Kumusta na ba sa mga Malls, super namimiss ko na pumunta dyan, yun kahit wala ko bibilhin, tatambay lang o kakain, mag iikot,mag wiwindow shopping pang alis bagot at iwas din kapag may problema sa bahay...tapos dami kang makikitang tao, minsan bigla ka makakakita ng old mate mo,matagal kayo di nagkita,nagkamustahan...nakakamiss ng ganun...π
@Ghie4945 in October 2021
Namiss ko adobong atay ng manok.Tena kain tayo.π
Nakakamiss na yun ingay sa labas,yun pchristmas sound tapos bonding kakain sa labas,may mga presentation...sa mga Malls,ngayon pala konti pa rin tao...haiz...
Sa ibang lugar daw umuulan,while dito samin sobrang init ng panahon,yan pa naman pinaka wish ko umulan para lumamig lamig naman sa pakiramdam, hindi ko talaga bet ang Summer...
Nyahaha, eto ba yun storya ng squid game hehe,di ko pa rin napapanood yan...lahat daw namatay sa game,isa o dalawa lang daw natira haha #Photonotmine #Ctto
Makapagmovie marathon nga muna nababagot na talaga ko sobra, pa expired na data ko, bukas,yun ang pinaka nakakalungkot at masaklap.
Mga ganitong movie talaga gustong gusto panoorin at ulit ulitin...Maria la del Barrio, mga palabas ni Thalia noon.The best talaga.
Sa wakas natransfer ko na din at nconvert,ma ipang eeload ko na ulit to,para maging pera na ulit..
Tama ba tong nababasa ko "No Kids allowed" mga bata pa naman ang pinapasyal sa mga ganito...puro matatanda lang maglalaro dito,,,boring matatawag...ππ π π #ctto
Ngayon pa lang maliligo,makapaghot bath,nawili sa kakapanood ng movie.para masarap tulog mamaya.Dinner nanaman.
Yun sister ko na ineencourage na ko magpaVaccine na kami,eh kaso lang may halak pa ko kaya ayoko pa,yun may ubo ubo pa rin ako hanggang ngayon,parang may bara pa rin sa lalamunan ko,ayaw ako lubayan,tapos yun mader ko takot pa rin dahil sa side effect,gawa naman ng high blood nya.
Dahil kaunti na lang natira na ulam namin kanina tanghalian na adobong manok,itinira na lang namin sa dalawang aso namin,ang pusa naman may cat food na,kaya mag iitlog na lang daw kami, either scramble egg ang ulamin namin ngayon.
Baka sa vaccination site ko na mahanap ang forever ko,may ilan taon na rin ako nakakulong sa bahay namin hahahaπππ ay cya pano naπππ
Ano bang masarap na katerno ng kape,kakatapos ko lang maghapunan,gusto ko sana V-cut di nga lang nkabili yun tagabili naminπ
Di na umabot sa iba yun paheart ko bukas na ulit...pinapatulog na rin ako dahil mag uumaga nanaman ang tulog ko...epekto ata to ng pagkape ko kanina,pero mukhang paantok na rin naman.π
Ngayon lang ako nagising nag over time nanaman ako kagabi sa extra extra ko kaya late na rin almusal, di ko pa nasisilip ang crypto kung tumaas na ba.. Let me check nga ngayon.
Guys ganito lang ginagawa ko para di sayang Data ko sa Go+99 or other promo,kapag malapit na maexpired data ko.mag aadd lang ako ng atleast 35 pesos para maextend ng another 15days, kaya lang minsan nakakaligtaan ko inaabutan ng lagpas expiration di ko na eextend,mamaya expired na kasi data ko ng around 2pm, sayang yun natira ko pa data na nasa 2Gb pa,plus yun gowatch ko pero yun dina mapapasama sa extension.
Kanina pinapanood ko "Fear Street 2" ngayon naman "The Mummy" kaso lang napanood ko na pala to kaya iba na lang.Focus na lang muna ko sa paextra extra ko.Naliligo pa rin naman yun kuya ko na nagpadownload ng mga movies sa sa pinsan ko.
Haiz,salamat umulan na rin dito mababawasan ang init ng pakiramdam ko...magkukukot habang gingawa ang extra extra,while kasama ko ang makulit na kuting ko,kailan kaya ako magkakaron ng extra phone ulit yun malaki ang storage para pang back up kapag nalolowbat, para tuloy tuloy ang raket ko.π
Katakot lang din ang lakas ng kulog,ulan na lang,wag na kulog,natatakot din si Katkat ko, kala nya kung ano na talaga.
Guys,wag nga pala kayo magbubukas ng tv plus or affordabox nyo kapag may kulog o kidlat baka dagitin kasi,masisira o nakakasira ng affordabox at tv plus,yun sa kapitbahay namin ganun bigla na lang nasira.
Nawili nanaman ako sa kakatutok sa cp at loptop ko, kahit nakacharge gingamit,hugot lang kapag sadyang mainit na,may goal kasi ko na mameet ko man lang yun 1k sa katapusan kaya sinisipagan ko talaga sa lahat ng mga pa extra extra ko,sayang lang nun halos 1week na ntrangkaso ako talagang bihira ko lang masilip cp,ang loptop ko nman di ko nagagalaw noon,pero ngayon naman ok na ko for recovery na talaga,basta minsan minsan pa rin magsusuob ako, laking tulong talaga yun saka yunβ¦
Mag Lucky me noodles na lang daw kami dahil yun ulam namin kanina na Adobong Manok na may atay,di na kakasya samin tatlo,para sa aso na lang yun natira. Sayang kanina may nag alok sa mother ko nagtitinda ng Daing na Bangus yun binabad sa suka, kaso lang kulang na yun pambili nya kaya ayun di kami nakabili,nasa 100 pesos lang naman medyo mura na rin.Ganun talaga next time na lang.Gabi naman ngayon, bukas kakain ulit,mag iipon nanaman pambili ng ulam.
Flex ko lang yun ulam namin kanina.Adobong manok with atay na natira namin kanina tanghalian then blessing may mabait na kapit bahay namin na nagbigay ng shomai,at dahil walang kalamansi,ang nilagay ko na lang sa toyo, dalawang slice ng dalanghita,ok nman masarap din,nabawasan yun alat ng toyo,di na natuloy magluto ng noodles,nagkasya na samin yun ulam,may natira pa rin ulam ng aso bukas
Habang ginagawa ang extra extra,at nanonood ng tv,eto nagkukukot ng V-cut favorite ko to kaso tumatagal kumukonti na laman.
Time check 2:13 am, inumaga nanaman sa pa extra extra...now time to rest naman, bukas na ko magchecheck ng mga pahearts ko.nyt.muna, sweet dreams everybody.
Kapagod magcheck this morning, sana wala ko nakaligtaan sa pinagkakautangan ko ng loob, di pa tapos mamaya balikan ko ulit.Late gising nnaman,late breakfast na rin.Mauna nanaman mag lunch si Mader.
Ngayon pa lang ako kakain ng lunch.Ano kaya ulam namin ngayon matingnan muna.Ayun isda pala ngayon ulam namin,mamaya iisipin nnaman uulamin namin kapag walang natira sa ulam namin ngayon.Walang kamatayan isda na ginisa sa itlog.hehe.Tena lunch.Sarap nagbabadya nanaman yun panahon na umulan.
Ang dami kong pagod ngayon,nagttype lang naman ako pero nakakapagod din maghapon nkaupo hinahabol ko yun Data ko na isa yun ptreat ni Globe hanggang 5pm n kasi to no extension na ubusin ko lang to then dun naman ako sa promo ko na paexpired naman ng 15days.
Sino na kaya dito nakasubok ng Hotbit sa apps store, trading ba ganap dun, pano ba laruin yan...may puhunan kaya. May loss din kaya ?
Eto nnaman tayo guys,ipunin ko muna saka ko ipay out to.Ubos na kinakain ko sarap kumain.Nakakabili ng kukutin katas ng mga ginagawa ko.tyaga tyaga lang talaga kaysa nakatunganga lang sa bahay.
Time check 12:02 pm,Lunch time nanaman kakaalmusal ko lang kanina, sana matuloy na laba ko mamaya,medyo lumamig sa pakiramdam dahil umulan kagabi sarap sa feeling.eto ngayon nasa kwarto ako mayamaya pa kakain,ano kayang luto ginawa nya sa isda,wala kasi nagdaan maggugulay,ayaw nya kasi ng prito kasi tuyong tuyo daw gusto nya may sarsa o may sabaw man lang.Happy Lunch sa mga nag Lulunch na dyan.
Laking tulong talaga sakin to,kinakain ko lang o babad sa mouth kapag matutulog na,pawala na rin ubo ko, bawal daw kasi magpavaccine ng may ubo o sipon kaya sabi ko kapag nagpavaccine ako,pagpunta ko diretso vaccine na agad basta nasa kondisyon katawan ko,kaya di ko bet magpaschedule.
Mukhang tatamarin nga ata ko maglaba ngayon,pati paliligo,pero need ko na maligo dahil di ako nakaligo kahapon,mag iinit na lang ng tubig para warm water paligo ko,maaga ko makakapaghapunan nito,di nakapag mirienda ngayon.
Bakit kaya ganun na tunog ng eroplano kapag dumadaan sa bandang lugar namin,parang nagprepreno na ang tunog parang tinutulak o inuusog na wooden chair sa semento...Hinahanap ko yun tunog nun una, eroplano pala yun.
Noon bet na bet ko magbasa ng mga libro,pocketbooks,song hits,komiks,magazine at dyaryo,pero mula ng nauso mga gadgets na afford na bilhin ngayon ang mga touch screen na makakapag internet kana,pati computer kahit 2nd hand makakabili ka na rin, nabaling na talaga atensyon ko,tapos makakaearned ka na rin ng pera thru internet.
Dahil sa tyga at pagsisipag eto na earning ko this month of oct.may di pa ko naipapasok sa earning ko sa ibang site,tuloy tuloy lang para malaki laki earning ko this month of oct. end. Siguro yun iba dyan mas malaki pa earning sakin, di ko pa kasi lam pano magtrade at takot din ako sa ganyan risky daw kasi kaya puro free site lang ako,yun walang puhunan effort lang talaga.πππ
Katapos ko lang makinig sa online radio box ng "Gabi ng Lagim" nakakapangilabot talaga yun may ari ng boses na yun,ngayon naman music music naman ng mga old song.Listen din ng mga love confession sa mga pm radio channel,while online typing.
Parang inaantok ako sa mga kanta hehe,pero ang gaganda talaga ng mga old song,pakita ko lang yun ginagawa ko ngayon,tygaan lang na isa pinagkakabisihan kahit maliit lang.π
Time to sign off muna, time to sleep na muna para bukas naman may lakas ulit.Morning na ko magchecheck ulit.Night guys.π time check 1:49am π
Yun di ka pa rin dalawin ng antok mag uumaga nnaman,anyway may nabasa na nga ako sa google about sa facebook and other apps, totoo talaga na down system nila ngayon.Nawindang din ako dito hoefully mamaya pala ok na sana #Photo Source: Google.com #Screenshot
Dami na kasing platform,binigyan ko talaga ng oras basahin yun website na nabasa ko about sa fb and other site. Marami na raw competitors, mukhang matatalo na facebook ng noise and other platform haha,yun pagkaintindi ko,parang ganun na nakikita ko. Pero di rin syempre ako happy kung mawawala facebook and etc. Source: https://www.independent.co.uk/life-style/gadgets-and-tech/facebook-down-instagram-whatsapp-today-b1932059.html
11am na kagigising ko lang rush nanaman ako nito,inumaga na kasi natulog kaya eto late breakfast pa lang ako ngayon.Kinukulit na ko ng alaga kong pusa,gutom na daw kasi sya haha.
Bilis ng oras ngayon pa lang ako magtatanghalian 1 am na, buti na lang nagbigay sister ko ng 1k,kinakapos kasi kami ngayon talaga, di pa rin kami bayad sa kuryente at tubig namin.
Time to say goodbye na sa apps na to tagal ko rin ginamit to at pinagtyagaan,di na kasi ncrecredit yun points ko dito pero buti nclaim ko pa yun points ko na 1k points equavalent nun 50 pesos load din at pumasok nman yun load.
Nakakainis na talaga ngayon yun tv plus namin, kahit sobrang taas na ng antenna nakadikit na mismo sa yero namin,paglipat ko ng channel,bigla na lang mawawala yun ibang channel,need ko tuloy iiscan ulit, wala naman tayong pambili ng affordabox kaya tiis tiis nagana pa rin naman,sayang pambili,pambili na namin ng pagkain yun pambili nun.
Mas ok yun ginagawa ko na nagfofocus ako ngayon sa dalawang mas mabilis ako maka earn kumpara last month,kailangan din pala talaga may goal din para maachieve ko to by end of the month target ko. Go lang ng go...sipag at tyaga lang talaga. Need to sleep na.
Time check 10:27am na pala eto rush nnaman ulit dahil kagigising lang need na mag almusal dahil mamaya tanghalian nanaman,need nnman kumayod para may makain sa araw araw,si mader ko lang talaga maaga magising,makita mo ng naglilinis ng bahay,na dati nagagawa ko pa,haiz ubos na oras sa paghanap ng pagkakaperahan.
Share kolang this morning yun napanaginipan ko na close fren ko na lalake haiz,nagbabalik sa isipan ko yun masayang alaala nmin noon nun magkasama pa kami nun college,saya lang balik balikan yun bonding namin dalawa,kwentuhan tapos nun nagkaron kmi ng camping noon, ang saya din talaga.Ewan ko ba bakit napanaginipan ko nnman sya hindi lang eto yun isang beses na napanaginipan ko cya.
Ang sarap ng feeling maulan ngayon tapos bagong ligo pa fresh na fresh hehe,di pa ko gaanong gutom kaya maya maya pa ko kakain ng pananghalian.
Rest lang muna,maya maya labada day na, binabad ko muna si labada sa Tide powder para mabilisan lang ang laba maya maya.
Yun mini loptop ko na lagi na lang nakacharge.Reresbak ulit kami mamaya pagkatapos ko mag laba, kasama ko yan sa buong maghapon pati cp ko, kulang na lang ikasal na ko dyan haha,natawa ko bigla nun maalaala ko yun lalakeng nagpakasal sa rice cooker tapos nakipagdeborce dinπππ
Ubos na sinigang na manok bago ko pa mapicturan haha.Tapos na isang banlaw na lang labahin ko then sampay na,nakabreak time lang ako.Pakainin ko muna mga alaga ko,gutom na sila for sureπ
Natapos din paglalaba ko balik na ulit sa dating gawi,plus may kutkutin bigay ng mabait na kakilala cassava chip cheese flavor.,while nood ng tv or minsan kapag sawa na online music naman.
Yun mader ko nag ka apo na sa akinπππ,yesterday shot, sarap buhay talaga nito eh, ma attitude talaga haha,gusto pinag hehele,duyan duyan haha,anyway eto kagigising ko lang hehe.Si mader ko tinanghali ng gising,nagloko kasi wall clock namin 9:30am na nagising,chineck ko pa sa cp ko yun time,me naman eto time check 10:17am na,magbreakfast.babangon pa lang.hehe
Katapos lang maligo,kakain pa lang ng lunch,nakabili din sa pinsan ko ng bigas at asukal,binigyan pa ko ng libreng vitamins,eto yun business nila,pagkatapos kumain balik na ulit sa dating gawain ang mag online work while watching tv.
Napakabisyo talaga eh,mamaya energetic nnaman to para maghanap ng daga,wala na daga samin tuloy natakot na sa kanya hehe.
Ngayon pa lang kakain,ulam namin tinolang manok. Ifull charge muna lahat ng gadgets ko para mamaya tuloy tuloy ulit ang reket sa cp at loptop, need mag sipag para mabuhay sa araw araw.πππ
Daming kausap this morning thru phone call at online,medyo nabusy ako this morning,daming gawain.Buti may blessing na dumating kay mader kahit papaano makabayad ng bayarin this month.Medyo agang gising ko ngayon.
Saglit lang ako umalis pero parang ang dami ko ng pagod,pero sulit naman,mamaya aalis ulit para naman magbayad ng mga bills and everything,bili na rin mercury drug and palengke.
Ngayon lang nakaupo sa loptop at cp ko,daming gawain at pinuntahan ngayon,pero sulit naman ang nilakad ko, may panggastos na ulit kami. Focus na ulit sa work, bukas need nman pumunta ng palengke para bumili ng needs.
Time to sleep.time check 11:45pm,dami kong pagod ngayon, kanina nakikipagsabayan ako sa mga sasakyan at motor gamit ng bike ko,dami ng nagsisiuwian kanina around quarter to 5pm,daming tao sa daan din,aga din ako bukas gising,baka may lakarin ulit.Bukas na ulit ako magchecheck.Night everybody sana makatulog agad.
Sana wala ko nakaligtaan this morning time check 9:03am nakahiga pa,ngayon pa lang babangon at mag aalmusal, mukhang pumipitik nanaman head ko to start migraine cause naman to is because my monthly period ako kaya ganun.Bawi na lang mamaya sa iba.
Si katkat ko ayaw magpalinis ng tenga gamit ko cotton buds with baby oil,napakadumi kasi ng tenga nya,kaya kamot cya ng kamot ng tenga,di ko masyado malinisan ang likot kasi nya.
Haiz di pa ko makaalis mainit pa rin sa labas,stay room nnaman ako bukas nanaman aircon namin,nagtaas pa nman kuryente ngayon sabi sa balita,inaantay pa naman ako ng kapitbahay namin dahil may pinapaclaim sakin pera sa cebuana,wala kasi cyang valid i.d.yun lang mahirap talaga ko asahan kapag ganyang mainit panahon di basta ko makalabas ng bahay baka matuloy nanaman yun migraine ko,wala syang choice kundi mag intay kung ano oras ako makakalabas.
Nakapunta na rin kanina sa remitance at palengke at eto kulong lng ulit sa kwarto,kahit noon di ko ugali talaga magtambay sa labas,bahay lng talaga,kung makapunta ng Mall yun lng pasyalan ko noon at palengke,mkkpasyal lng sa ibang lugar kapag naaya ng kamag anak.
Iba talaga kapag natutukan ko ginagawa ko,wala pang kinsenas nakaipon na ko nito,iba pala talaga kapag may goal ka na tinatarget...di tulad nun nakaraan buwan nkkmagkano lang ako.
Yun kanina naka upo ako piling ko inaantok na ko, pero ngayon naman nakahiga na ko mukhang nawala na antok ko,bukas kaya ano nanaman kaya ganap sa buhay,sabi ni mader ko swerte daw si Kat Kat samin dahil may hatid na biyaya,sana tuloy tuloy pa rin ang biyaya,nandito man si Katkat o wala hehe.Its time to sleep.try ko ulit baka antukin na ko.
Ako na lang pala ang gising in 10 minutes time post haha.Lahat humahagok na ng hilik...Lets try again makatulog na rin...Tulog na sa pinas hehe
Time check 10:03am rush nanaman, di ko pa kayo nachecheck lahat. Magbreakfast muna ko balikan ko ulit cp at loptop ko pagkatapos ng lahat ng gagawin sa loob ng bahay. Charge muna lahat ng gadgets ko. Pupunta rin pala pinsan ko mamaya baka magmovie marathon kami. Kapag may bisita bihira talaga ko mag cp o loptop hinaharap ko muna bisita, kakahiya naman di ba na nakatutok ka sa cp o loptop tapos kakausapin ka.
Post lang kayo ng bago para mabisita ko kayo.Now pa lang ako maglulunch,maya maya nandito na pinsan ko pamimiriendahin ko na lang sya, di raw sya dito kakain ng lunch marami pa raw kasi sya gagawin sa kanila, sobrang init nanaman ng panahon, buti nabigyan ako ng vitamins nun isa ko pang pinsan. Si katkat naman laging tulog kapag ganitong oras, sa gabi sya alerto takbo ng takbo sa loob ng bahay, wag lang nya matutunan lumabas baka maging dalagang ina agad sya haiz hirap na.β¦
Himala di pa natutulog ang Katkat ko nagbabantay ng tindahan haha,laking pakinabang talaga eh, powsing powsing pa nga oh hahaπππ
Nakamiryenda din kanina ptreat namin sa pinsan ko,pinakabit namin yun christmas light,sayang naman isang beses lang naman ikabit sa isang taon,bago matulog pinapatay na rin namin para safe,kaysa nakatenga lang,ayos na ayos yun binigay nyang keyboard,di na raw kasi nagagamit sa kanila kaya binigay sakin,yun wireless mouse naman nakabili na sila ng bago kaya ayun sakin ulit binigay hehe.Yan ang bisitang blessing ang dala haha.
Kala ko naman magagamit ko na to,sus kailangan ko pa pala bumili worth 500 or 1k para makadiscount lang ng 50 pesos, ok pa rin talaga sa shoppee, no minimum spend din at mas nadadalian ako gamitin yun apps nila.
Dating gawi time check 10:46 am na nagising ngaun pa lang kakain ng breakfast,paulit ulit lang na ganap sa buhay. Nakasanayan ko na talaga na inuumaga na makatulog.Ok lng nman sa mader ko na late na ko magising nasanay na sya dahil lam naman nya extra income naman pinagkakapuyatan ko.Makapagkape na,si mader ang laging maaga magising pananghalian na handa nya.
Sinubukan ko inumin tong bigay ng pinsan ko,herbal juice cya vitamins daw to iinumin ng walang laman tyan. Pang boost din ng immunity.Mahal pala nito,di ko afford bilhin.hehe
Ngayon pa lang kakain ng lunch tena guys,may bagyo ba guys mukhang makulimlim panahon at medyo mahangin sa labas.
Nakabisyo talaga,nakasanayan na talaga nya na kapag nakaupo na si mader sa tumba tumba nya eh,makikisleep din sya na parang baby hehe
Naku bukas aalis nanaman ako,aga ko gising,buti nakatulog ako kaninang mga 5pm kanina at nagising ako ng 7pm. Sana sipagin ako bukas ng umaga at magising ako ng 4am, pero mukhang may bagyo nman,di naman siguro masyadong affected ang place namin.
Nakalabas din ang lelang,may aasikasuhin lang sa Sss hopefully walang pila masyado dahil tanghali na ko makakilos.
Dang haba ng pila,sana naman sulit ang pila ko nito pagdating sa loob ng Sss.
Dahil di ako vaccinated sa labas daw ako haha.ganun na pala ngayon sa restaurant,tapos di ka makakapasok sa mall kung wala ka appointment,tanungin ka kung saan punta mo sa loob haha
Gulat ako dun sa babaeng lumapit sakin,kala ko eh staff ng jolibee eh,pano tapos na ko kumain,nag ccp na lang ako,kala ko pinapaalis na ko,yun pala nanghihingi ng donation π π.
Babalik pa ba ako sa Mall o hindi haha,danghaba ng pila kanina tapos di rin ako nakapasok,di ko rin lam bibilhin ko. Kapag sa bahay dami ko naiisip na bibilhin pero kapag nasa labas na ko nagkaka amnesia na ko haha.
Dahil solo flight lang ako,walang jowa na mauutusan haha,kumain sa jolibee,pabibilhin ko sana yun staff ng jolibee ng sundae fudge, kaso lang di pala sila nagtatake ng order ng costumer,need ko pumunta ulit ng counter at iwan yun pwesto ko,naisip ko na lang na wag na lang kumain ng sandae, uwi na lang ako at dun na lang bibili samin ng ibang mabibili.Bibili pa ko ng Thelmos nabasag kasi yun thelmos namin at bibili na rin ng bombilya at isipin ko pa yun iba pa.
Nakapasok din ng mall haha,baka hulihin ako di pa ko vaccinated,magwindow shopping lang haha.mahigpit dun sa main entrance dun ako dumaan sa super market hehe
Sabi ko magwiwindow shopping lang ako hehe.yun cat food di napasama sa picture hehe.ang bilis lang maubos ng pera,yun 1k ko wala na ata natira haha
Buti na lang pag uwi ko may mamimirienda na,may nagbigay kasi samin ng slice cake birthday ni kapitbahay,yun suman naman binili ni mader sa kakilala.pang almusal na lang namin yun mamon na binili ko, kapag ginutom ako mamayang gabi makakain ko, biscuit na lang almusal ko bukas hehe
Tena kape naman tayo.babalik and mag eemail din ako papaschedule pa rin pagbalik ko ng sss ulit,haiz daming ginagawa pahirapan, pero magpamember at magbayad napakabilis lang...grabe talaga.
Makapaghugas muna ng plato.mamaya tutukan ko cp ko.Pabitin bitin kasi gamit ko.Ayoko ng naiistorbo sa isang gawain,gusto ko talaga tuloy tuloy. Charging time din muna ng gadgets.
Gulat ako pagcheck ko may laman yun dog coin ko,yun pala galing yun sa bprogrammer,kala ko sakop lang nila btc at eth,yun pala may dog coin na rin pala sila.
Watching news while working in my loptop. Maya maya sleep na rin ako, babawi din ng lakas for tomorrow,at bukas na din babawi sa iba. Mukhang maganda naman yun vitamins na binigay ng pinsan ko na juice,nakakagaan ng katawan bukod sa vitamins na binili ko.
Time check 10:17am babangon pa lang para magbreakfast. Maya na ulit magcheck ng iba pa,dating gawi ulit pagkatapos harap ulit mamaya sa loptop at cp. Kakain na lang ng tanghalian mamaya nakahanda na si mader ang laging gawa sa bahay. Eto lang maganda kapag sa bahay work mo hawak mo oras mo, yun lang wala kang social interaction personally yun lang dis advantage...di rin makakahanap ng jowa haha...hayaan na lang jowa hanapin ako haha.
Time to work na ulit.maya pa ulit maliligo bandang hapon.late upload ko na yun breakfast ko this morning,yun binili ko kahapon sa Red Ribbon.
Dumating na din kanina yun cat collar na binili ko sa shoppee worth 11 pesos ko lang nabili nun 10.10,medyo malaki pa sa leeg nya at di pa sya sanay suotin first time kasi.
Umagang kay ganda,rush nanaman ako kahit medyo maaga nahiga kagabi inumaga pa rin nakatulog kaya ending eto tanghali nanaman gising, bukas sipagin ko sana umalis ulit at bumalik sa Sss, para nman matapos na yun inaasikaso ko,maya punta ko kanto para paxerox yun mga kailangan,makabili na rin ng ilan wala na sa bahay na kailangan,mas makakamura mura kasi kung di lagi sa tindahan bibili,may tindahan din naman kami kaso wala ng laman haha
Kapagod maglinis ng kwarto,pawis na pawis ako saglit lang naglinis,puro alikabok na kasi ilalim ng kutson ko. Di muna ko nagkutson,di nman masyado malamig ngayon, nasisikipan ako sa kwarto namin maliit lang kasi bihira naman ako maglinis, para madali linisin.
Ayos na ayos tong na order ko sa shoppee saktong sakto sa fan ko yun elisi worth 84 pesos nun 10.10,tama yun size ko size 12", buti naihabol ko mali pala yun size n nbigay ko round pala yun sa fan ko naorder ko nun una half moon, buti responsive yun seller,at ayos yun balot nya safe na safe yun item.
Hinihila ako sa higaan habang nagttype ako sa loptop ko, ano kaya mamirienda ngayon.may tinda kaya ngayon sa labasan squidball.matingnan nga.Yun gusto mo kumain pero tinatamad ka lumabas haha
Ano sa palagay nyo masarap ba manood ng sine? Sa bahay na lang wala pang gastos, kung manonood ka social distancing pa rin naman lalo na sa mga mag jowa haha, tapos bawal pa kumain sa loob ng sinehan, eh kung solo ka manonood,masarap kaya kumain habang nanonood sa loob ng sinehan,yun na nga lang nagpapasaya sa mga walang jowa pagkain eh hahaπππ
Maka try makapost nga mukhang bumabalik na si value heart,may tumibok sa dalawang pinusuan ko namanπ
Maka idlip muna, ang hina ng signal ngayon samin,ipahinga ko na rin muna mata ko,balik ako mamaya,maulan samin ngayon si kat kat eto tulog na tulog sa duyan nya parang baby haha
Flex ko lang tong alaga kong si Kat kat na walang ginawa ngayon kundi matulog at kumain,spoiled na spoiled sa mader ko,na pinaghehele pa haha
Dahil wala ko mapanood na gusto kong palabas sa tv,eto nood nood lang sa yt ng mga old and latest movie,old horror pinoy movie " Regal Shocker"nagpapaantok pa.
Late almusal nanaman tena kain po.Saturday nanaman, bilis ng araw malapit nanaman mag pasko.
Watch movie muna.while working home.Stay lang muna ko sa kwarto, medyo mainit sa labas,naligo na ko agad baka unahan pa ko ng kuya ko sa banyo eh
Taas pala ngayon ng BCH, kaso walang effect si puso sakin, pero yun puso ko may effect sa iba.nareach ko na siguro yun limit.
Eto pala new update ni noise,di mo makikita kung magkano na na eearned ng iba, pero makikita mo kung magkano na earned mo,at di mo rin makikita sa notification, yun mga tao na nagheart. Surprise mo makikita yun na earned mo.
Medyo nabusog ako sa mirienda ko kanina, nagkanin kasi ako at ulam ko yun ulam ko rin nun tanghalian at ngayon yun pa rin hehe.Kain tayo higadong manok ulam namin kanina. #RepostPic
Mga "SAKALAM" talaga yun mga nakapagpavaccine na..hehe, di pa ko naglalakas loob,sa karayom naman ilan bes na ko naturukan, sa alak-alakan,daliri,sa may gilagid bunot ngipin at sa pwet haha, yun sa may braso nun bata pa ko nun naturukan ako, di ko naman matandaan yun feeling ko nun baby pa ko nun eh hehe, medyo sanay na rin ako sa turok lalo tuwing mag aapply ng work,di talaga mawawala blood test sa medical. Ewan ko ba, siguro sa side effect lang talaga ko medyo kinakabahan,β¦
Medyo busy this morning, nakinig kasi kami sa online worship kanina, ngayon naman eto watching movies while eating lunch.Kain po.Mamaya busy na din maglalaba naman ako,Bukas naman baka may lakarin ulit ako.
Eto nga pala play area ng baby KatKat namin hehe, himala di natulog, maghapon nag enjoy sa paglalaro hehe, ngayon lang sya natulog around 6pm na, napagod din sa paglalaro nya ng bola.
Medyo marami ako ginawa,ang bilis ng oras, yun typing ko di ko masyado natutukan ngayon,bukas ko pa ulit sya maasikaso pagdating ko ulit ng bahay.Bukas kasi aalis nnaman ako,sana makapasok kahit walang online appointment sa Sss,chineck ko kasi kanina,next year pa available appointment,dumaan na pandemic di ko pa rin naaayos yun dapat ayusin hanggang ngayon,sa daming proseso. #Onlyinthephilippines
Bukas na ko babawi guys...lam nyo na kung sinu sino kayo. Need ko na din matulog,medyo late na tulog ko nanaman,aga pa gising ko bukas, may need lang puntahan.time to rest.night guys.Bukas ko na kayo isa isahin.π
Late na ko sa pupuntahan ko.Late na makakilos eh.Puyat pa rin umalis,nasanay inuumaga na kasi matulog.Paalis pa lang bahay.Hayz.pamasahe nanaman to,mas malaki pa pamasahe sa trycycle kaysa sa Bus o Jeep.
Kain tayo guys,2nd time pumasok sa mall,buti mayron pa rin restaurant sa loob na nag aaccept ng not fully vaccinated.ok din naman yun pagkain,ako pa lang tao kumakain hehe and mayroon pailan ilan umuorder,ok nman area dahil open area naman. #SmRosario
Nakakagutom magpa appointment,mantakin mo pupunta ka lang para magpa appointment sa Sss,sa next month pa balik ko ulit Nov. 16,haiz ganun katagal magpa appointment, kung sa online naman mas matagal abutin ko, next year pa, ok na din to kaysa sa online.
Dumating pala yun order ko sa shoppee eh wala ko ngayon sa bahay,di ko nasabi sa mader ko,tinawagan ko ngayon mader ko,sabi ko yun order ko di pa bayad, bayaran muna nya,kala pala nya bayad na yun kaya di binayaran sa rider,si rider nagtext sakin iniwan daw nya item at babalikan na lang daw nya bayad,abonohan na lang muna ata nya. 23 pesos lang naman yun order ko na usb light para sa loptop ko.
Eto lang mahirap sa phone ko once nasa labas ako dapat may extra power bank,bilis malowbat sa kagagamit kahit nasa labas panay gamit ng phone.Buti di ako sinisita tagal ko na nakaupo sa malabot na upuan,umiinom unti unti ng 4 season ice tea. Namiss ko talaga tumambay at mag ikot ikot sa Mall haha lalo na magpapalamig ka tapos hintayin mo hapon para di na mainit pag uwi mo hehe
Pauwi na.Tagal ng bus umandar, nag iipon pa ng ilang pasahero,nawili kakaikot sa Mall hehe,sinamantala ko na, dahil next month na ulit labas ko haha,yan lang problema sakin napapabili ako,pag uwi ko ubos na pera ko,need ko na naman kumayod para mag ipon ulit haha. Agang mirienda,wala nga lang panulak, sa bahay na lang iinom hehe. Flex ko pagdating sa bahay binili ko hehe. #Repost #Addpic
Kaloka,nangyari kanina sa isang Shop na pinuntahan ko,malapit na samin,bumili kasi ko ng dog collar, at baby powder na nka promo 30%,ngayon eto nakapila na ko sa cashier, sa kabilang cashier may isang costumer na bigla na lang hinimatay,medyo usisa ako pagdating sa counter kung ano nangyari dun sa babae,ang kwento nun cashier o staff nila dun nakausap nya daw yun babaeng yun kahapon,nagpunta rin pala yun kahapon dun at ang kwento sa kanya ang dinig ko nagpavaccine ng modernaβ¦
Flex ko lang binili ko sa Mall,power bank napabili ko worth 650 natawaran ko ng 600., at masking tape yan lang,yun baby powder naman at dog collar sa shop na dito around samin na,di ko na napicturan yun collar,suot na ni doggy excited na daw sya hehe,then yun usb light yan na yun dumating dito sa bahay order ko sa shoppee,tinest ko medyo nag iinit, sana matagal ko magamit to.
Ayos din hope magamit ko to ng matagal
Sunod sunod alis ko, kanina bago ko umuwi nagdaan pa ko para sa National I.d.,sa 2nd step biometric, yun maglalagay ka ng telescope sa mata haha,bukas samahan ko mader at kaptid ko para din sa 2nd step nila sa National I.D., sabi sakin 3 to 6 months makukuha at idedeliver sa bahay.
Medyo nalate nanaman gising ko tinamad bumangon,samahan ko ngayon umaga mader at kapatid ko sa National I.D. naman nila,wala ng ligo pag uwi na lang.magbreakfast lang ako then alis na rin kami soon, daan na rin kami palengke para bumili ng ilang needs sa bahay.
At sa wakas nasa bahay na rin,kakain naman ng tanghalian,malaan pa kung ano na lang makain, tinamad na magluto pagdating,mararami din pinamili ni mader, after 2years nakalabas din mader at kuya ko ng bahay,ngayon lang ulit nakita palengke lalo ng mader ko,pinagtrycycle ko sila dalawa,para medyo tipid sa pamasahe nag bike na lang ako para samahan sila kanina.
Bilis ng oras,around 3pm aalis ulit ako,makikiramay naman sa namatayan, at bukas naman maglalaba,tambak na si labahin.
Umagang kay ganda late morning nanaman,late almusal ulit.maya gawa gawa nanaman ng mga dapat gawin at unahin. Wala muna alis ngayon,online work ulit muna,mamaya pa laba ko,paubos nanaman susuotin ko.Punta pa pala ko kanto mamaya,naisip ko bigla,wala ng cat food si Katkat ko then punta muna din pala ko mercury bago ko maglaba mamaya.
Natapos din gawain ko sa bahay,natuloy din pag lalaba ko pero mayron pa rin natira ulit.naubusan ng sabon,ngayon lang ulit nakatutok.
Parang dami ko ginawa kanina,bilis ng oras tanghalian nanaman,mamaya pagkakain pupunta ulit ako ng palengke at botika,maya na din dating order nmin sa tindahan, ilang paninda.
Ganito sya sa tuwing kinakausap ko sya,super lambing,smart at makulitπππ
Tena guys mirienda tayo.,feel tomsgu na.Lets eatπ
Nakaidlip ako kanina,late na nman tulog ko nito tapos napagusto ko na magkape kanina.Tumaas kaya crypto ng Bch ngayon,checheck ko pa lang,kanina nasa 32k na,di pa ko nagpapay out ng mga gawa ko para isend sa coinbase ko.
Umagang kay ganda,aga ko nagising pero late na ko nakatulog around 4am na,mamaya na lang bawi sa tulog mamayang 3pm,punta ulit ako palengke maya maya lang.Medyo may laman na ulit tindahan nmin, may dumating na kaunting blessing kay mader. Nakapagbreakfast naba kayo,ako medyo nag iinat pa para bumangon na.
Hay naku lahat na nagtataasan, Gas tank,kuryente,pamasahe,pati groceries,kung magkasakit pa hospital bill,pano na lang kung wala mga extra online?Laking tulong talaga mga extra online.
Kakain nanaman ng hapunan,rest muna sa ginawa,then balik ulit mamaya.Bukas part 2 ng labahin ko,baka abutin ng schedule ng water interruption.
Need na talaga kumain,di nkapagmirienda knina kaya eto mukhang gutom na si tiyan, ulam namin daw sabi ni mader pinaghalong sardinas at itlog pinirito. Ano kaya masarap ulamin bukas, Ulam nanaman bukas iniisip,kakain pa nga lang ng hapunan hehe
Medyo nreach ko na rin 1k, di ko pa napay out to para isama sa coin base ko, tyaga tyaga lang talaga.
Gandang umaga,breakfast tayo guys.marami nnaman trabaho ngayon,enjoy lang natin ang life.
Umagang umaga nakahuli ng daga si Katkat, kaya pala ayaw nya tigilan yun kahon kanina may daga pala dun at may anak na,kaso lang nakatakbo yun nanay na dagang maliit,pero may anak na maliliit yun naiwan, kinain ni KatKat.Nawala sa isip ko picturan nakain kasi ko that time ng breakfast ko,while si mader nagkakalikot sa bahay at ayun nga nakita ni mader yun kahon na binabantayan ni KatKat.
Guys may napanood ako sa tv, about sa pagkain,yun balat pala ng saging na saba pwede ulamin gawin sisig,yun pinagbalatan na saba ng saging hugasan mabuti tapos gayat gayatin lang ng maliliit na pa square then pakuluan para mawala yun mapait pait na lasa .Tapos hanguin o salain na.Then haluan ng corn starch,lagyan ng mga condiments yun balat ng saging na saba haluin,iprito sa kumulong mantika,tamang laki depende sa bet mo,tapos kapag naprito na lahat ihalo mo na pinagsamaβ¦
Buti na lang di Bill ng kuryente tong ginutay gutay ni doggy ko,may nagsingit kasi ng papel sa gate namin,sa mga Telecom Agent hehe.
At eto nga pananghalian namin kanina,hindi raw sulit kapag walang softdrink minsan hehe,mamaya pala mukhang uulan na sa area namin expected daw ng 4pm sabi ni google,dami pa di nagagawa, bukas na naman labada ko haha.
Nagkukukot while ginagawa si extra extra.Ganyan talaga.ischedule ko na self ko bukas full house naman.silip silip na lang muna sa cp bukas. Monday to Saturday work mode.πππ
May tumawag sa cellphone ng mader ko, ibang cellphone number, sinagot ko, tanong ko sino to? binalik lang tanong sakin,ano daw pangalan ko? di ako umimik,then sabi ko mader ko to number.Sino to?binalik na naman nya tanong nya sakin.Ano pangalan mo? Then ayaw nya talaga sagutin tanong ko, sya naman yun tumawag,in off call ko na lang... Baka maScam nanaman puso ko.Charot.haha. Kala ko pa naman si Kuya Will na hahaπ π
Pahinga naman sa typing.break muna.
Dahil wala maisip lutuin at di rin nakakapamili ng gulay sa palengke, eto lang muna ulam namin kanina,noodles with egg. Si mader ko naman, iinom na lang daw sya ng gatas,kami lang magkapatid nagkanin ngayon.Hugas muna ko ng mga plato pagkatapos ko pakainin mga Doggie at si Katkat ginising ko sarap na sarap sa pagkakatulog sa kandungan ni mader sa tumba tumba para kumain muna sya ng pinakuluan tilapya, pagkain nya at ng mga doggy, nagsasawa din sya kapag laging cat food.β¦
Tena,magpa init muna ko, Milo,ayoko magkape ngayon baka di ako patulugin ni Kape.
Yun nakita ko memories namin ng dalawang pamankin ko, nun wala sila magawa, selfie selfie daw haha. Wakkie,ano ba tawag nila sa style ng kamay na yan, uso daw.,sumunod na lang ako,nun di pa nauuso ata tiktok nyan hehe.
Time Check 9:16am,Blessed sunday morning,nagising ako ng 8:30am bumangon lang para mag wiwi,then kinuha ko si Katkat at dinala ko sa loob ng kwarto,sa gabi kasi sa labas lang sya ng kwarto,nangungulit kasi takbo ng takbo,balik higaan ulit ako tinatamad pa bumangon,ngayon napasilip ako sa cp ko,ano sa tingin nyo guys tataas kaya bch crypto nasa 31k to 32k kakasilip ko lang naka kulay green sya.
Hala Katkat nakikita na ang di dapat makita hehe.ganyan sya matulog madalas,sarap na sarap sa kama ng kuya ko,kung di ko ginising di pa kakain ng hapunan,sarap buhay talaga eh,puyat daw sya,duty daw kasi nya sa madaling araw hahaπππ
Sino dyan gumagamit ng WattsApp apps,sa November pala mag uupdate sila, di na available sa ibang klase ng smartphone. Matagal ko na rin to di nagagamit tong apps na to. Pero sa abroad uso tong apps na to lalo na sa Malaysia. Check this link: https://www.geo.tv/latest/376892-you-wont-be-able-to-use-whatsapp-on-these-phones-from-november #Source: Google
Umagang kay Ganda,sarap matulog,kakagising ko lang,maulang umaga ,time check 9:21 am.Selfie muna daw kami ni katkat.Breakfast time.
Parang hinihila ko sa higaan while typing,ano ba yan?Need ko ata magkape...musta na ba kayo.nakakaantok ata panahon ngayon.Sabi ng Maynilad water interruption ngayon sa lugar namin ng oct.25 to 26,11am to 8pm, nabudol nnman kami,lakas nga tubig sa gripo ngayon,baka kung kailan nman wala kami stock na tubig,dun naman sila raratsada ng interruption.
Grabe,medyo naiyak ako sa storya nito, yun feeling na nagtrabaho ka bilang yaya,pinatira sila parehas mag ina ng amo nila sa bahay,dahil yaya ka mas priority mo alagaan yun anak ng amo mo.
Mas pinili nyang huwag sumama sa singapore kasama ng amo nya,dun na maninirahan yun amo nya.Kasi kung sasama cya,wala syang maiiwanan ng anak nya,mas pinili din nya na kasama yun anak nya at sa pinas na lang mag hanap ulit ng panibagong trabaho.
Wow marereach ko na 1,5 K sa katapusan ng buwan,goal ko na monthly ang pay out,pakiramdaman din kung taas,baba hehe,lalo na kapag tumaas Crypto,sya nga pala sa sobrang busy late ko na na post hapunan namin kanina, maliit na yun isa nakain na ni mader ko, nalate ako shot haha.
Time check 9:16 am eto kagigising lang nagchecheck pa ng ganap sa paligid ligid,sarap sa feeling, yun weather ngayon medyo malamig na panahon,nakakatamad nga lang talaga magkikilos lalo na pagkatapos mananghalian, makakaramdam ka ng antok db hehe.Naku need ko na naman magbreakfast na at gawin mga dapat muna gawin,kailan kaya ko pupunta sementeryo para bisitahin ko mahal sa buhay ko.
Tena magkukot while watching movies,habang ginagawa din ang typing ko.π
Sana maayos ko bukas yun pinapaasikaso sakin, laking tulong din yun tulong pampuhunan,project ng mayor samin.
Ako na lang ata gising ngayon,lahat kasarapan na ng tulog,Anyway kwento ko lang Etong pinsan ko ininvite ako,idownload ko daw to, kasi di raw naglolog at malinaw,sinubukan ko,mukha ngang ok gamitin, kaya napadownload ako,di naman ako mahilig sa conference,di naman kaila sa karamihan dito gumagamit na talaga nito lalo sa mga online class,at sa mga nagbubusiness.
Nakaka addict talaga laruin to, kapag nasimulan ko laruin,ang hirap tigilan haha, gusto ko matapos yun level.Nilalaro ko to kapag nagsawa na ko sa ibang ginagawa ko na paulit ulit. Kahit papaano may earn pa rin dito kahit maliit lang. Nakaka enjoy lang laruin at madali lang.
Gandang morning.medyo maaga ko ginising ni mader,dahil may aasikasuhin hehe, nktapos na din magbreakfast at ngayon eto nakaupo naman sa trono hehe,ganito din ba kayo kapag nagbabawas haha,walang sinasayang na oras pati sa loob ng c.r.hehe,aminin...
Ang init sa labas,nagbike kasi ako pawis na pawis din pag uwi,malaking tulong talaga sakin tong bike ko,may inayos kasi ko requirements at pabalik balik din ako, laking tipid sa pamasahe.Naayos ko na requirements kaso pagdating sa Mayor's office,di pa pala schedule barangay namin kaya standby na lang muna ilan requirements ko,sayang din yun tulong puhunan.
Haiz,inaantok ako, hinihila nanaman ako sa higaan, makaidlip nga muna, late na kasi ko natulog kagabi, tapos medyo maaga nman ako nagising kanina.Bawi na lang mamaya pag gising ko magkakape ako mamaya.
Kakagising ko lang,di ko lam kung mag mimirienda pb ko o hapunan na to hehe.tapos mamaya gutom uli,kakain ulit.
Tawang tawa kami ni mader dito ehπππ dinuduyan duyan namin,picture and videohan ko pa eh,parang may baby kami sa bahay eh, nagkalat din yun mga toys nya sa loob ng bahay,kaso lang sabi ko kay mader bakit nangangagat si baby,πππang tulis pa ng ngipinπππhaha,keleng keleng keleng....π
Mukhang di matutuloy pay out ko sa end of the month ah, medyo bumaba na ulit ang cryto market,pero pwede na ulit ako mag buy ulit gamit yun naipon ko sa 2captcha,wait ko pa rin bumaba pa ng onti para makapagbuy.
Tena Dinner na kami, while watching "Legal wives" sardines with egg.Matindi talaga kabaliwan ni girl kay Ismael.
Hindi ako masyado nakapag extra ngayon, nawili ako magbalik gunita sa mga memories ko before,yun mga past photo ko,napasyalan with friends and family,co worker,masaya lang magbalik ala ala sa isipan ko.Yun photo ko before payat pa ko,tapos tumaba at pumayat ulit,mga napuntahan pasyalan,trabaho before,pinaghalong saya at lungkot.
Umagang kay ganda,time check 7:52 am at eto ilan oras lang tulog ko, alas 5 am na ata ko nakatulog kanina tapos mga around past 7am ginising ako ni mader para hawakan tali ng aso dahil dumating yun magdedeliver ng tubig, while si KatKat naman tinali muna ni mader this morning malikot na kasi kung saan saan umaakyat,kagabi pinahirapan ako kunin cya sa gilid ng bubong,nkaakyat sya pero di alam paano bumaba,kumuha pa ko ng medyo malapad at mahabang kahoy para lang dun syaβ¦
Now lang magbreakfast,kain tayo, buti nkaidlip ng onting tulog ulit.
Sino na nakapagtry magbayad ng utility bill like electric bill or water bill sa shoppee pay,gusto ko sana itry kasi may promo sila hanggang bukas na lang ata na may 100 pesos off sayang din sana kaso nag aalangan ako,in case,papasok kaya pay ko.
Makapaligo at makapaglaba ng ilan damit,dahil di natuloy water interruption, bukas malamang tuloy na,nagtext ulit maynilad samin 29 to 30, 11am to 8pm walang tubig na papatak sa gripo.Di pa ko nakapunta sa cementery, bahala na baka magtirik na lang kami sa bahay ng kandila.
Tulog nanaman sya, duty nya kasi kagabi hanggang umaga hehe.Tinanggal ko sa tali kakaawa naman eh.
Eto pala yun, End of December pa pala ang promo ng sa Shoppeepay sa Meralco bill,may ilalagay lang din code para maka discount ng 100 pesos.Try ko nga kapag nagredeem na ko sa coinbase ko,transfer to coins then gamitin ko pang pay ng Meralco bill namin
May gising pa kaya dito,Guys tanong ko lang ang BCH Address ba nababago,yun sa coin base ko kasi nanotice ko ngayon, paiba iba ng address,kada open,close ko,bakit kaya ganito to, di ko tuloy alam kung nakaka apekto ba to sa pagreceive ng crypto.Pero may narereceive pa rin nman ako sa noise,di tulad ng coin ph parang fix lang yun bch address.
Gandang morning.Time check 9:46am,nakaugalian ko na magpost pagkagising,at ikwento ang paulit ulit na ganap sa buhay buhay, basta may time at internet connection,expired na to kahapon inextend ko ng 15 days.Ok naman yun pinay out ko kagabi pumasok nman at nka ipon na din ng 27 $ sa coinbase ko within 1 month,check ko ulit ang market kung tataas sa katapusan,kung mataas na ngayon mapapa aga agad pagtransfer ko sa coin ph and then convert to php naπ
Ganito din ba kayo guys bago magluto ng toge ,tinatanggal muna yun ugat ugat na maiitim, pinatanggal sakin ni mader dahil yan ngayon ang lulutuin nya pananghalian namin at ang gagawin nya raw luto dyan eh igigisa lang daw nya sa chicharon baboy,di ko lang lam ano pang halo nun,di makapunta ng palengke,pwede din sana tokwa,ang baboy naman namamahalan si mader,bumili lang kami sa naglalako ng gulay,buti at may dumaan.
Eto lang yun eksena kanina,pero ngayon luto na siguro yun ulam namin,as of now tinatamad pa ko kumain, late na kasi ko nag almusal kanina.
Bihira ko na magawa yun Givvy apps,tagal din kasi makaipon ng naearn,need mo rin talaga gumugol ng time at effort sa pGames nila,mas gusto ko pa gawa ng BProgrammers,naisasabay ko pa sa 2captcha sa typing ko. Yan po madalas ko ginawa plus eto nga pong noise.Bigyan ko kayo idea lalo na yun madalas nasa bahay lang at wala naman work. Dyan madalas ginugugol ko oras ko,sipag at tyagaan lang talaga kailangan at disiplina,time management medyo tagilid pa rin ako pero ginagawa koβ¦
Post ko lang yun niluto kanina ni mader nitong lunch namin, medyo nalate ako ng post,kasi tuwing kakain ako nakacharge mga gadgets ko,at ko rin feel nag cecelphone habang kumakain, parang nawawalan na ko ng gana kapag ganun.Ginisang toge, nakabili pala si nanay ko ng tokwa,kaya may halo din yan bukod sa chicharon baboy,may kamote rin at dahon sili.
As of now eto nman ginawa ko ngayon manood ng movies, while typing ulit and everything na pwede pagkakitaan online.πππ
Maghuhugas na sana ko ng mga pinagkainan,10am to 8pm daw ang water interruption sa lugar namin,kaso wala pa rin tulo hanggang ngayon,nakapag ipon naman kami ng tubig,pero nasanay kasi ko maghugas ng tinatapat sa gripo mas nadadalian ako at yun dumi din kasi diretso sa butas ng lababo.Pero wala ko choice kapag wala pa rin ng 10am,mapipilitan talaga ko gawin yun banlawan sa planggana.Tatabuin na lang din yun tubig.Sa katipiran ko sa tubig,di rin ako nakaligo ngayon,satin satinβ¦
Matapos ang matinding bakbakan ko sa hugasan kanina,ngayon naman bawas pagod kapag nakikita ko tong si Katkat nakakatuwa sa kakulitan,gigil na gigil sa laruan nyang malambot na teddy.Dahil hanggang ngayon wala pa rin tulo napagdesiyunan ko na bukas sa plastic muna kami kakain para makabawas sa hugasin,yun plate lalagyan na lang namin ng plastic at dun kami kakain para itatapon na lang.Minsan lang naman gagawin to habang water interuption pa,try ko magtanong sa kalapitbahayβ¦
Umagang kay Ganda,Katapos ko lang mag almusal,at eto naman si mader ko panghalian na,while ako maya pa ko mananghalian haha,eto na nga wala ngang tulo this morning, yun iba namin kalapit bahay nakikiigib sa mayroon poso sa kalapit bahay din nila,mayroon pa naman kaming imbak na tubig pero malamang mahirapan kami kung hanggang bukas wala pa rin,mapipilitan kami maki igib na rin sa kalapit bahay namin.
Para tipid sa hugasin,pati pagligo ko kanina,nakatayo ako sa batya,yun pinambuhos ko sa c.r.pagbabawas.
Need ko pala agahan gising bukas, para makabili ng maaga ng needs,ubos na rin cat food need na bumili. Need ko mag alarm, buti may tubig na kaninang mga 3pm nagkaron.Ngayon pa lang ako kakain,hinahabol ko kasi yun isasama ko sa pay out bukas, hopefully tumaas bch kahit 32k bukas.
Tamang tama to,nakatipid kami ng 200 pesos voucher sa shoppee,sa bill namin, medyo malaki din bill namin, laking tulong to.Waiting na lang ako na mareceive.Machecheck ko nman sa meralco online kung pumasok na pay ko,Maynilad lang hindi ko machecheck.
Umagang kay ganda,babangon pa lang para mag almusal,pupunta ng palengke bibili ng ilan kailangan.Saan kaya pwede mag cash in ng walang charge sa gcash ,maliban sa banko.
Nabusy ako sa pagwiwindow shopping sa shoppee, hanggang tingin lang naman at add to cart haha, nkabayad na din ng mga bayarin kuryente at tubig.Manananghalian naman maya maya lang,tinamad nanaman ako lumabas dahil mainit, kaya mamaya na hapon labas ko, wala ng kakainin si KatKat mamayang gabi.
Atlast nareach ko na din yun 1,5k sa coinbase,pplitan ko na lang yun binayad ko sa bill once na mawidraw ko na to,humabol lang ako sa promo ng shoppee pay,sayang din kasi yun total 200 peso na discount ko sa maynilad at meralco bill.
Bago ko pa makalimutan picturan ulam namin at malowbat phone ko,plunch na rin ako.Eto ulam namin ginisa sa century tuna with dahon ng kangkong.Sige lunch muna ko at maicharge na rin to, para mamaya sasabak ulit.πππ
Nakalimutan ko iupload yun dinner namin kanina haha,nabusy nanaman kasi kanina, walang ibang maisip ulamin kanina,yan pinabili ni mother kanina.Kikiam at Lucky me noodles.
Nood lang naman kami ng KMJS. Ewan ko pero parang sanay na ko manood ng horror movies,wa effect na sakin, wag lang siguro sa totoong buhayπ π #addscreenshot