MAY AYUDA NA BA ANG LAHAT? Good morning, I saw this people lining up and gathering in the barangay hall, may hawak na mga papel. It's ayuda time! Mapapasana all ka nalang talaga. Kung iisipin kasi buti pa sila may natatanggap ng mga ganyang benepisyo galing sa gobyerno. Kung tutuusin lahat naman apektado ng pandemic. Naalala ko noong nagsimula ang pandemya, na stop din sa trabaho yung asawa ko for 3 months. Lahat ng ipon namin naubos, pambayad ng bills, at mga gastusin dito sa bahay. Parang napaka unfair lang diba? Pero ganun naman yata talaga, hindi lahat nagkakaroon. Ang nakakatawa lang kasi noong nakaraang araw may nakita ako sa ibang barangay na namimigay ng ayuda na ang kakapal pa ng alahas na nabibigyan. Sana lang talaga kung pili man yung pamamahagi ng ayuda, doon lang dapat sa karapatdapat, yung talagang walang wala. Happy Friday noiser!
No comments yet