read.cash Log in
@Ghie4945

@Ghie4945 in July 2022

@Ghie4945

Gandang morning medyo malamig panahon sarap matulog saka solo ko higaan ngayon,dun na kasi natulog pamankin ko sa kanila,di na kami magkatabi ni mader sa higaan nakakagalaw galaw na ko hehe. Ngayon pa lang babangon,makapaglaba ng ilan damit ko at bag at sapatos na ginamit ko nun nag antipolo ko,sana sipagin ako ngayon umaga. Makapag almusal na, nakapag shoppee nanaman kagabi.πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

@Ghie4945

Sarap ng tanghalian namin munggo na may halong chicharon baboy,dahon ampalaya at yun tanim naming dahon ng alukbati. Happy lunch time po.

@Ghie4945

Nakabili si mader ng saging,ubos nanaman to samin, lalo na sa kuya ko lakas kumain. Makapanood muna ng Apoy sa Langit"

@Ghie4945

Waiting ko pa mahinog tong avocado na binigay samin ng pinsan ko,nilagay namin sa drum na tinakpan lang namin na nkakasingaw pa rin, may puno kasi sila at hitik na hitik sa bunga,tatlong kilo din to at sabi ng mader ko nasa 300 pesos din to kung bibilhin sa amin.

@Ghie4945

Morning, medyo maaga nagising, punta kasi ko palengke ngayon, bibili ng 1 dozen mantika at 2 tray na itlog gamit ang bike ko Pero para di ako mahirapan, unahin ko muna isa isa either itlog muna tapos balikan ko mantika, may other pa rin ako bibilhin like Canton,macaroni at iba pa na pambenta ni mader sa tindahan.

@Ghie4945

Dumating na yun order ko sa shoppee na bra worth 300 pesos dalawa,nun kakauwi lang namin antipolo noon,buti na lang yun kuya ko may perang natatabi,umalis pa naman kami nun pagabi na kami dumating. Ang laki ko na pala,34A yun inorder ko,dapat pala 36A na,nag order pa tuloy ako ng bra extension.

@Ghie4945

na trim ko na din yun citronella grass ko, nilalagay ko sa kwarto ko yun para iwas lamok

@Ghie4945

Dumating na din yun inorder ko sa Lazada na Lucy cat food maihalo sa princess food nila,medyo mura mura ng onti, para di rin sila masawa sa isang flavor.

@Ghie4945

Kapagod, naka dalawang balik ako hehe,Una dala ko dalawang tray na itlog, may dalawang medyo basag,lutuin na lang di talaga yan maiwasan sa bike ko kahit nilagyan ng bubble wrap o basahan. Second na balik ko nman isang dozenang mantika naman,tapos ilan kailangan sa bahay sa pagluluto at sa tindahan. Ginagawa ko na yan kahit di pa nagtataas ang pamasahe,lalo ngayon pamasahe na sa amin trycycle 25 pesos,pauwi special 25 o 30 pesos so balikan 55 pesos na, magkano lang tubo sa…

@Ghie4945

Ano kayang halaman to, tawag ni nanay dito gabi gabihan. Nalaki pala dahon nito baka mamaya maging puno na to hehe. Binigay lang to ng kaibigan ni nanay,nilagay nya sa terrace namin nababali at mabagal lumaki. Ngayon naman ang lalapad ng dahon, gusto nya pala nya medyo naaarawan at nauulanan.

@Ghie4945

Gandang morning, magsisimba sana ko ngayon, medyo sumama tyan ko, nakadalawang balik ako sa palikuran,tawag ng kalikasan,sakit din ng tyan ko. Eto binili ng mader ko sa pinsan ko,maigi daw to sa mga sakit sakit ng katawan, tyan at kung ano-ano pa.Chinese medicine pero may english instruction din sa loob ng box na maliit na pamplet.

@Ghie4945

Salamat may nahinog na isa, nakakain din ng avocado. Nilagyan ko asukal at bearbrand powder milk. Nauna na dessert ko to kanina bago kami mag lunch.

@Ghie4945

Late post, lunch namin kanina tortang talong na may itlog at bagoong.

@Ghie4945

Bago ko naligo nagpahid muna ko nito sa face ko at balat at buhok, minsan nakakalimutan ko sa kabisihan at pagmamadali ko. Kapag di ko naubos nilalagay ko sa ref. next day gamitin ulit.

@Ghie4945

Dumating na din yun bra extension ko 3 hook,mura lang kumpara sa iba, 8 pesos ko nabili nkafree shipping din ako nun june 30 sa shoppee, nakakaorder lang kapag free shipping,palitan na lang sa isa ko pang bra na 3 hook din.

@Ghie4945

Naghahanap ako ng mamimirienda,sinilip ko yun pinapahinog namin avocado baka may hinog pa ulit ako makita, at ayun na nga nakakita ko isa hehe, sarap nanaman mirienda ko. Ang alam ko lang kapag hinog na medyo malambot at saka kulay parang medyo brown na yun balat nya. Pero nanay ko hindi masyado nagkakakain nito kasi sabi nya mataas daw sa cholesterol.

@Ghie4945

Buti na lang nagkatubig ng maaga, maghapon kasi nawalan ng tubig sa gripo at nagkaron mag 9pm na,tambak kasi hugasin ko,kundi maya o bukas ko na sila mahuhugasan. Malinis na ulit lababo namin.At maaga ko nagpunta ng kwarto,nagsoundtrip na lang.

@Ghie4945

Yun dinner namin kanina,itlog naman na may kamatis at sibuyas naman. Di talaga mapigilan di magsoftdrink haha. Masasabi ko eto ang pambansang ulam ng mahihirap hehe.

@Ghie4945

Gandang morning,umaga hinugasan ko na yun mga pinagkainan namin ng almusal, mahirap na baka mawalan ulit ng tubig at matambakan na naman ng hugasin. Mainit na nga lang sa kusina namin kapag ganitong patanghali na kaya di makatambay sa kusina. Almusal namin this morning pancake, nagluto si mader,yun nabibili lang na arina at hinaluan ng itlog.

@Ghie4945

Lunch namin kanina,itlog,tilapia at luckyme chicken noodles. Walang naglako kaya pinagkasya na lang ulam na tilapia.

@Ghie4945

Itlog ulit haha,pero this time itlog na may sardinas naman hahaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Nakatulog ako,paggising ko saka lang ako naligo, umulan kaya nadiligan mga halaman ko pero mainit pa rin,saglit lang kasi ang ulan dito samin.😊😊😊

@Ghie4945

Soundtrip lang,pampaantok,di pa kasi dalawin ng antok,nagmumuni muni pa hehe.

@Ghie4945

Morning,tanghali na nagising,inumaga nanaman matulog.hehe.Champorado😊

@Ghie4945

Mukhang mag sisinigang si mader ngayon. May mga rekado na sya sa lamesa kanina. Let me see mamaya kung ano niluto ni mader.

@Ghie4945

Kala ko magsisigang si mader ngayon, yun pala lin meng canton lulutuin nya na may halong baboy, binigyan kasi sya ng kapirasong baboy ng nakatira samin. The best namiss ko nga kumain din nito lalo na may halong baboy tagal na din ako di nakakain ng baboy dahil sa mahal. Pinoy tayo, mahilig talaga sa kanin kaya may kasamang kanin😊😊😊

@Ghie4945

Dahil nakabili ng melon si mader, may pangkukot kami sa mainit na panahon, nilagay muna ni mader sa ref para lumamig. Ngayon may pangkukot na while waiting sa panonood ng "Apoy sa Langit" pagtapos nun hanap ng ibang movies kapag wala patay na si tv, either listening radio naman or focus na lang sa typing captcha ko.

@Ghie4945

Medyo inaatake nanaman ako ngayon ng migraine ko, kanina kasi sobrang init, nun umidlip ako kanina. Sana tumuloy na yun ulan para lumamig lamig, kahinaan ko talaga ang init ng panahon. Di ko na tuloy napicturan yun ulam namin kanina na sinigang na manok.

@Ghie4945

Katapos ko lang maghugas ng plato, di nakahugas kagabi masakit ang ulo gawa ng migraine, buti nawala na rin this morning pagbangon ko,nawalan din ng tubig kagabi buti this morning nagkaroon na rin. Paggising ko kanina ayan nagluto si mader ng puto nakalagay sa lagayan ng lecheplan, di muna ko nagkape ulit.

@Ghie4945

Ang layo pa ng pinanggalingan ng bra extension hook ko haha

@Ghie4945

Ano nanaman kaya ulam namin ngayon siguro itlog na lang ulit ang pambansang ulam haha. Kanina ulam namin yun sinigang na manok at canton na natira kahapon,ininit na lang,dami kasi natira kagabi. Nakaidlip this afternoon buti na lang di na ko inatake ulit ng migraine ko. Naligo pagkagising,tapos ngayon lang ulit nakapagdutdot ng cp,di umulan maghapon kaya nagdilig din ng mga halaman ko. Bukas kapag sinipag maglalaba hehe.

@Ghie4945

Late na nakasilip,ayun nga dinner pala namin kanina pritong Daing at noodles. May nagdaang naglalako ng daing at tinapa, nakabili si mader kanina. Mukhang di ako mkkatulog ngayon, medyo nakaidlip ako ng mahaba haba kanina, kahit medyo mainit sa kwarto. Panigurado tulog na karamihan.

@Ghie4945

Magandang morning, kagising lang at mag aalmusal pa lang,mukhang makulimlim ngayon at di masyadong mainit. Si creampuff mangungulit na nanaman mamaya,as of now tulog sya duty nila ni Katkat ng 10pm to 6am haha, kaya mga puyat pa hehe. Si creampuff nang aagaw na ng cp, may laro kasi sya dun,minsan naman pinapanood lang nya haha.

@Ghie4945

Ngayon pa lang magbreakfast,may ginawa pa kasi. Nescafe stick with coffee mate konting asukal at pancake, harina at itlog.

@Ghie4945

Eto na nga yun inorder ko sa halagang 33 pesos ,overseas pa yan, layo ng pinanggalingan haha, sumakay pa ata yan ng barko o eroplano sa tagal dumating haha.

@Ghie4945

Maisusuot ko na rin sya, sana ok yun wire nya sa bra, kapag hindi ako kumportable, aalisin ko rin yun wire nya sa under ng bra, like yun isa kong kulay skyblue.

@Ghie4945

Kailan kaya ko makakareceive or convert ng ganitong halaga hehe, sarap siguro sa feeling ng makaipon ka ng ganito ng di ka nag iinvest hehe,yun tina trabaho mo lang😊😊😊

@Ghie4945

Sopas nga pala pananghalian, kapag may natira yan na din hapunan namin mamaya.

@Ghie4945

May blessing nanaman na dumating galing sa kalapit bahay namin,birthday daw ng kanyang mader na namayapa na,kaya naghanda ng simpleng pancit.

@Ghie4945

naka order na ulit sa lazada hehe free shipping ulit, tapos kagabi nkabili ng piso deal 10 peso load sa shoppee naman, sayang di ko inaabot yun piso deal 100 peso load, ang bibilis nila hehe.

@Ghie4945

Nakapamili nanaman si mader, kinulang yun pera nya sa pinadeliver nya, buti na lang may gcash yun mamang nagdeliver at may laman pa yun gcash ko,tagal namin kanina, ayaw kasi gumana yun sa qrcode sa terminal nila, buti may atm card aq nggcash ko, muntik ko pa malimutan yun pin atm pin ko, kung hindi babalik yun mama para balikan yun kulang,di kasi nila tinetext kung magkano babayaran,manghuhula na lang pagdating kung magkano babayaran namin😊😊😊

@Ghie4945

Gandang morning, eto nga ngayon pa lang ako mag aalmusal, kagabi patulog na ko, may sinabi sakin si @issay1417, sinubukan ko nga kagabi hehe, sayang din nga makamagkano ka rin,may limit din pala sya sa isang araw. Thank you kagabi @issay1417 nakita ko na yun shoppee hack fb page kagabi hehehe. Subukan ko din sana yun challenge doon kaso ok na ko dito, baka di ko mareach yun goal within 24hrs hehe😊

@Ghie4945

breakfast this morning medyo natatabangan ako sa niluto ni nanay ngayon kaya nilagyan ko na lang ng condensed milk, may natira pa sa ref.

@Ghie4945

Sana tuloy tuloy na to...para everydays happy😊😊😊.

@Ghie4945

5$ na lang marereach ko na sya to 10$,konting tyaga pa everyday...😊😊😊

@Ghie4945

Nood muna ng "Apoy sa Langit" medyo maiinis ka sa kontrabida, kawawa kasi si Ningning sya nasisi sa lahat ng nangyayari lalo na nakunan yun mama nya. Pagtapos nito balik na ulit sa labahin ko hehe.

@Ghie4945

natapos dun ang paglalaba,pahinga lang saglit,nag iisip ng mamimirienda hehe, tapos maghugas nman ng plato para di tambak mamaya, then maliligo pa rin.

@Ghie4945

Mirienda tayo, naka 26 pesos na ko nito, binayaran ko sa mader ko haha, katas ng noise hehe.

@Ghie4945

Eto na, ntry ko na sya @pencua02, malayu-layo pa hihintayin ko,ok lang sa website nman sya. Madali lang pala mag sign up, google sign up ginawa ko. Referral link: https://lootup.me?refer=4295640

@Ghie4945

Late post, my dinner upo na may halong corn beef at daing na isda, may dumaan naglalako kaya napabili si mader terno daw sa gulay na ulam namin😊😊😊

@Ghie4945

Time to sleep na din ako, medyo napagod sa paglalaba kanina,maagang rest muna. Bawi na muna ng lakas para bukas. Hopefully more income to come kahit sa bahay lang.😊😊😊

@Ghie4945

Kakagising lang mag aalmusal, agang may nagpaload pero inutang nman. Sakit pa nman ng ulo ko, medyo inatake nanaman ng migraine. Need pa namin pumunta ata sa optha para ipacheck ni mader, minsan parang nmamaga yun inoperahan n mata nya before yun isang mata nya.

@Ghie4945

Ganda naman, orange naman, dami nya pala kulay, nun isang araw pink and white, ngayon naman kulay orange. Ang ganda kumuha ng picture, parang gusto ko tuloy maging photographer kaso height ko papasa kaya 4'10 height lang ako hahaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚,dapat may bitbit na bangkito kapag di ayos anggulo haha.

@Ghie4945

Nakakatuwa naman, yun friend ko na nagbigay ng bulaklak, dahil malawak yun taniman nya, sinend sa akin yun picture ng taniman nya. Napa wow ako sa ganda ng mga bulaklak nya. #ctto

@Ghie4945

Ayos dumating na rin yun inorder ko sa lazada na rechargeable battery AAA,may laman na sya,tapos dumating na din yun isa pa na usb charging port,maichacharge ko na sa solar panel ko ng sabay sabay, gana naman sya lahat port, sana lang tumagal na magamit, mas makakatipid na ko sa kuryente nito pagdating sa charging ng mga small gadgets ko,testing ko pa kung mabilis sa cp,gana sya kahit medyo makulimlim ngayon dito samin. Update: Ang bilis nya magcharging lalo na kung mainit…

@Ghie4945

Nilamon na talaga ko ng solar, mula nun nabigyan ako ng tito ko ng solar panel ceiling light, naisipan ko na magsolar panel unti unti, mahal kapag buong bahay ipapasolar mo hehe. Sa mahal kasi ng kuryente ngayon, nag iisip talaga ko para makatipid man lang sa kuryente, laking tulong din talaga mga ganito. 4 gadgets sinubukan ko icharge sabay sabay.

@Ghie4945

Ang pusang laging nakatihaya matulog. Mamaya active nanaman sila. Sarap ng tulog ng mga baby ko. Duty nanaman sila ng 10pm to 6am haha. Kaya nag iipon ng lakas haha. Yun ang time ng laya nila hehe.

@Ghie4945

Nasakit ulo ko sa pabago bagong klima,uulan pero saglit lang pero mainit pa rin. Climate change na nga talaga. Dati kapag umulan ng saglit lang malamig na paligid,ngayon nag iba na talaga. Parang relasyon lang,yun feeling nya dati mainit, ngayon nanglalamig na parang kape lang din sa una mainit pagtagal lumalamig din. Charot...Ano ba tong naiisip ko? Anyway binuksan ko talaga aircon dahil nakabayad na ulit sa kuryenteπŸ˜†πŸ˜‚...sobrang initπŸ€•πŸ˜‘πŸ˜£

@Ghie4945

Gandang morning,umagang binisita ko agad plants ko sa bubong, medyo masakit pa rin ulo ko sa migraine pero medya medya na lang. Ganda ng oregano ko, madali sya padamihin. At alam nyo ba maigi yan pantaboy ng lamok,saka pwede rin yan durugin yun katas nyan pwedeng ipangspray din sa halaman para mawala yun langgam at insekto na sumisira sa tanim.Gamot din sya sa ubo, di ko pa natry, ayoko nman syempre magkaubo hirap kaya hehe. Tapos yun alovera ko dami na rin ginagamit ko sa…

@Ghie4945

Breakfast ko this morning saging na saba with champion chocolate. Magsisimba sana ko this morning,kaso medyo masakit pa rin kasi ulo ko,naghiga higa muna ko,need ko na bumili ng pagkain ng mga alaga ko,nagtext ako sa bayaw ko sana nabasa yun text ko at nakabili.

@Ghie4945

Kain tayo guys...Teraran...ang pambansang ulam, itlog na may sibuyas at kamatisπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Dinner na guys, walang kahangin hangin sa kapaligiran ngayon, kahit umulan saglit samin, super init pa din.😊😊😊

@Ghie4945

Watching KMJS,si Ed Caluag haha. Namangha ako dun sa Dalawang matanda, ang lalakas pa nila,nagsasayaw,mag 60 years old pa lang yun dalawang matanda. Daig pa ko,sa double deck namin umakyat ako sa hagdan, hirap na hirap na ko di pa ko seniorπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

@Ghie4945

Umagang kay ganda, first time ko magpa appointment thru online sa doctor,sabi kasi sakin pumunta ako sa hospital alamin ko kung anong oras yun doctor dun. Ginawa ko sineerch ko na lang at buti mayrong website na pwede ka magpa appointment,sayang kasi pamasahe kung pupunta ko tapos babalik nanaman ako. Nagpaschedule ako para ipacheck up yun mata ni mother na naoperahan before sa cataract nya,sa maynila pa sya naoperahan masyado malayo kaya dito na lang sya magppcheck up sa…

@Ghie4945

Pagkatapos namin pumunta sa schedule ni mader, pero wala nman nangyari sa schedule namin dahil di na pala sya active sa website na yun,yun Dr., mabuti na lang nakausap ko pa rin yun Dr. kanina,kaso babalik pa kami either bukas sa ibang lugar sya nkaschedule. Anyway yun pinuntahan namin malapit na sa palengke at bilihan, bumili na rin kami ng mamimirienda pag uwi, gustong gusto nila to bilhin napabili na rin, malagkit na samala.

@Ghie4945

Waiting for check up na si mader,anyway bukas naman may lalakarin ulit ako,pinsan ko naman kasama ko papunta nman maynila.

@Ghie4945

Nakauwi din kami around 5pm, pagpacheck up talaga laging kailangan may handang pera, babalik pa ulit kami sa tuesday, pagkatapos ng isang linggong gamutan ni mader sa mata nya. I pray na makuha sa gamot kasi kung hindi makuha sa gamot, need pa ipalaser dalawang mata nya,nakitaan kasi ng impeksyon na parang mantsa na nakadikit sa ibabaw ng mata nya kaya medyo namamaga at nangangati. Inabot din kami ng 2pm bago nakakain, maigi naman yun doctor, mabait at pinapaliwanag mabuti…

@Ghie4945

Gabi na pero di pa ko dalawin ng antok, medyo sinisipon pa ko ngayon, medyo naambunan kasi ko kanina. May lakad pa naman kami bukas ng pinsan ko. Ngayon kapag sinisipon ka, parang kahiya suminga lalo kapag may katabi o kasama kayong ibang tao, baka iba na isipin sayoπŸ˜†πŸ˜… Kanina pa naman sinisipon while waiting ako na tawagin si mader sa check up, hinay hinay lang ako sa pag singa baka palabasin ako ng guardπŸ˜‚. Anyway si mader lang naman kinuhanan ng information, ako naman hindi…

@Ghie4945

Gandang Morning kaingay, eto medyo maagang gising dahil may pupuntahan sa manila para magpapustiso. Sa totoo lang guys, wala na ko ipin para confident na to smile ang lola hahaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Lalo na sa mga selfie selfie, di tuloy makaselfie selfie lalo na sa video hahaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Medyo mura kasi sa pupuntahan namin nasa 4k-5k full denture na, dito kasi samin nasa 35k, may natira na lang ako na 2 tooth kabitan ng denture, di ko na pinabunot, sayang kasi yun 35k kung yun 2 tooth ko in the near…

@Ghie4945

Waiting na ko sa full denture ko😊.Ganun pala sukatan para ko masusuka sa ikalawang sukat,naaamoy ko yun parang gums na bubble gum😊 Sana maayos yun pagkagawa. Dami pala dito Dental Services,tabi tabi pagawaan ng denture.

@Ghie4945

Maghapon pala gawin ang full denture, dumating kami around 9:30am tapos dumaan muna kami sa Sm,sumakay kami ng jeep pSm Manila para dun muna tumambay, mag ikot ikot at kumain ng ice cream, kumain na kasi kami sa karinderia kanina. Maya maya lakarin na lang namin malapit lang nman daw, sana fit na fit yun pagkagawa ng full denture ko matapos sya around 3pm to 4pm.

@Ghie4945

Naku guys, ang hirap pala nakapustiso kapag di pa sanay, tapos mukhang need ko pa bumalik dahil yun sa lower denture ko, umaahon kapag kumakain ako, pero yun sa taas ok naman, yun sa lower denture lang. Eto na sya guys😊, maganda na sana kaso mukhang need ko ibalik. Before and afterπŸ˜…πŸ˜†

@Ghie4945

Morning,kapagod sa byahe kahapon,bukas confirm na babalik ulit kami para pafit ulit si denture,pati yun sa taas naluwag din nun nawala na yun adhesive na nilagay,di rin magagamit sa pagkain ko.

@Ghie4945

Napa order ako kanina sa mcdonalds delivery, di kasi nakapagluto si mader ng tanghalian kanina, kinain nila yun sinangag na kanin nun umaga at busog na sila, ako nman gutom pa rin, kaya ayun, buti na lang may senior citizen card si mader magkano din nadiscount ko gamit account nya.

@Ghie4945

Morning kaingay, eto preparing na ulit para bumalik malapit sa CEU sa Manila, para sa fitting ulit ng denture ko. This time kasama ko rin si mader,yun natanggal nya kasi dalawang pustiso ipapakabit nya daw. Hopefully maayos na, para naman di na bumalik, laki din gastos sa pa-gas at pagkain pa sa paghihintay, medyo malayo din. Kung kaya ko lang sana na magpadenture sa halagang 35k, dito na sana ko sa amin magpadenture kaso mahal, need ko pa pag ipunan ng matagal na panahon…

@Ghie4945

Pagdating,kahit di kami nagcommute ni mader, pagdating namin ng bahay super pagod kami parehas sa byahe, kaya eto si mader, gusto na matulog, pero ako nagrest lang saglit at may gawain pa dapat ayusin sa bahay bago ko magrest, need maghugas ng ilang hugasin, mabuti at nagkaroon na ng tubig at magpapakain pa rin ng mga alaga. Di na kami kumain pagdating dahil medyo nabusog naman dahil kumain muna sa mcdo bago umuwi ng bahay. Sulit nman ang pagod sa tingin ko di na kami…

@Ghie4945

Morning guy, tena kain tayo, medyo mabagal pa kumain.Rebisco hansel mocha biscuit and nescafe stick with coffeemate with sugar. Minsan lang magkape bk atakihin na naman ng migraine, buti this few days feeling good nman. Sarap matulog kapag pagod.Pagod kasi ko kagabi tapos nakatapat pa elecrricfan sakin kaya di ko gaano ramdam init kagabi.

@Ghie4945

paselfie nga po isa, haha...😊😊😊 eto na po mirienda ko,squidball with kanin😊😊😊. Tena mirienda po.😊😊😊

@Ghie4945

Squidball sa mirienda...😊😊😊

@Ghie4945

Buti naman at umulan dito samin ngayon,magdidilig na sana ko ng mga halaman ko sa bubong at tabing bahay ngayong hapon. Isipin nanaman ano nanaman kaya uulamin namin hehe,ang pambansang ulam ng mga mahihirap na itlog magtataas na, halos sunud-sunod na pagtaas, lahat nagtaas na.

@Ghie4945

Morning,aga ko nagising 6am pero bumalik din ako agad sa pagtulog dahil sa antok pa, pinakain lang mga alaga ko pusa na kinakatok na kami sa pinto ng kwarto, ginigising na kami para pakainin na daw namin sila dahil ubos na yun nasa pakainan nila. Eto si Kat-kat tuwing umaga yan nagpapa araw sa tabing bintana.

@Ghie4945

Gandang hapon,nakatulog din nitong hapon, effective ata yun minsan na lang ako magkape, tuwing umaga energen,nagsasakit pa gilagid ko,ganun daw talaga kapag bagong kabit pa at first time lang magpadenture.

@Ghie4945

Umagang kay ganda, busy nanaman sa gawain,mamaya maya makapaglinis nman ng kwarto,dami ng alikabok at buhok buhok at balahibo ng mga alaga sa sahig. At bukas aalis nanaman para sa check up ulit ni mother sa mata nya. Nagdilig ako kagabi kala ko kasi di uulan, pandilig ko yun pinaghugasan ng bigas maigi daw kasi yun sa halaman parang pataba sa kanila.

@Ghie4945

Kinakabahan nman ako sa palabas na to.

@Ghie4945

Sarap ng dissert,mirienda na rin namin kanina. Huling avocado na nahinog,tagal din nahinog pano ilagay lang daw sa drum na may takip. Mas madali pala mahinog sa bigasan,di namin nilagay noon,sbi kasi mabubulok daw,di naman pala,mabilis pa sya mahinog sa bigasan. Nilagyan ko lang ng condense milk,tapos naghati hati kami ni Brother ko at mother ko.

@Ghie4945

Morning, ganda ng flowers na to, nasisiyahan ako tuwing umaga,iba iba kulay. Anyway kakain na ko soon, maliligo at magbibihis,dahil balik na ulit kami sa eye check up ni mader, hopefully di na ilaser mata nya, nasa 16 k daw laser both eye na bali 8k isa. Magastos pala talaga tumanda, kaya kung maari eh kahit papaano may ipon sa pagtanda.

@Ghie4945

Yun lahat sila nakafacemask, ako lang di nakafacemask😜. Kumusta naman yun iba nakafacemask nga nasa baba naman haha. Well di nman ako sinita ng gwardya,padaan daan pa πŸ˜‚ #MyBodyMyChoice

@Ghie4945

Ganda ng umaga, taas ng BCH. Hopefully tuloy tuloy na para makabawi yun saving ko sa coinbase. Mag almusal pa lang, sarap ng weather ngayon di mainit makulimlim lang.

@Ghie4945

Dati rati pupunta ko sa mall o sa kahit saan lugar para lang tumambay minsan. Ngayon di ko na magawa, dahil maiisip mo sa mahal ng pamasahe mas maigi na lang pumirmi sa bahay kung di rin lang importante pupuntahan at walang okasyon na icecelebrate,nakakapanghinayang yun barya na magagastos mo na ilalaan mo na lang sa mga importanteng bagay like pandagdag sa pagkain araw araw or save mo na lang for emergency cases.

@Ghie4945

Naku, kung kailan naman gusto ko kumain ng cheese stick, dun naman di nagtinda ngayon yun binibilhan ko sa labasan. Medyo di na kasi gaanong masakit yun mouth ko sa denture, nasasanay na rin kumain ng may denture. Sa mga cannot afford magpagawa ng mahal na denture,dito lang ako nagpagawa,may iba pa silang services. Much better kung may sariling sasakyan, parang mahirap ngayon magcommute.

@Ghie4945

Namiss kong kumain ng spagetti, kahit wala naman okasyon, kaya naman nun nag order si mader sa Emilus groceries kanina, delivery bukas, pinahabol namin sa text ang spagetti with sauce,sana lang talaga madagdag sa order para bukas. Tawagan ko sana kaso hirap ng signal kaya tinext ko na lang sa keypad phone ko, hirap pa naman magtext sa phone na to. Kapag pantawag tawag lang nman, lalo na sa labas ganyan na lang ginagamit ko cp, lalo na sa public place.

@Ghie4945

Natawa na lang ako kagabi, nagtry ako mag order ng midnight kagabi sa Shoppee overseas pala to, pero tinanggap naman yun voucher ko sa shoppee na free shipping special,lumabas sa babayaran ko 28 pesos lang tapos zero shipping fee, kaya pala kinancel ng seller,tapos isa lang din oorderin koπŸ˜…. Anyway wala nman may kasalanan, makakamura lang sana ko nun mantakin mo tipid sana ko sa shipping fee ng maybe 40 to 80 pesosπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Morning, Ganda ng morning, di namin namalayan umulan pala kagabi, kaya napasarap tulog namin ni mader, pero maaga pa rin ako nagising, iniisip ko maglaba ngayon kahit makulimlim ngayon araw. Silipin ko muna cryto kung tumataas ba o bumababa, prediction ko lang tataas ulit ang crypto, marami ngayon nagdadagdag na business nila ng crypto like paymaya,globe app na dati wala ngayon mayron na rin sila crypto, gcash na lang ata wala pa at paypal.

@Ghie4945

Natawa naman ako umagang umaga post ng ka fb friend koπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Much better nga namanπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ #ctto Source: Fb

@Ghie4945

Konti na lang mareach ko na yun 10$. May 1month na pala ko dito sa apps na to,check in at study lang ginagawa ko just a minute of time hehe. Edit post with pic.

@Ghie4945

Eto nanaman may pasoundtrip nanaman si mader, at feeling antok nanaman ako nito mamaya haha. Dahil sa panahon at pasoundtrip ni mader na mga old song mukhang di nanaman tuloy labada ko haha. Tamang nood na lang ng "Apoy sa Langit" mamaya nakakaexcite mga eksena, at my "Lifetime" ata sa tv5 mamaya sana new series. Anyway almusal ko kanina champurado,kapag may natira yun mirienda nmin mamaya.

@Ghie4945

Dumating na din yun denture case ko,pasintabi sa nagmimierienda,saktong sakto lang sya. Ayoko kasi ng malaki,actually malaki pa rin to pero ok na rin pwede na rin siguro to babaran ng cleansing tablet. Sa tabing higaan ko lang kasi nilalagay,iwas mahagip ng aking mga alaga,hinuhubad ko sa gabi at kapag naglilinis.😊😊😊

@Ghie4945

Sarap matulog ngayon, kaya medyo mapapaaga sleep ko ngayon once inantok na ko. Tama lang yun feeling, di mainit, di rin malamig, pero bukas pa rin fan,para macirculate lang yun loob ng room, wala kasi bintana, sarado din pinto.

@Ghie4945

Nabusy ako sa mga halaman ko,ngayon lang ako nag almusal,eto nga namiss ko macaroni spagetti,kaso di napasama yun spagetti sauce sa order namin kaya nilagay na lang ni mader ketsup. Tena kain macaroni spagetti at Milo,iwas muna sa kape hehe.

@Ghie4945

Eto yun kinabisihan ko kanina, mga halaman ko sa bubong. Nilagyan ko ng oregano plant yun tanglad na tanim ko kasi binabahayan ng langgam, dyan namatay yun tanglad ng pinsan ko dahil sa langgam. Sana effective, tinaniman ko na sya ng kapiraso bukod sa binudburan ko. Di pa marami yun oregano ko, magpaparami din ako nito bukod sa aloevera plant.

@Ghie4945

Lunch kanina,pakbet na walang halong meat, puro gulay lang sya, tapos may kapartner akong Fishda at Pepsi hehe. Si mader magmimirienda sana ng macaroni spagetti, kaso pagtingin nya wala na pala, inubos ng kuya ko nagustuhan, yun lang walang mamirienda biscuit na lang. Dahil busog pa naman ako di na komagmimirienda maybe dinner na. Makaligo na rin soon pero nakakaantok panahon haiz...

@Ghie4945

Minirienda namin kanina, medyo sunod luto ko pero ayos lang, gusto ko kasi medyo luto yun loob, tapos yun sauce natira lang namin na ginawa nun isang araw, ok pa naman dahil may suka, dinagdagan na lang ng suka para dumami.

@Ghie4945

Makakakain na uli ako ng cake bukas, dahil birthday ng anak ng pinsan ko 10th years old na sya, dun na kami manananghalian at hapunan na rin siguro baka may take out paπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚.

@Ghie4945

Umagang kay ganda,Eto bisita mode uli sa mga halaman di pa nagaalmusal. Makapagpa araw din paminsan minsan.

@Ghie4945

Magugustuhan to ng inaanak ko sa pinsan,mamaya sunduin kami ng sasakyan ng pinsan ko at dun kumain sa birthday sa pananghalian😊

@Ghie4945

Kain guys, breakfast langgonisa at mainit na chocolate.

@Ghie4945

Tagal talaga ng kuya ko maligo,mayamaya nandito na pinsan ko, susunduin na kami,konting pasensiya lang.Inip na ko talaga. Ang init pa ng weather sa labas,maya maya uulan na. Eto na nga, ngayon lang lumabas, mabuti at nagkanin kami ng almusal, sakto lang pagdating namin dun sa may birthday hehe😊😊😊

@Ghie4945

Mukhang di pa nga ata kami matutuloy dahil yun susundo samin, medyo masama pakiramdam. Sabi ko magpahinga na lang muna, kung di kaya eh wag na lang kami sunduin.

@Ghie4945

Haiz, salamat dumating na din,maya na ko magcheckcheck kaingay, punta muna ko sa birthday ng inaanak ko sa pamankin. See you later.😊😊😊

@Ghie4945

Traffic kaloka, bakit kaya 3:21pm lang naman, nagtext na isa ko pinsan, nandun na pala sila.

@Ghie4945

Dami din handa, sakto lang para sa mga bisita. Kami kami lang naman bisita. At ilang mga bata.

@Ghie4945

Nakauwi na rin ng busog, may take out pa ng konti haha,wala ng luto this dinner, matutulog na lang mamaya. Mga alaga na lang pakakainin ng hapunan. Medyo di na traffic nun pag uwi. Pag uwi dun na kami pinasakay sa isa kong pinsan na malapit na lang din bahay nila sa kabilang bayan. Mabuti nagkasya kami sa sasakyan, 5 seaters lang kasi yun,dalawa sa unahan at tatlo sa hulihan. Bali 5 adults and 3kids,kinalong na lang mga tatlong bata.

@Ghie4945

Aga ko nagising, ang init na agad sa kwarto,pagkagising ko medyo barado ilong ko at sinisipon. Makapagchurch sana, pero naisip ko next sunday na lang,di ko dapat tinapat yun aircon sa loob ng sasakyan kaya siguro ko sinipon kahapon at ngayon na nga. Anyway bisitahin ko muna mga halaman ko at makapagdilig then makapagkape naman. Once a week na lang si kape, para di magtrigger migraine ko.

@Ghie4945

Aga ko nagising, pero ngayon pa lang ako mag aalmusal,naglaga ko ng saging na saba para sa almusal. At ngayon lang ulit nagkape.Kain tayo.

@Ghie4945

Di muna ko maglalaba ngayon araw,maaring bukas na,punta ko palengke mamaya may bibilhin lang bukod sa pagkain ng mga alaga kong pusa, wala pang free shipping sa shoppee at lazada,minsan kasi dun ako umuorder. Gamit ang bisekleta ko tutungo ako sa palengke mamaya. Natanggap nyo na ba psupresa ni Meralco every month, naku ganun pa rin kuryente namin walang pinagbago, pero sa iba bumaba daw kuryente nila.

@Ghie4945

Dahil super init ng araw ngayon, dalawang power bank ko at isang phone nman na keypad ang nakacharge sa solar panel ko, sayang yun init ng araw. Wala pang budget sa malakihang set up. Kaya ganyan na muna, atleast nkakatulong sa bawas kuryente.

@Ghie4945

Katapos ko lang kumain ng natirang Menudo kahapon sa handaan,pinagkasya na lang konti na lang kasi natira. Sunday pala ngayon walang "Apoy sa Langit" pinapanood ko tuwing hapon,bukas pa at matatapos na ata yun sa Gma 7. Sa Wednesday pa lakad namin, bukas na ko makaka laba nito.

@Ghie4945

Ano kaya mamirienda,yun maiba naman sana,silipin ko kung may tinda ng cheese stick ng maiba nman, lagi squidball binibili ko sa kapitbahay.Sana lang nagtinda ngayon, sunday kasi ngayon baka wala. Maya maya makapunta palengke, daan kaya ko Primark papasok lang, titingin tingin kung ano bago sa loob, namimiss ko na pumasok dun haha.

@Ghie4945

Nagmirienda ko kanina sa Primark at kumain sa mcdo,dun lang nagmirienda,pagtapos ko bumili ng catfood at saging sa palengke,napadaan na rin sa redribbon bumili na lang ng isang pirasong cheese ensamada at inuwi ko na lang yun isang regular burger pmirienda ko sa nanay at kuya ko, naghati na lang sila. Kakain pa naman ng hapunan mamaya.Namiss ko rin magbike, ingat lang talaga sa kalsada dahil daming trycycle at iba pang sasakyan.

@Ghie4945

Ano na naman kaya uulamin namin ngayon hapunan?Naalaala ko nun panahon nasa Malaysia pa ko at nagwowork,kapag day off ko ng Sunday ginagawa ko aalis ako ng umaga tapos maghapon at ginagabi na rin ako umuuwi,kumakain na lang sa labas at nag eenjoy with friends dahil next day trabaho na ulit,at minsan lang ang day off twice a month lang.

@Ghie4945

Nanay ko talaga,sabi ko ang pambansang ulam itlog. Sabi bukas na lang mag ulam, di pa pala ulam to sabi koπŸ˜…. Gusto nya kasi gulay, wala kasi dumaan na naglalako ng gulay ngayon araw. Sarap kaya ng itlog tapos may sibuyas at kamatis. Tena kain tayo.😊

@Ghie4945

Grabe tong batang to sa KMJS,sa lakas 8 years old lang ata to, kaso nakakatakot baka di na lumaki o maluslusan.

@Ghie4945

Nakitulog ulit ang aking pamankin,request nya ay buksan ang aircon,dahil marami sila sa kwarto,kaya ayun nakitulog ulit samin... Medyo mainit nga naman ngayon,kakatapos lang ng cut off ng meralco bill at nakapagreading na,pero di pa kami bayad sa bill hehe. Goodnight kaingay.Silip lang.Bukas sure na paglalaba ko.Laba dami nanaman,at daming trabahong bahay.

@Ghie4945

Morning,sarap ng tulog ng pamankin ko,dahil bukas aircon kagabi hanggang paggising,may timer lang para auto off. Magbreakfast pa lang,pagtapos saka maglalaba,then kapag inabot ng "Apoy sa Langit" stop muna matatapos na kasi yun afternoon primetime sa GMA7. Silip muna ng mga extra income sa cellphone.

@Ghie4945

Masarap ngayon yun niluto ni mader na macaroni spagetti,dahil may keso kahapon mayron keso pero may gatas na condensed milk,pero walang hotdog,corn beef lang halo,sibuyas at bawang,konting asukal. Agahan at tanghalian na kain ko nito,napadami kain ko.😊😊😊

@Ghie4945

Babad muna,panoorin ko muna"Apoy sa Langit" sumasabay sa init ng panahon ang palabas sa tv. Ang sarap kumain ng palamig,like Sago gulaman o kaya Halo-halo, saan kaya nakakaorder dito samin ng ganun. Di pa ko sinisipag para pumunta ng palengke para maggawa na lang ng sago at gulaman tapos gawa na lang ng arnibal at yelo. Kumukulog ata, mukhang uulan matapos umaraw.

@Ghie4945

Nakakainis...wala nga yun "Apoy sa Langit"off na ulit Tv.,tuloy na laba πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Magsasalita nga pala si BBM ngayon,yun pa napili alisin ngayonπŸ˜…

@Ghie4945

Tena, kain tayo guys,maaga ko nagutom ng hapunan,katapos lang din ng labahin ko. Kumain na, para maaga makapahinga sa mga gawain.

@Ghie4945

Malaki yun nabili kong saging na lakatan kaya ayun naghati na lang kami ni mader. Sabi ni mader dapat katamtaman lang laki binili mo para marami,wala na nabili ko na next time na lang.

@Ghie4945

2nd day night airconπŸ˜…, patay nanaman kami sa bayarin nito, pero masarap naman talaga matulog na bukas ang aircon haha. Sana matutunan ko magkabit ng Solar setup ng malakihan, pero bigla din malakihan din gastos sa pagkakabit nun.

@Ghie4945

Agang gising ng pamankin ko, nainitan na daw sya kaya bumangon na, maaga kasi nakaset off ang aircon 5am pa lang ata naka auto off na. Mainit na,time nman para paliguan mayamaya mga alaga. Magbreakfast muna.Medyo masakit ulo ko paggising ko,siguro malapit na period ko.

@Ghie4945

Tena breakfast pa lang, puto na may keso,niluto ni mader sa lianera ng lecheplan. Busog nanaman😊😊😊

@Ghie4945

Konting push na lang makukuha ko rin yan 10$😊😊😊

@Ghie4945

Napaliguan ko na this morning mga alaga ko pusa at aso.Ang dugyot nila tingnan kapag bagong ligo towel lang kasi at walang blower, para mapreskuhan naman sila sa sobrang init. Bawal daw paliguan pusa kasabihan daw noon ng matatanda,dahil may dadating daw na sama ng panahon haha,dami nga iba ibang shampoo na mga pusa ngayon at bath accessories na makikita sa lazada at shoppee hehe. Nakalinis din ng floor kanina sa terrace namin,daming itim itim na dahil sa lupa at alikabok.…

@Ghie4945

Nahuli na sila ayan na"Apoy sa Langit"

@Ghie4945

Kanina bumili pamankin ko ng Selecta Corneto icecream cone yun tig 29 pesos sa AlfaMart,ayun nainggit kami,bumili din kami tig 29 pesos kami ng Brother at Mader ko, isang flavor lang pinili ko cookies and cream,3 flavor na lang kasi natira yun dalawa Caramel at Chocolate. Super duper init ngayon dito,wish ko naman umulan dito samin feeling ko nanaman yun migraine ko.

@Ghie4945

Dahil maagang aalis bukas, need ko wag magpuyat ngayon, pero nakaidlip na ko kanina, malaan kung dalawin ng antok. Wala pa ko maipost na pagkain,ewan ko ba lagi ko nakakalimutan,naaalala ko lang kapag naubos na hahaπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… Anyway, nagSardinas na lang ako ngayon gabi Young Town Chili Sardines.

@Ghie4945

Morning,katapos ko lang maligo at hinihintay pinsan ko sa pagdating dahil may pupuntahan kami. Kala ko nahilo na ko,lumindol pala.

@Ghie4945

Byahe mode muna,papunta PGH,may kukunin lang documents para makadiscount sa Laser sa mata ni mader.

@Ghie4945

Kala ko di na mag rurun,eto na nga update,nun isang araw lang aq nagsign up,walang ginagawa,7. something,ngayon nasa 15 na.

@Ghie4945

Nakakain na din at nakauwi na,buti umabot ako sa inaabangan kong patapos na palabas. Naku, wala nga lang nangyari sa lakad namin, pano dapat pa pala ischedule appointment sa online, di rin ganun kadali kunin yun OR Technique,may online interview pa, kaya ending umuwi na lang.

@Ghie4945

Dami kong pagod, bukas na lang ulit ako bibisita, need ko gumising ng maaga ulit para magpa appointment online,sana umabot sa 500 na slot nila per day, para makuha ko na yun documents na need kunin. Di ko pa natitiklop mga nilabhan ko nun isang araw, umalis kasi kami, dami inayos sa bahay pagdating.

@Ghie4945

Maagang gising, tinanghali ko gising, di na ko nkaabot sa 500 cut off puno agad ang slot.7:58am pa lang. Grabe naman,ang hirap kumuha ng documents at appointments dito sa website nila.

@Ghie4945

Update...pang 3 days no invite walang ginagawa... Waiting for 30 days sa makukuha😊

@Ghie4945

Breakfast this morning,Nilupak na balinghoy,ginawa ni mader binilog nya hehe.Late post ko na,dami kasi ginawa sa bahay this morning. Kapagod maglinis ng bahay,exercise na yun maglinis ng bahay, magmap ng sahig,bukas na ulit tuloy yun iba.

@Ghie4945

Now naman, tiklop ng damit na nilabhan ko nun isang araw pa,di maasikaso alis ng alis at dami din ibang inaasikaso hehe.

@Ghie4945

Kain tayo guys, cornbeef na may patatas,ginisa sa sibuyas at bawang...Happy lunch.😊😊😊

@Ghie4945

Humingi ako sa kalapit bahay namin ng oregano,onti pa lang kasi oregano ko, nilagay ko sa sa plastic bottle, wala kong vase kaya dyan ko na lang nilagay. Para panakot sa lamok. Lagay ko sa Kusina namin at Kwarto. Wala pa sa Sala, next time lagyan ko.

@Ghie4945

Humingi din ako ng Tanglad para sa pinsan ko, humihingi kaya dalhin ko bukas,inayos ko muna bago ko dalhin,nilagyan ko rin ng serpentina at dalawang pirasong citronella grass.

@Ghie4945

Nakatapos din ng gawain, busy whole day dami ko ginawa,lagi ko mapapaaga ng gising nito kakacheck ng web site na yun,para icheck kung abot pa sa quota nila sa 500 slot nila,per day sabi nun bantay dun. Sana lang mkakuha na ng appointment,daig pa yun slot ng SSS at Passport nila sa bilis mapuno.

@Ghie4945

Goodmorning,Tena, breakfast tayo kaingay.Maulang morning, tama yun ulat sa telebisyon uulan ngayon umaga.

@Ghie4945

eto na nga guys,iwiwidraw ko na sya, ilan days kaya to makuha, need pa ng apperance video to widraw,kailangan ba english sa pagpapakilala dito sa mga nkatry na magwidraw dito😊😊😊,may 1 month ko din to pinagtyagaan hehe

@Ghie4945

Ayan nilagyan ko ng oregano plant yun loob ng c.r. namin bukod sa kusina namin,kwarto at sala. Mukhang effective naman, wala ko makitang lamok, mabango pa yun c.r. namin😊

@Ghie4945

Mainit na uli panahon dito samin, matapos umulan kaninang paumaga na ng 4am. Nakakaantok na araw, hinihila ako sa higaan,pagkatapos ng nakalipas na pananghalian namin. Last day na siguro ng "Apoy sa Langit". While si mader nakikinig naman ng Am Radio sa "DWW syete syete kwatro, puro mga old song na nakakaduyan sa higaan haha.

@Ghie4945

Tena mirienda tayo kaingay,di na nagtitinda ng tuhog tuhog yun kapitbahay namin,may iba na sigurong sideline.

@Ghie4945

Haiz tinamad na ko dalhin yun tanglad sa pinsan ko,malayu layo din kasi yun kanila samin,nagpupunta ako dun sakay ng bisikleta ko. Sipagin sana ko gumising ng maaga bukas para madala na sa kanya yun tanglad. Anyway pahangin lang sa kwarto.

@Ghie4945

Bakit ganun no?yun feeling mo inaantok ka pero kapag humiga ka naman, di ka naman makatulogπŸ˜…. Tumataas pa rin ba Crypto? How i wish para mabawi nman nalugi sa Coinbase ko😊

@Ghie4945

Ang laki na ng bebe Creampuff ko hehe

@Ghie4945

Bugbugan na naman dalawang bebe ko haha

@Ghie4945

Morning kaingay, gandang umaga,kagising lang at nag iinat inat pa,sarap ng weather, di mainit, di rin malamig tama lang yun feeling😊😊😊. Saturday,need kp na bumangon at magbreakfast,di namin sinara ang kwarto, di nman nanggulo mga furbabies ko, may mga times lang patakbo takbo sila sa loob ng kwarto, at naghahabulan ang dalawa. Makapagbisikleta pagtapos ko mag almusal at pumunta na sa karatig bayan para dalhin sa pinsan ko yun dapat ko dalhin sa kanya kahapon pa dapat.

@Ghie4945

Bihira lang ako magselfie, ang taba ko na pala haha.padaan po.Good morning.😊😊😊

@Ghie4945

Nakakain na rin sa wakas nito haha, pero dahan dahan lang din, malutong nman sya. Sarap nito habang nanonood ng movies,kutkutin hehe😊😊😊 20 pesos na pala benta nito ng mader ko.

@Ghie4945

Kain tayo guys,sopas para sa maulan panahon.Happy lunch satin😊

@Ghie4945

Dahil makulimlim pa rin,di nanaman tuloy pagbibike ko,mahirap na magbike baka biglang kumulog at kumidlat pa,abutan pa ko ng ulan sa daan. Kaya maigi pang ipagpabukas na lang ulit.Makaidlip na lang pagtapos manood ng tv.

@Ghie4945

Tinuloy ko na din yun pagpunta ko kanina at dinala ko sa pinsan ko yun tanglad at serpentina plant.binigyan nya ko ng Potos plant,mabuhay kaya sya sa tubig,o ilipat ko na rin tong isa sa lupa. Tapos yun snake plant binigyan ako kulay green, ang gusto ko sana hingin yun may kulay stripe na dilaw sa gilid,mayron sya nun kaso sabi nya regalo daw sa kanya yun, iba yun binigay nya sakin maliit pa na kulay green na snake plant mayron na kami nito,sabi nya kapag lumaki daw to…

@Ghie4945

Eto yun snake plant di napasama sa naunang post ko hehe. Buti di ako inabot ng ulan kanina ng magbisikleta ako. Bibili pa ko ng paso para mailipat eto,problema ko naman yun lupa,nanghihingi lang kasi ko ng lupa sa mayron hehe.

@Ghie4945

Nakapagkape ko nitong hapunan,maulan kasi kanina sarap magkape,hapunan pa rin namin yun sopas,ulam namin nun tanghalian, pati mirienda na din. Mukhang gising na gising pa rin ang gabi ko hopefully makasimba pa rin bukas. Kumusta na kaya ang crypto ichecheck ko pa lang.

@Ghie4945

Dahil maulan ngayon, uso nanaman sipon, kaya eto sinisipon nanaman ako. Inumaga na ko sa pagtulog, dahil siguro yan sa kape gising na gising ako kagabi haha,tapos sinamantala ko na free shipping ko sa Shoppee,umorder ako ng ireregalo sa isa ko pang inaanak sa pinsan. Magbirthday ngayon August 10. Nag almusal na lang ako ng Bravo biscuit at Milo naman this morning Ngayon kakain naman ng tanghalian,maya maya na ko kakain.

@Ghie4945

galing 45 pesos na sya...let me see kung makawidraw nga ko ng 500 pesos dito. May nakawidraw na ba dito nito...😊😊😊

@Ghie4945

Kain tayo guys, happy lunch time" Nag iisang ikaw" Daing" may tinapa pa yan.maya ko na kunin.😊😊😊

@Ghie4945

Kain tayo guys,dessert lang, onti lang pinaghatian na namin,bigay ni mabait na kapitbahay ginatan,wala lang bilo bilo.😊😊😊

@Ghie4945

Sa tingin ko makakatulog ako ngayon,dahil di ako nagkape haha. Kahapon gising na gising ako uminom kasi ko ng bandang hapon na kaya ayun 4am na ata ko nakatulog kanina haha. Bukas pala need ko agahan gumising para nanaman sa slot,i pray na matapos din to at makuha ko na yun need ko na documents.

@Ghie4945

Umagang kay Ganda.Haiz sarado pa ang website,di pa makapagpa appointment. Kasarapan ng tulog 5:30am nag Cr,balik pa ba ko ng tulog nito.Panigurado magising na ko nito tanghali na haha.