaantok na panahon, sobrang init pa kahit na nakaligo na ko.

@Ghie4945

Eto pala yun niluluto ni mader kanina,ang tawag daw sa isdang yan Albakora,niluto nya na parang sinigang medyo maasim asim ng konti, hinaluan ng gulay,kangkong, kamote,okra at sitaw, may kamatis din at sibuyas😊😊😊

@Ghie4945

Morning sa lahat, ngayon lang natapos ng ilang gawain kaya ngayon lang ulit nakabisita. Walang masyadong bago ngayon same pa rin ng gawain sa araw araw, pero this time pass muna labada ko kakasawa din araw arawin. Super init nanaman ng panahon nakakatamad gumawa ng gumawa, mainit kasi sa may sala namin at kusina, sa kwarto to di masyado dahil yun init naaabsorb ng taas namin, kaya dun sa taas namin sobrang init kapag nagstay ka ng matagal pawisan ka ng sobra pagbaba mo. Kumain na ba kayo guys si mader ko nagluluto pa, lam ko isda ulam namin di ko lam anong luto gagawin nya.

@Ghie4945

pamusic lang muna bago matulog,at check sa cp.

@Ghie4945

Katapos ko lang ng gawain maaga kumain at natapos gawain pero di pa kami nagsasara ng tindahan 10 pm pa kasi closing namin. Kalikot muna ng loptop at cp.

Everything by @Ghie4945, by month