read.cash Log in
@Germhel more from that month

Happy Thursday everyone, good morning! Share ko lang tong anak kong ayaw talaga pag kinukunan siya ng picture😅 Kagabi kasi, sinubukan kong ipasuot sa kanya yung dress at yung remaining Mini Melissa shoes niya kung kasya pa sa kanya. Nung tapos ko na siya bihisan, mag take na ng picture nag start na siya umiyak😅 Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Gusto ko lang naman sana makunan siya ng maayos na litrato na nakagayak siya na ganyan😓 Btw, yung dress niya binili ko yan nung 10 months palang siya. Nagandahan kasi ako, vintage yung style niya. Napasuot ko na sa kanya yan once nung nag photo shoot kami dito sa bahay. That time, madali siyang kunan ng pictures, dahil nga siguro baby pa siya😁 Please refer to the second photo. Ang cute cute niya jan. Pinasuot ko pa talaga siya ng wig. Ang gusto ko sana habang lumalaki siya, may mga memories ako nun by taking pictures of her. Kaso ang hirap niya talagang kunan ng litrato😅

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.