read.cash Log in
@Ghie4945

@Ghie4945 in May 2022

@Ghie4945

4 months na creampuff ko may fur babies,nakakatuwa na talaga sila ni katkat super kulit nila.

@Ghie4945

Sakit daw ng ulo ni creampuff sa init ng panahon,mag 5 months na sya this coming May 25.Nakakatuwa na makulet, tuwing gabi habulan sila ni Katkat ng kanyang Tita Mami haha,at kapag ganitong tanghali naman yun ang panahon na tulog time nila.Trabaho nila night shift hehe.

@Ghie4945

Yun doggy namin na si Champy,maedad na malapit na ata to sa 15 years medyo malabo n mata nya pero malakas pa rin kumain.

@Ghie4945

Birthday ni mader kanina at the age of 76th years old at super happy nya,thank you sa super nag effort na magprepared ng handa nya sa birthday,at sa cake na sya din gumawa,dun din namin sinelebrate birthday nya sa bahay ng pinsan ko.Happy birthday💕💕💕❤❤❤

@Ghie4945

Di kaya kami malasing dito haha, may bigas na pala ang Red Horse, kumusta naman ang lasa ok naman isaing, di naman pala nakakalasing fake pala to haha,nabili namin yan nun isang araw, pangkain at pambenta rin sa tindahan ng per kilo.

@Ghie4945

Ganda nun niregalo ng Tito ko sa mader ko pabirthday sa kanya, mahal din pala yun ganito na solar panel with light nasa 2k daw bili nya.Napakabait talaga ng tito ko dami ng nabibigay nun samin basta kumita yun ng malaki laki sa trabaho nya bigay ng bigay.

@Ghie4945

Kung titingnan napakasimple ng ginawa ko pero pinawisan ako mabuti,pag screw sa magkabila di pa sagad wala kasi ko drill then tinali ko na lang magkabilang side ng solar light,yun solar panel naman pinatong ko na lang sa ibabaw ng bubong,hinarang ko na lang ng bato para di dumausdos incase umulan ng malakas may support.

@Ghie4945

Ang ganda,ang liwanag,yan na yun maximum nya, pwede din bawasan yun liwanag nya, maganda pa dyan pwede mo i automatic na mamatay pagdating ng umaga, tapos automatic magsisindi ng gabi.Tipid pa sa kuryente,makakabawas sa bill ng kuryente ko.

@Ghie4945

Kakagising ko lang, sarap ng gising ko bukod sa di masyado mainit, yun kwarto ko sinarado ko para di makapasok mga alaga kong pusa, anyway eto nga pala yun back cover ng electricfan, kahapon kasi nagbenta kami ng plastic bottle sa nangangalakal hanggang sa nakita ko yun sirang electricfan nya binili ko ng 20 pesos na yun pinagbentahan ko ng plastic bottle nabalik lang sa kanya, hinugasan ko na lang, mamaya ikakabit ko yan sa electricfan namin sira na kasi yun back cover nun…

@Ghie4945

Ayos na katawan na lang papalitan,sayang yun katawan sana binili ko na rin kaso inaalala ko kung paano ko ikakabit at kung mag fifit cya sa small electricfan ko, tagal na to 18 years old pa lang nabili ko na to,ngaun ilan taon na ko mag 40 na ko sa dec. hehe, first electricfan na nabili ko sa first job ko noon,ang tibay nyan never pa yan narepair yun motor nya.

@Ghie4945

May mga natirang buto si mader ko na ibibigay nya nman sa pinsan ko parang gift na rin sa birthday nya,nahingi ko lang to sa munisipyo namin ng agriculture. Next punta ko hihingi ulit ako, naubos na yun buto ng petchay ko.

@Ghie4945

Nakakatuwa talaga tong binigay samin ng tito ko na ilaw, dami mong pwede pagpilian na kulay, pwede pang party party haha,iba ibang kulay parang christmas light, tapos pwede mo hinaan o lakasan yun bright nya,pweDe rin steady lang.

@Ghie4945

Eto naman si creampuff na sarap na sarap ng tulog kahapon na medyo maulan ang panahon, ginawang unan yun bato haha

@Ghie4945

Ayun buti pumasok, waiting na lang pending pa sya nasa 206 pesos din to.Malalamanan din coin ph ko tagal di nalagyan.

@Ghie4945

Eto yun dinner namin kanina tortang talong,may halong kamatis at oyster sauce bukod sa talong at itlog.

@Ghie4945

pumasok na rin yun pay out ko kanina sa wakas.

@Ghie4945

Namiss ko na mini loptop ko,haiz di ko pa mapaayos sira yun sound at madali na rin malowbat battery,may pera nman natatabi pero syempre maraming mga dapat unahin na pagkagastusan.Pag ipunan ko na lang pampagawa nagagamit pa naman.

@Ghie4945

Lakas ng ulan dito samin ngayon hapon,at kasama ko ngayon sa kwarto ang makulit kong alaga.Wala syang pakialam sa lakas ng ulan,samantalang si Katkat nagtatago sa ilalim ng lamesa.

@Ghie4945

Tena breakfast,biscuit at coffee tayo,tapos nito may lakad me, samahan ko si mader sa kanyang social pension.

@Ghie4945

Morning.nakabreakfast na ba ang lahat, ano ba mga ganap ngayon.Anyway pupunta ko palengke gamit ang bike ko para bumili ng mantika at itlog na pambenta sa tindahan nmin at pangkain na rin sa araw araw.

@Ghie4945

Nawili nanaman ako kakaFb makikiMarites lang naman about sa mga Ganap haiz haha.Sa totoo lang wala naman kikitain sa pakikiMarites,pwera lang kung may pera talaga😅.Ano na ba update? di ko pa nasilip wallet ko dito.hehe.

@Ghie4945

Kala ko pa naman ok na Gsave sa Gcash ko,ganda pa naman nun bagong gawang apps ng CIMB, kaso mukhang mas di ok.Kailangan talaga may back up ka na ibang bank account dahil di talaga maaasahan ang Gsave sa oras ng pangangailangan, laging maintainance sila ever since pa ang CIMB.

@Ghie4945

Practice lang haha...wala pa eh...excited...lang...Pero actually may natira pa sa account ko kanina pinay out ko na yun natira ko 0.02 transfer to coin ph ko waiting pa pumasok.

@Ghie4945

Tena kain tayo,ulam ng mahirap ginisang dilis na may upo.Lunch time muna saka gawin extra extra,pagkakain di dapat antukin, mukha kasing nakakaantok panahon makulimlim at paambon ambon.

@Ghie4945

Share ko lang yun breakfast ko this morning. Saging na saba at coffee,late upload lang may kinabisihan.Ayoko sabihin na plan ko maglaba kasi di natutuloy haha.

@Ghie4945

Tagal na tong headset ng cp ko,pati cp at charger nito ok na ok pa rin,kahit dami nya ng tape dahil sa wire nya,iba talaga kapag original na gudgets binibili at sa pag iingat din tumatagal ang gamit.

@Ghie4945

Binigyan ako ng pinsan ko ng bluberry jam,sarap bagong gawa nya, ang kaso nasobrahan ata sa kunat ayaw dumikit sa tinapay,tawang tawa ko sa nanay ko sabi nya makunat pa raw sa kanya 😂

@Ghie4945

Mga alaga ko alert na alert tuwing gabi para manghanting ng daga at ipis,yun ang favorite nila at madalas nila hulihin sa loob ng bahay, dangan lamang na ipis na lang marami at di maubos ubos,daga wala na sila mahuli.

@Ghie4945

Late na natulog pero napaaga gising,ginising ako ng mga alaga ko gutom na daw sila kinakatok na ko sa kwarto namin,pagkakain nila sila naman daw matutulog dahil duty nila kagabi hanggang umaga😅.Need na din maglaba tambak na si labada hehe.Kaya babangon na ko para mag almusal.

@Ghie4945

Napagod ako dami ko nilabhan, di pa ko nakaligo,baka bukas na lang.Nakapahinga din around 5pm,nakamirienda na rin.

@Ghie4945

Binigyan ako ng friend ng friend ko,sariling gawa nya na skinless longganisa,nagutom tuloy ako kaya nag saing na agad ako para matikman,amoy pa lang nakakatakam na,patikim nya dahil magbebenta sya ng longganisa sa tropa nya at mga kakilala nya rin.

@Ghie4945

Sya nga po pala si Creampuff, yan po hilig nya ang bumukaka lagi at nakatihaya kapag nakahiga,bawat pusa may kanya kanya talagang personality no...favorite nya kumain ng catfood,fish at chicken,super kulit takbo ng takbo.Di sya malambing pero mabait sya,di nya bet ang kinakalong sya,karga ok lang sa kanya no choice na daw eh haha.Maliit lang din sya ngumiyaw.Sya lang kaligayahan namin dito sa bahay dahil walang maliit na bata hehe.

@Ghie4945

Eto nga pala almusal ko kanina,naku kagabi inatake na naman ako ng migraine ko mild lang nman until now,super init na init ako kagabi kahit naligo na ko nabuksan ko tuloy aircon namin nkaset ng 5 hours tapos electricfan na nun.

@Ghie4945

Eto pala tanghalian namin kanina nilagang baboy sarap.Kala ko mag aadobong manok si mader pero sabi nya kasi pinautang sya nun kilala nyang nagtitinda ng gulay.Pinautang sya ng karneng baboy at mga sahog sa gulay kaya eto sarap ng kain namin kanina.

@Ghie4945

Minsan dumadaan talaga ako sa 12 hours post at chinecheck ko yun di nabibiyayaan,kasi feel ko yun walang narereceive o mas kaunti, kaya mas feel ko sila bigyan,bukod dun sa mga regular na talaga nagbibigay ng blessing.Daan lang muna saglit.Then gawin na mga raket sa pc at cp.😊

@Ghie4945

nagutom ako, kumain na ko isang kabiyak na suman pero parang gutom pa rin ako kaya napabili ako ng squid ball ulit sa kapit bahay with spicy sauce.