Sarap ng pasalubong ng kfriendship namin na pili nuts. Habang busy nanaman ako sa loptop ko. Ngayon lang ulit ako nakasilip dito, wala din kasi ko narereceive kaya nagfocus muna ko sa mga priorities.
@Ghie4945 in January 2023
Nakakasakit ng ulo ng panahon ngayon,ngayon lang ako ulit nakabisita madalas kasi wala sa mood ang kondisyon,tulad ngayon sinisipon na nanaman ako. Throwback ko lang yun kinain ko nun minsan nagpunta ko sa Mall hehe. Dahil medyo malamig weather nagsawa na ko sa Jolibee at Macdo, eto naman. kinain ko mainit init na Pares Mami Soup at green tea na parang lasang gelatin.
Throwback nanaman nun New Year putukan,napakabehave ng alaga ko,parang wala lang sa kanya yun naririnig nya,samantalang si Mami Katkat nya nagtatago sa ilalim ng lamesa.
Tinahak ko kanina kahit maulan makabili lang nito, gamit ang bike ko. Nakakain din sa wakas, gusto ko talaga na di asukal na puti gamit na matamis yun paldo o tawag ay panutsa. Pagdating na pagdating ko inupakan na agad ng mader ko hehe. Medyo nagmahal na isang balot na dati 30 pesos, 35 pesos na ngayon. Musta na ba ang lahat dito,ano na ba update, madalas kasi ko sipunin at may pinakakabisihan ibang bagay.
May napanood ako sa yt na pagluluto pancit canton,ginaya ko. Naghahanap kasi ko ng bago naman mamimirienda na available sa tindahan namin. So ayun na nga kumuha ako 1 Lucky me Pancit Canton jumbo spicy,2 pcs. itlog ,onion leaves at Arina. Pero dahil wala kami skyflakes,arina na lang ginamit ko para maihalo. Ok din naman lasa,sawsaw sa ketsup,pero parang kulang,dapat siguro dinagdagan ko pa ng pampalasa, maybe toyo at paminta. Naamoy ng kapitbahay namin, ang sabi amoy…
Share ko lang tong hinarvest ko sa taniman ko sa plant pot ko. Nasa1/2 kilo din tong luyang dilaw. Maybe mamayang gabi gagawa ko ng turmeric tea, iinumin ko bago matulog. Matagal tagal din napatigil pag inom ko ng turmeric tea, huling inom ko nito nun kasagsagan pa ng pandemic.
eto na sya pinakuluan luyang dilaw,lagi kasi barado ilong ko sa sipon kaya minsan uminom nito mix with honey para may onting lasa.