read.cash Log in
@Ghie4945 more from that month

Maukwento ko lang nun nagpunta kami sa PGH ng tito ko,kasama ko din mader ko,nun pacheck up ko tito ko,may tinanong sa kanya yun nurse dun sa umpisa na may mga form din,ok. ba raw sa kanya na if possible maconfine sya eh kasama nya mostly mga covid patient,sabi nya ok lang daw,sabi nya vaccinated na rin daw cya, sabi naman ng nurse hindi po ibig sabihin vaccinated na di na mahahawa,usually mga pasyente namin dito puro vaccinated pero nahawa pa rin😅😆...napaisip ako dun sa narinig ko yun.Umagree naman Tito ko ok lang daw,Wala sya choice baka di sya mcheck up eh,buti na lang di sya naconfine,niresetahan lang sya. At if possible icoconfine cya pwede naman siguro bawiin yun,dahil ayaw ng mga anak nya,dahil may kasama sila bata sa bahay. Di na mahigpit pagpasok mo sa Emergency,nakafacemask,nasa sayo na lang kung gusto mo magfaceshield,wala man lang alcohol kaya mag babaon ka ng sarili mo.Kapag need mo ng strecher maghahanap ka sa loob or need mo wheelchair,wala din talaga upuan sa loob,sa hallway,sa labas lang ng emergency lang may upuan,sa hallway madadaanan mo halo halo na may sakit,kahit saan ka tumingin may pasyente nakahiga. Kagandahan lang sa Pgh mo mahahanap yun mga magagaling na doctor,gastos mo lang pamasahe at yun gamot na rereseta sayo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.